Tanong: Ano ang tugon ninyo sa epekto ng global crisis sa Pilipinas?
Escudero: Sinimulan na po namin yan sa pamamagitan ng imbistigasyon sa Balikatan Housing Program at dapat tingnan din ng ating mga housing executives ang programa sa pabahay ay hindi kuwestiyon ng semento, ng kabilya o ng bubong. Ito'y kuwestyon lagi ng kapasidad ng ating mga kababayang bayaran ang kada buwan na hulog sa bahay na kanilang hinuhulugan. Dapat kung kinakailangan buwan-buwan iadjust ng pamahalaan ang buwanang hulog ng ating mga kababayan para makayanan nila at makapag-adjust tayo sa dikta ng panahon at ng ekonomiya. Di ko na po papahabain ang aking sagot dahil masyado na pong malakas ang ulan, upang hindi na po kayo lalong tumagal pa at nababasa ng ulan. Salamat po.
Closing Statement: Karangalan ko pong hindi napakinggan ninyo kundi na makausap kayo sa gabing ito sa gitna ng napakalakas na ulan. Hindi ko na po ito papahabain. Ayoko po kayong mabasa pa at magkasakit. Maraming salamat po at magandang gabi.