United Opposition (UNO) Preparation for May elections

Security for House Representatives

Refund of School Tuition

Halal System for Muslim Consumers

Education

Return to Newsroom

United Opposition (UNO) Preparation for May elections

Puspusan at pinag-iibayo ang pagpaplano ng United Opposition sa ngayon para buuin ang nag-iisang opposition slate. Yung inisyal na mga pangalan na inanunsyo ni dating Senator Maceda ay ang inisyal na mga pangalan na kinukunsisidera ng United Opposition para ibilang sa 12 senatorial slate ng opposition. Klaro sa pinag-usapan at napag-usapan nitong nagdaang break ay ang mga sumusunod: Una, magkakaroon ng isang opposition slate na binubuo ng 12 tao, ang pangalawa, klaro rin na ang magiging batayan ng kada isa para maging bahagi, at ito'y tatalakayin sa darating na general assembly ng United Opposition nitong buwan din ng Enero, particular na sa unang dalawang linggo ng kasalukuyang buwan. Inaasahan namin na mabubuo ang slate ng oposisyon bago matapos ang buwan ng Enero.

Criteria in choosing opposition's senatoriables…

Ang una at pangunahing criteria siyempre ay ang paninindigan kaugnay sa mga isyu laban sa administrasyon. Klaro dapat ang linya at paninindigan ng sinumang mabibilang at mahahanay diyan kaugnay sa mga isyu ng dayaan, pang-aabuso sa kapangyarihan at kaban ng bayan, at kaugnay sa pagsasabi ng totoo sa ating mga kababayan hinggil sa tunay na kalagayan ng ating bansa. Itong mga criteria o batayan na ito ay hindi pwedeng nasa gitna o grey, itim o puti, at hindi pwedeng nasa gitna ikanga ang sinumang magiging bahagi ng opposition slate. Nais naming maging issue-based ang halalang ito, hindi personality-oriented, kaya dapat ay issue-based din ang pagpili ng mga kandidato na mapapabilang sa hanay ng opposition.

Itong mga nagdaang issue marahil magmula noong 2004, particular na yung dayaan sa nakaraang halalan, ano ang naging paninindigan o tayo ng kinokonsiderang kandidato dyan. Pangalawa yung naging tangka ng administrasyon na abusuhin at labagin ang karapatang pantano at ang patuloy na paglabag nila sa karapatan ng marami sa ating mga kababayan. Halimbawa ang political killings, kabilang na dito ang proclamation 1017, ang paninindigan at posisyon sa charter change na isinulong sa tatlong iba't-ibang pamamaraan ng administrasyong ito. Ito at iba pang mga isyu at paninindigan ng kandidato kaugnay sa mga isyung ito ang mariing titingnan sa pagkonsidera at pagtimbang kung sino ang mahahanay sa oposisyon.

Wala sa kamay ko ang desisyong pinal kaugnay sa mga bagay nayan (pagpili). Maski na yung naunang inanunsyo ni Pangulong Estrada yan ay kinukonsidera din lamang niya subalit ang pinal at pinagkaisang pag-anunsyo ay magmumula mismo sa hanay ng United Opposition at kabilang dyan si Pangulong Estrada.

Kabilang sa konsiderasyon palagi dyan ay yung dati na at kabilang sa konsiderasyon syempre yung dadagdag pa subalit dapat maging klaro ang kanilang paninindigan dahil ikanga kung dagdag, bakit hindi? Subalit kinakailangang klaro at walang atrasan ang kanilang paninindigan kaugnay sa mga bagay na ito at hindi naman siguro maaari yung urong-sulong o politics of convenience lamang kung saan katabi mo at kakampi mo kapagka-tag araw, pagtag-ulan na ay hindi mo na makikita sa tabi mo at nakasilong na kung saan.

Chance of the opposition to win in the election…

Wala naman sigurong tumatakbo sa halalan na naniniwalang wala siyang chance na manalo, mapa-oposisyon o administrasyon ay naniniwalang may panalo at mananalo sa darating na halalan. Subalit kung pagbabatayan natin ang mga survey na lumalabas ngayon na liyamado ang oposisyon kontra sa administrasyon. Ito marahil ay magbabago pa sa mga darating na araw o buwan subalit iisa ang dapat tiyakin nating lahat: oposisyon man o administrasyon, at yan ay matitiyak na kung ano ang boto at gusto ng tao, kung yan talaga ang mabibilang at makakarating sa Comelec upang iproklama ang mga tunay na nagwagi. Ang pinakanakakalungkot na pwedeng mangyari sa pangalawang pagkakataon, ikanga not once but twice, eh magkaroon na naman ng ibang resulta kontra doon sa tunay na binoto ng ating mga kababayan sa mga prisinto sa buong Pilipinas.

To ensure the opposition na walang dayaan, una ay political at pangalawa ay legal. Yung political syempre ang pagpapalakas ng makinarya sa baba, hanggang sa mga prisinto. Ang pagtitiyak na ang mga boto sa prisinton ay siya ring mabibilang pag-abot sa board of canvassers. Dagdag pa dyan ang legal net na binubuo sa buong Pilipinas upang matiyak ang pangangalaga ng boto kabilang na syempre dyan ang mga grupo na non-partisan na makikilahok sa pagtatanggol sa boto sa darating na eleksyon. Yung sa legal kabilang yung mga watchers, that's the legal net (network).

Walang release na Countryside Development Fund (CDF) para sa oposisyon, ni piso walang magagamit na pera ang oposisyon mula sa gobyerno, ang dapat bantayan ng sambayanan yung perang gagamitin ng mga kandidato ng administrasyon na mula sa kaban ng bayan. Ano mang gastusin na mayroon ang oposisyon ay mula sa sarili at pribadong expenses lamang ng mga member ng opposition at ng opposition coalition.

United Opposition (UNO)

Naka-register na sa Comelec bilang isang coalition ang United Opposition (UNO) at yan ang umbrella na gagamitin ng oposisyon sa darating na halalan.

Hindi namin kayang pigilan ang pagporma ng ilang slate pa sa labas ng oposisyon, pero klaro na nag-iisa lamang ang slate ng opposition at sinumang tumatakbo sa labas ng slate na yan ay hindi maaaring mahanay o makonsidera na bahagi ng oposisyon o marahil ay bahagi na rin o karagdagang kabit ng administrasyon subalit hindi bahagi ng oposisyon.

They (those who would not be included in the UNO slate but still consider themselves opposition) would have to explain exactly why they are not part of the opposition if they are indeed members of the opposition. Bakit nga ba ayaw nilang mahanay, oposisyon ba o administrasyon. Bakit masyado silang gumigitna, nakatayo ikanga sa mga gilid gilid lamang at ayaw ipaliwanag sa sambayanan ang kanilang mga paninindigan sa mga isyu na klaro naman. Sila ba ay naninindigan laban sa mga masasamang practice ng gobyerno ngayon tulad ng pagnanakaw at pandaraya.

Gaya ng sinabi ko hindi naman namin kayang diktahan na "o pumili naman kayo adminsitrasyon o oposisyon." Karapatan at kalayaan nila yan pero kung yan ang gagawin nila malaki ang obligasyon at pananagutan nila na ipaliwanag sa tao kung ano nga ba ang pinagkaiba nila o takot lang ba sila kumapi o mangampi dahil baka mabawasan ang boto nila.

Meron bang usapan sa oposisyon, dahil sa dami ng candidates, pwedeng huwag na lang tumakbo…?

May ganung usapin pero pakiusapan lamang yan. Wala naman kaming pwedeng ialok sa maski na sinong kandidato na hindi makapapasok sa slate dahil wala naman kami sa puwesto at wala kaming pwedeng ibigay na posisyon sa gobyerno. Ito'y simpleng pakiusapan, intindihan at siguro bigayan sa panig ng mga interesadong tumakbo sa pagka-senador sa hanay ng oposisyon.

On criticism to opposition na hindi nagkakasundo ang oposisyon…

Kung kritisismong yun sa opposition, ganun din naman sa administrasyon dahil nandyan din ang bangayan halimbawa nina Sec. Ermita at Sec. Defensor. Sa panig ng oposisyon nandun ang pagnanais at kagustuhan na pag-isahin ang linyada ng oposisyon. Inaasahan naming na kung hindi man sa kalagitnaan ng buwan na ito, bago matapos ang January plantsado na.

Justice Secretary Gonzales reacting to the reported intention of former Vice President Teofisto Guingona to run as senator under the opposition banner. "He's going to be called an ancient senator."

Well number one, we are coming up with our respective slate, Secretary Gonzales. That's the least of our worries and concerns. Sa parte namin wala naman kayong naririnig sa amin sa mga pangalang binabanggit ninyo sa listahan ng slate ninyo. Karapatan ninyong tumakbo kung gusto ninyong tumakbo pero siguro in, that position, senatorial slate, let the people decide.

Secretary Gonzales is saying that it would maybe a cause of concern that former Vice President Guingona may be not that popular now with the electorate, maybe not a lot of people also identify with his views lately?

That is his opinion perhaps but Secretary Gonzales has only one vote and on my part I have the highest regard and respect for Vice President Guingona. And if indeed he decides and would want to run, I think he is befitting to be part of any senatorial slate. And I think members of the opposition, particularly those who are young, all of them would be able to gain a lot of knowledge based from a person that also have an extended experience in the field of politics.

Bad for the economy kung mananalo ang oposisyon kasi wala naming program for economic development…

Hindi pa ba disaster sa bansa sa ngayon at hindi pa ba naghihirap ang dati nang mahirap? Hindi dapat ipagmalaki ng gobyerno na mayroon silang economic platform para sa ating bansa. Pangalawa hindi ba mas maghihirap ang bansa kapagka walang nagpaalala sa gobyerno na wag kayong magnakaw, wag kayong mang-abuso sa kapangyarihan at wag mong apihin ang mga mahihirap at maliliit. Kapagka puro administrasyon ang nanalo walang mangyayari sa ating bansa. Sa isang demokrasya kinakailangan at mahalaga ang papel na ginagampanan ng oposisyon. Siguro kailangang magbalik sa social studies at political science si Secretary (Gabriel) Claudio para makita nya ang depinisyon ng demokrasya, na kinakailangan ang isang malakas na oposisyon bago tunay na matawag na demokrasya ang isang bansa.

At kaugnay naman sa pakikipag-usap nila sa mga negosyante para hindi suportahan ang oposisyon, una naniniwala akong bukas ang kaisipan ng ating mga negosyante. Pangalawa naniniwala din ako na gusto ng mga negosyante na kailangang mayroong check and balance at may safeguard sa gobyerno upang maiwasan ang pagmamalabis at upang maiwasan ang sobrang pang-aapi sa mga kalaban at sobrang pagkampi lamang sa mga kaibigan at kamag-anak nila. Sa uulitin mahalaga at malaki ang ginagampanan ng oposisyon, dapat kilalanin ng mga nasa gobyerno yan. Dapat alalahanin din ni Secretary Claudio na bahagi sa suweldo niya ay galling yan sa buwis na binabayaran ng mga taga-oposisyon, kaya't wag naman siya masyadong magsalita laban sa mga taong nagbabayad din naman sa suweldo niya maski na papaano o parte ng suweldo niya.