Chiz Blogs
October 28 presscon Q & A
October 28, 2009
Q: According to Loren Legarda, hindi na kayo nag-uusap since nagdeklara na s'ya na kakandidato for Vice President?
A: Hindi kami nagkausap mula noon pero hindi naman nangangahulugan na hindi na kami mag-uusap o merong namamagitan sa amin. Sana'y maintindihan ako ng aking mga kapartido, sana tanggapin nila ang aking pasya. Personal ko itong desisyon ito kaugnay sa paglisan sa partido.
Q: Sir may mga balita na kinukunsidera n'yo na si Senator Ping Lacson o kaya si Grace Poe?
A: Walang ganong usapan o usapin sa mga panahong ito. Wala pang limang minuto akong malayang nakakahinga. Konting panahon siguro.
Q: Can we just know sir at least kung ilang percent yung desidido na talaga kayong tumakbo for president?
A: Hindi lang manggagaling ngayon sa'kin ngayon ang sagot. Ngayong Pilipinas na ang aking partido at marahil dahil lahat kayo ay itinuturing kong kapartido bahagi marahil kayo sa dapat na maging kasagutan. Hindi ako heredero, nadyan ang tatay ko, hindi ako haciendero at lalong hindi rin ako bilyonaryo. Titimbangin ko ang kakayanan para maglunsad, ng anumang posisyon na aking tatakbuhan sa mga susunod na araw at sa mga susunod pa na lingo.