WELCOME TO THE OFFICIAL WEBSITE OF SEN. FRANCIS 'CHIZ' ESCUDERO
Wednesday • March 17, 2010

Chiz Blogs

October 28 presscon Q & A

October 28, 2009

Q: When you say na kakayan, does that mean na financial? Ano yung pinakamalaking magdedetermine sir?

A: Hindi lang financial. Alam n'yo ang paniniwala ko kasi ang pera may tao at ang tao walang pera. Buti na lang ho tao nakakaboto at hindi pera.

Q: Open po ba kayong tumakbo as Vice President?

A: Bukas lahat ng aking options sa ngayon kabilang ang hindi paglahok kung saka-sakali. Ngayon nga kagaya ng nasabi ko, ako na bilang ako ang magpapasya at tayo-tayo magpapasya hindi kami-kami na lamang.

Q: Sir, what is definite is that you will be running for a higher position and you're just asking the public to give you some more time for you to formally announce whatever it will be - for president or for vice president.

A: Ninanais kong manilbihan sa mataas na kapasidad. Kaya lamang sa madalas sa madalas maraming nagmamadali at nag-uunahan. Alam n'yo ang halalan ay hindi naman karera na ng kabayo na ang nauna ay s'yang unang makakarating sa finish line. Darating at darating din po tayo dyan.

Q: Nagtataka lang kami rito, narito yung FPJ Movement, well of course the Magdalo group have already declared their support for you, yung FPJPM at saka yung ibang grupo na identified with other groups, are they now going for you or nagkaprevious negotiation?