WELCOME TO THE OFFICIAL WEBSITE OF SEN. FRANCIS 'CHIZ' ESCUDERO
Tuesday • February 9, 2010

Chiz Blogs

October 28 presscon Q & A

October 28, 2009
Following is a transcript of the question and answer portion which followed Sen. Francis "Chiz" Escudero's announcement of his decision to leave the Nationalist People's Coalition at Club Filipino, Greenhills, San Juan on October 28, 2009.

Q: Tatakbo po ba kayo bilang presidente?

A: Sa mahabang panahon nitong mga nakaraang buwan, palaging iyan ang sinasabi at dinidikta at tila tinutulak ako. Ako'y malayang magpapasya bilang ako, pahingahin n'yo lang ako ng konti dahil ngayon lang ako makakahinga ng maluwag kaugnay sa mga bagay na 'yan. Bukas at hindi nakatali ang aking bibig ngayon at kamay, at bukas at sa mga darating na araw.

Q: Kung sakaling matuloy po kayo, actually ang sinasabi po hindi raw open pa si Loren Legarda sa iba pang presidentiables. Nag-uusap po ba kayo ni Senator Loren Legarda?

A: Nag-uusap kami non at wala kaming problema ni Senator Legarda. Sa pagkakataon lang na ito, nais ko na ako at ako lang ang magpapasya kaugnay sa gagawin ko, malayang pipiliin kung sinuman, at hindi nakakahon sa anumang partido o grupo.

Q: Sa inyong pagdesisyun sa pagkalas sa NPC, nag-usap na ba kayo ng pinakamataas na liderato ng NPC lalo na si Ambassador Danding Cojuanco at ano po ang sinabi nya?

A: Hindi. Nagpaalam ako sa chairman ng partido si dating gobernador Dy at walang ibang pinagpaalaman dahil wala namang ibang papel s'yang ginagampanan sa aming partido kaya ang chairman lamang ang pinagpaalaman.