Di natin dapat yang ipagkait sa kanino mang babae na nais malaman, nais matuto sa kanyang karapatan at kanyang mga option base sa kanyang relihiyon, base sa kanyang paniniwala. Labas na ang gobyerno sa loob ng kwarto kung saan naroon ang mag-asawa.
Tanong: Paano niyo po maipagtatanggol na kayo po ay ready mag-serve na presidente bagamat kayo ay bata at kulang sa karanasan?
Escudero: Malayo naman pong mas maputi ako kaysa kay Obama. Una sa lahat, sang-ayon sa Konstitusyon, ang pinakamababang edad para tumakbo sa pagkapangulo o ikalawang pangulo ay 40 taong gulang. Kung kwarenta anyos ka na, ibig
sabihin pwede ka na. Kung masyadong bata yun, sana ginawa nalang nilang 50 or 55 at hindi na lamang sinulat na 40.
Pangalawa, alam kong sinulat ni Rizal na pag-asa daw ng bayan ang kabataan. Subalit nais kong pakita't patunayan na ang kabataan ngayon hindi lang pag-asa ng bayan. Ang kabataan ngayon, maasahan na ng bayan. Di natin kailangang antayin na tayo ay tumanda, yumaman, o magtagumpay. Ngayon, dito at tayo mismo dapat maasahan na ng ating bayan dahil kailanman, hindi natin dapat tingnan na kapansanan o kakulangan ang pagiging bata.