Chiz Blogs
October 28 presscon Q & A
October 28, 2009
Q: Kung kakalas ka sa makinarya ng partido kung sakaling matuloy kang tumakbo, saan mo po kaya kukunin ang pondo mo just to be transparent sa darating na kampanya?
A: Ilalahad yun ng sinumang tatakbo. Magbabayad pa nga daw ng 5% kaugnay sa gagastusin sa halalan. Hindi ko alam sa ngayon. Hindi ko kayang sagutin ang iyong tanong. Ang alam ko lamang ay ito: magaan ang balikat ko't magaan ang dibdib ko, wala akong pasanin at nakangiti ako.
Q: If ever po na magdecide kayo to run for president, ano po yung first priority o plans para sa kabutihan ng sambayang Pilipino?
A: Ang dapat na unang tugunan ng sinumang magiging pangulo ng bansa tugunan ang problema sa katiwalian o korupsyon sa gobyerno. Gaano man kagaling ang mga plano mo kung wala ka namang pera para gawin yun dahil binubulsa wala ka ring maitutulong sa ordinaryong mamamayan.
Q: Magandang umaga po Mr. President, iyo ay isang katanungan para sa 11M na bumoto kay Senator Antonio Trillanes, kung sakali po ba na kayo ang naging presidente, malaya na po ba ang aming senator na makapaglingkod sa ating bayan at ang buong Magdalo ba ay sama-sama sa Malacanang na tutulong sa pag-unlad ng ating bayan?
A: Pagkakaisa po ang nararapat at kinakailangan sa ating bansa, katulad ng nabanggit ko, walang pinipili. Sinuman ang susunod na magiging pangulo ng bansa dapat hindi lamang bigyan ang Magdalo at si Senador Trillanes kung hindi iba pang nakipaglaban lamang laban sa katiwalian ng pagkakataong gawin ang dapat nilang gawin sa labas ng piitan.