WELCOME TO THE OFFICIAL WEBSITE OF SEN. FRANCIS 'CHIZ' ESCUDERO
Saturday • March 13, 2010

Chiz Blogs

October 28 presscon Q & A

October 28, 2009

Q: Kung tutuloy ka ba tatakbong presidente, iencourage mo rin ba ang iyong bise presidente, kung sino man s'ya, na magbitiw din sa kanyang partido?

A: Malaya kong pinagdesisyunan ito, kung matutuloy at mangyayari yan dapat malaya n'ya ding pagdesisyunan yan, hindi rin para idikta ko ito sakanya.

Q: So kahit na may partido ang magiging bise-presidente n'yo okay lang po sainyo?

A: Basta yan ang malaya n'yang desisyon at yan din ang malaya kong pagdesisyon.

Q: Hindi po totoo na ayaw n'yo raw po kay Senator Legarda kaya kayo nagresign?

A: Walang ganon. Binanggit ko ang mga dahilan kung bakit ako nagbitiw. Walang dagdag 'yon at wala ring kulang.