United Opposition (UNO) Preparation for May elections Security for House Representatives |
VFA/Nicole vs. Smith case/CA Decision
Dapat panagutan ng mga senador na bumoto sa VFA ang naging epekto ng VFA sa kaso ni Nicole at sa kaso ni Smith. Kung talagang walang ibig sabihin ang kanilang binoto, marapat na merong galaw mula sa kanila upang i-correct at iwasto yan dahil hindi tama na inaapi mismo ang ating kababayan sa sarili nating lugar. Kung marahil nagkakaroon ng diskrimasyon sa ibang lugar sa labas ng Pilipinas laban sa isang Pilipino, napakasakit at napakapait partikular na sa kababaihang Pilipina na maapi at madiscrimante sa sariling lugar kung saan kapagka ang akusado ay naconvict sa isang rape ay Pilipino, diretso sa Muntinlupa. Bakit kapagka ang naconvict ng kasong rape din ay isang Amerikano ay nakatira sa US Embassy at hindi diniretso sa Muntinlupa. Nakilahok ang gobyerno sa proseso ng korte. Nag-intervene pa nga ang gobyerno sa Court of Appeals. Bakit bigla-bigla na lang sila gagawa ng aksyon at galaw ngayon nang hindi man lang pinakinggan o binalewala lamang nila ang Court of Appeals at bigla na lang kinuha si Smith sa Makati City jail at dinala sa US embassy. Obligasyon, marahil, at nasa kamaay na ng korte ito na gawan ng karampatang aksiyon upang hindi mabalewala ang judicial processes natin. Nawa'y umaksiyon ang Court of Appeals sa bagay na ito at hindi isawalang-bahala lamang ito. Kung kaso man ang interpretasyon nyan, sa ilalim ng ating Republican system, executive ang magpapatupad ng batas, Kongreso ang mag-gagawa ng batas, Korte ang mag-iinterpret ng batas. Sinurender na nila sa korte ang issue na ito. Dahil si Smith mismo ay nag-apela at yung custody, isinama na nila sa apela nila sa Court of Appeals. Yung government nag-intervene sa Court of Appeals. Puwes hintayin na lang ang desisyon ng korte, huwag yung porket magne-new year na, magbabagong taon na, gagalaw na sila ng sarili at babalewalain na nila ang husgado. Sa aking pananaw ay contemptuous ang ginawa ng DILG. At gaya ng nasabi ko, nasa kamay na ng mga abogado marahil ni Nicole at nasa kamay ng Court of Appeals ang gagawin nila para maipagtanggol ang integridad ng korte at para ipagtanggol ang integridad ng batas na umiiral sa ating bansa. Kailanman hindi pwedeng maging mas mataas ang anumang treaty sa ating Saligang Batas at sa batas na umiiral dito sa Pilipinas. Kung may i-cha-charge man ay infidelity in the custody of prisoner. Subalit criminal case yan. Buti kung sampahan sila ng kaso ng DFA. Maliban diyan at labas diyan, pwede namang patawan ng parusa ng korte sa pamamagitan ng contempt dahil ginalaw na lang ang isang taong nasa custody ng korte ng walang pahintulot ng korte. On resignation/firing of VFA Commission Executive Director Zosimo Paredes… Pinupuri namin si Paredes sa kanyang pagbibitiw sa ngalan ng prinsipyo, sa ngalan ng paniniwala at kinokondena namin yung sapilitang pagpapaalis din sa kanya. Ang hirap sa administrasyong ito, kapag hindi ka sumasang-ayon at nagsasabi ng totoo, aalisin ka nila o iipitin ka nila para mapwersa kang magresign. Kinakailangan may nagsasabi sa administrasyon na hindi tama yan. Mali yan at may pagkukulang kayo at yan ang papel na ginagampanan ng oposisyon sa ngayon. What opposition is doing on Smith vs. Nicole case and CA decision... Pending sa husgado sa kasalukuyan yan. Ang ilan sa mga oposisyon groups at mga abogado namin ay nakilahok na sa CA decision o sa CA case na pending sa ngayon. Nauna nang nadesisyunan ng Korte Suprema ang VFA agreement at hindi na maaaring mabago yan maliban na lang kung muling tetestingin ng mga abogado yan sa Korte Suprema kaugnay ng dalawang bagay: criminal jurisdiction at custody. |
||