Escudero on Enrile, Pimentel squabble
May 26, 2009
Yun po ay kahit na may ilang panawagan, kasama si dating Senate President Jovito Salongga.
Sen. Chiz: Buti na lang -tiable lang ako at hindi presidentiable. Maski naman na sa mga talumpati ni Senator Villar, o mga sinasabi ni Senator Cayetano, hindi ako binabanggit dahil hindi naman ako deklaradong kandidato at ang mga naging pasya at boto ko sa komite, sa pananaw ko?y naging parehas naman at patas para sa lahat ng apektado nito, panig man ni Senator Madrgial o panig man ni Senator Madrigal.
Nagreresign po si Senator Enrile bilang Chairman ng Committee of the Whole, ano po ang magiging boto po ninyo kapag pinagbotohan poi to?
Sen. Chiz: Sa palagay ko?y hindi naman po mali ang ginagawa ni Senator Enrile. Nasa kanya ang kompiyansa ko kaugnay sa pagiging chairman. Ang problema naman kasi minsan, nagche-chariman si Senator Lacson, ayaw. Nagche-chairman si Senator Enrile, ayaw. E baka maubusan na tayo. Tapos may mga presidentiables, hindi rin pwedeng sumali. Baka naman ang maiwang senador ay puro kakampi na lamang nila o kapratido nila. Hindi rin naman siguro tama yun. Sa pananaw ko, naging patas at parehas ang kamay ni Senator Enrile sa pag-preside. In fact. Makailang ulit na naging mapagbigay sya at naging pasensyoso. Talagang hindi lang magsang-ayon ang pananaw ng magkabilang panig. Kung kaya?t marami tayong naririnig na reklamo siguro at hindi pag-sang-ayon.
May kanya-kanya po namang bias yung mga senador hindi po ba? Tanggapin po natina gn totoo. Meron pong pro-Villar, anti-Villar, kampi-kampihan nap o ang pangyayari. Kung sakali po at pagbigyan yung hiling po ng kampo ni Senator Villar, na mag-inhibit ang mga presidentiables, at hiling naman ng kampo ni Senator Lacson na mag-inhibit ang mga kakampi ni Villar, ano hong magiging hitsura ng Senado nun?