Escudero on Enrile, Pimentel squabble
May 26, 2009
Yung nagging pisikal?
Sen. Chiz: Yun siguro ang pinakamahalagang ehemplo ng demokrasya.
Kahit na po senator umabot na doon sa mga salitang masmasakit pa sa suntok? Personalan?
Sen. Chiz: Malungkot yung mga salitang, ilang salitang binitiwan pero ganun pa man, yung pa rin ang pagpapatunay na buhay ang demokrasya sa loob ng Senado kung saan yung kasabihan sa Ingles ay tila nakita ko kahapon. ?I may not agree with what you are saying but I will defend to the death your right to say it.?
E yun po ay nangyari sa mga may edad na. Kung nangyari ho kaya yun sa medyo bata-bata?
Sen. Chiz: E nagsuntukan na siguro. (laugh)
Wala po sa kasaysayan ng Philippine legislature ang nagsuntukang nagpang-abot ano?
Sen. Chiz: Wala akong alam sa inabutan kong kasaysayan ng Kamara at sa inabutan kong kasaysayan ng Senado. Meroong nasampal, kung maaalala mo. Yung Sergeant at Arms dati.
Ah yung Congressman Gonzales ng Mandaluyong.
Sen. Chiz: Yun na yung pinakamalapit sa nagsakitan sa plenaryo.