Chiz cries foul over Inquirer.net misquote
September 15, 2009
Following is a transcript of Senator Francis "Chiz" Escudero's statements during an ambush interview in Digos, Davao del Sur last September 8, 2009. This interview is the basis of the Inquirer.net article dated September 9, 2009, where the senator said he was misquoted.
Q: Nabulabog ba ang mga partido sa Maynila sa plano ni Noy-Noy? Kamusta ang plano ?
Escudero: Desisyon yan at internal na bagay yan sa Liberal Party, sa pagitan ng mga miyembro ng Liberal Party, (at) sa pagitan ni Senador Aquino at Roxas. Alam niyo, walang may monopoliya sa may magandang intensyon at plano para sa ating bansa. At walang sinuman ang pwedeng may magsabi sila lang ang magaling at lahat ay di magaling, na sila lang ang mabuti at lahat ay di mabuti. Dapat pagkaisahin natin ang ating bansa at magtulong-tulungan tayo, hindi yun meron sila at meron kayo.
Q: On NPC nag declare na ba may tatakbo na ba?
Escudero: Wala pa kami anunsyong binibigay at gaya ng sabi ko pag palo ko ng kuwarenta anyos, pinaka-batang edad para sa pagtakbo sa anumang mataas na pwesto... dun ako mag-aanunsyo ng plano at balakin ko kaugnay ng 2010.
Q: Sir this was asked sa ibang nag-paplano rin: what can you do for Mindanao? What can you do for the peace in Mindanao?
Escudero: Dapat ang ibigay sa Mindanao ang para sa Mindanao. Ang binibigay na contribution ng Mindanao sa ekonomiya natin sa GDP ay 17.7% pero ang budget na binibigay sa Mindanao ay nasa siyam hangang labing-isang porsyento lang. Simulan natin sa simula: give Mindanao what is due and owe to Mindanao at least 17.7% ng budget. Mas malaki pa dapat ibigay sa Mindanao.