Escudero speaks on various issues in radio interview
May 21, 2009
Following is the transcript of a phonepatch interview with Sen. Francis "Chiz" Escudero by Angeles City-based radio anchor Jab Tolentino on May 21, 2009 during his program "Birador" aired over GVFM 99.1 radio.
Q: Itong domestic dairy industry natin, paano ho kaya matutulungan ng ating gobyerno?
Escudero: Ang domestic dairy industry natin nakalimutan ng pamahalaan. Sa totoo lamang hindi nabigyan ng pansin, hindi nabigyan ng pondo at kulang sa atensyon. Ang kinakailangan, ika nga sa Ingles, put your money where your mouth is.. Ilagay mo ang pera sa sinasabi mong gagawin mo at pinagtutuunan mo ng pansin.
Q: Okay, tulad ho ng mga marine resources ho natin e nagreresulta ho ng government failure nang ma-enforce natin ang mga batas on environmental management and protection, sir.
Escudero: Meron nang pondong nilagay diyan ang Senado para sa budget ng 2009 at inaasahan naming na hindi ito mananakaw at ito ay magagamit sa tama para sa gayon ay mapatupad natin ang pangkalikasan o environment na mga programang inilaan. Ang kinakailangan natin hindi lamang mediation measures kung hindi adjustment measures sa pagdating at pagdulot ng pagpasok ng climate change.
Q: Tulad ho nitong swine flu virus natin sa bansa ngayon, e hindi ho ba natin pwedeng magamit itong P9.8 billion pork barrel funds para naman ma-beef up natin itong ating health at inprastaktura, sir?
Escudero: Pwede, bakit ba hindi. Subalit sa parte ko, Jab, mula 2005 nang ako'y mag-file ng impeachment complaint kay President Arroyo noong congressman pa lamang ako, hindi na ni-release ni Pangulong Arroyo ang aking CDF o pork barrel at hinold niya. Pero maswerte pa rin