WELCOME TO THE OFFICIAL WEBSITE OF SEN. FRANCIS 'CHIZ' ESCUDERO
Thursday • September 2, 2010

Media Room

Chiz to gov't: 'Put your money where your mouth is'

July 20, 2009
Following is a transcript of Sen. Francis "Chiz" Escudero's statements during the "TALAKAYAN SA PLAZA MIRANDA: Ang Mamamayang Pilipino, Alisto!" held in Quiapo, Manila on July 16, 2009.

Opening Statement: Una po sa lahat, tanggapin niyo an aking pagbati. Isang maganda at maulan na gabi sa inyong lahat. Sana dito na lang mag-SONA si Pangulong Arroyo para matikman din niya ang basa ng ulan.

Tanong: Ano po ang masasabi ninyo tungkol sa dependency ng ekonomiya sa mga remittance na nanggagaling sa mga OFW?

Escudero: Hindi natin dapat katakutan ang pag-asa sa remittance ng OFW at hindi dapat pandirihan yan. Isang bagay na dapat pasalamat, isang bagay na kung may magagawa tayo marapat pa nga sigurong ibsan para mabawasan ang fees na binabayaran ng OFW tuwing nagpapadala sila ng pera mula sa kanilang lugar na pinagtatrabahuan pabalik dito sa Pilipinas. Huwag nating pandirihan at huwag nating talikuran yan. Yakapin natin bilang pansamantalang lunas sa kawalan ng trabaho, kawalan ng pagkakataon, at pagkakaroon ng katiwalian sa ating pamahalaan. Asahan nating sa darating na pagbabago mangyayari ang ating matagal nang minimithi at hinahangad.

Tanong: Ayon sa DepEd, 3.5% lang ng mga kabataang may kapansanan ang nakakapagkuha ng pormal na edukasyon. Paano niyo tutulungang solusyunan ang kalunus-lunos na kalagayang ito?