United Opposition (UNO) Preparation for May elections Security for House Representatives |
Comelec Credibility to Ensure Clean and Honest Elections
Ang pagtitiwala marahil ng sambayanan ay dapat balikatin ng bawat botante upang sa gayon ang kanilang responsibilidad ay hindi lamang tumigil sa pagboto. Kasama sa kanilng responsibilidad bilang Pilipino na ikampanya ang nararapat at pangalawa tiyakin na mabibilang talaga ang kanilang boto. Ang pagtitiwala sa Comelec ay hindi yan maaaring igawad ng basta-basta na lamang, Comelec must earn the respect once more that they lost in the last elections and to my mind this is the golden opportunity for them to prove it. Patunayan at ipakita nila na kaya talaga nila na magpatakbo ng isang malinis na halalan, depende yan sa magiging pagpapatakbo at palakad nila sa darating na May 2007 elections. May pag-asa pa ba ang Cha-cha, na lumulutang na naman?… may bagong guidelines din ang Comelec regarding people's initiative... Patay na ang Cha-cha sa aking pananaw at magkaroon man ng Cha-cha hindi na maaaring maapektuhan pa ang darating na halalan. Sa tingin ko pinapalala lamang nila ito dahil sa pagsopla sa kanila ng sambayanan. At pangalawa siguro nais nilang takutin o siguro i-delay yung paggalaw ng oposisyon kaugnay sa darating na halalan. Dati nang may makinarya ang administrasyon, dati nang may pera, maski na huli silang gumalaw makakalamang pa rin sila ikanga sa labanan. Hindi katulad ng oposisyon na kailangang magsimula ng maaga ang paghahanda dahil mas kulang ang resources at syempre mas kaunti ang makinarya. Sa tingin ko ploy lang nila ito para i-delay ang anumang tulong o anumang paggalaw sa panig ng oposisyon kaya't panay float pa rin nila ng Cha-cha bagamat tanggap na nila na wala na ito, patay na ito, hindi na ito aabot bago mag-election. Well matagal nang strategy nila yan, siguro kagaya na rin ng ginawa nila kay FPJ noong nakaraan, ginantihan ng disqualification bagamat klaro namang Pilipino sya para lamang maantala ang pagbibigay ng tulong sa oposisyon. Masyado silang takot sa oposisyon na magkaroon ng konting suporta at makinarya. Subalit klaro naman siguro sa isip ng marami, patay na ang charter change. Hindi na ito pwedeng buhayin pa at kung mangyayari man ito, ito ay mangyayari pa pagkatapos ng 2007 elections. Kahit anumang sabihin o gawin nila, wala nang magagawa pa para ipostpone, ipagpaliban o hindi matuloy ang 2007 elections. Sanctions for electioneering…, early campaign… Para sa akin ang bawal ay dapat bawal. Dapat magdesisyon ang Comelec kaugnay ng bagay na yan at hindi ka naman pwedeng magsabi ng electioneering sa ngayon dahil hindi pa naman kandidato ang mga yan. Kung magkakaroon ng penalty siguro ang penalty dapat ay kargado na sa maximum number of minutes nila pag-nangangampanya, na ang anumang advertisement na pinapalabas nila sa ngayon, upang maging parehas naman ang labanan at para naman level ang playing field kaugnay ng advertisement sa darating na election. Bilangin na lang kung ilang minutes na ngayon, kung 120 minutes sa kanya sa ngayon. And consider na ito as campaign expenditure so that they can work, they should work within the ceiling. On Romulo Macalintal's suggestion not to pursue automation of election… Malaya silang i-suggest yun sa presidente subalit pinasa na yan ng Kongreso, ng Kamara at ng Senado at may may kapangyarihan ang Presidente kung i-veto ba niya yan o hindi. Sa aking pananaw ano ba ang kinakatakutan nila sa isang automated election? Mas lalo tuloy akong naniniwala na kailanagng natin yan dahil ayaw nila. Isang paraan yan para malinis ang halalan. Hindi naman mandatory yan na kailangang gawin bago mag-election ng 2007 kung yan ang kinakatakutan nila. Marapat na isabatas na yan para ma-pilot na natin at ma-testing na natin sa 2007 elections at ng sa gayon sa mga darating na mga halalan sa 2010, 2013, 2016, at mafully-automated na natin ang halalan sa ating bansa para mabawasan o hindi man tuluyang mabura ang pandaraya sa ating electoral process. |
||