|
My questions to JocJoc Bolante during the Fertilizer Fund Scam Hearing November 18, 2008, 12:08 am Mr. Bolante ano ang background nyo sa agriculture kung meron man bago kayo inappoint sa DA, meron po ba o wala? Bolante: Meron naman po, tumutulong po ako. (Sa bakod po nila sa Capiz?) Yes, po. At maliban doon wala na kayong karanasan sa agrikultura, sa gobyerno man o sa pribadong sektor? Bolante: Wala po. At inappoint na lang kayo ng PMS as Undersecretary ng agriculture bagamat wala kayong karanasan sa agrikultura at walang nagback-up sa inyo. Bolante: Yes po ang appointment ko po particularly for finance. Kanina ninyo pa sinasabi sa mga kasamahan ko na matagal nang programa ng Department of Agriculture ang fertilizer assistance or farm inputs, tama po ba? Bolante: Hindi po program your honor, as I said activity, supporting the various programs of the DA. Ang farm implements funding is part of all the various programs of the DA. So hindi po iyan bahagi ng GMA tipid abono bawas gastos saganang ani program? Bolante: Kasama din po siya diyan sir. Sabi po ng CoA Ginoong Bolante, 1,250 percent overpriced yung fertilizer. Bahagi po ba ito ng tipid abono bawas gastos saganang ani program? Bolante: i'm sure your honor the project implementors should be able to explain that, we have nothing to do with the procurement. Sabi ninyo rin po chargeable sa 2003 budget yung pondo, tama po ba? Bolante: Doon po nanggaling ang savings po ng 2003. Ang sabi po ng SARO ang P728-million ito ay chargeable sa AFMA under Republic Act 9206. Bolante: Opo. Sa AFMA may nakalagay ba doon na farm implement, farm input program kung saan authorizing you na magbigay ng pera sa LGU o sa congressman o sa distrito ng congressman para sa programa, are your authorized? Bolante: Yes po, because we have not, we did not give the money for the congressmen, we've been giving it to the projects, so gusto ko lang po liwanagin yung congressman po o yung gobernador hindi tumanggap ni, not even a single centavo from us, we did not release a single centavo to the congressmen. You released it to...? Bolante: We released it to the LGU, to the chosen implementing party of the projects of the congressmen and governors. For example, let say in the province of Pampanga we did not release it to the governor, we released it ot the provincial government of Pampanga. For the record, ang nakalagay sa AFMA or the Agriculture Fisheries Modernization program under Republic Act 9206 na sinasabi ni Usec. Bolante na pinagkunan ng pondo, wala pong nakalagay dito na farm inputs, farm implement program, wala ring nakalagay dito na fertilizer maliban sa Section 23 na sinabing bahagi ito ng agro-inductry modernization, credit anf financing program at sa section 111 ng AFMA na nakalagay na pwede lamang i-implement ang programa kapagka ibibigay na ng Dept. of Agriculture ang pondo sa rural-based public and private financial institutions, rural bank or cooperative bank. At dating DA secretary po Usec ang tatay ko. Wala hong matagal na programa ang DA na nagbibigay ng fertilizer direkta kung saka-sakali na pambili sa munisipyo ang syudad dahil pinapadaan po nila ito sa kooperatiba kung saka-sakali noon. Sang-ayon sa agriculture and fisheries modernization act, ang sinasabi po ninyong regular item, regular na nasa budget, matuturo nyo ba sa akin sa 2003 budget kung nasaan ang nakalagay na yon? Bolante: Sa palagay ko pag nakita ko po yung records. Pag nakuha ko yung records sa Department of Agriculture ay maituturo ko sa inyo. Binasa ko po ang 2003 budget at AFMA wala pong nakalagay doon pero during the break I will give you, during the recess, I will give you a copy of the budget so that after the break you can perhaps point it out to us. My next question Undersecretary is sabi nyo matagal nang programa ito ng DA pero nong tumestigo si dating Secretary Panganiban ng DA noong December 6, 2005, ang sabi po niya sa senado noon, wala pa po ako sa senado noon, sabi po niya, "Wala akong alam na ganyang programa. Hindi ko nalalaman ang programang iyan at wala sa departamento ko na nakakaalam sa programang iyan". Si Secretary Panganiban, nanilbihan po iyan bilang undersecretary, assistant secretary, assistant minister, deputy minister simula pa noong panahon ni Pangulong Marcos. Pero kayo hanggang ngayon ho sinasabi nyo sa amin matagal na programa na ng DA iyan. Pero ang Secretary na sumunod kay Secretary Lorenzo na dating nang naninilbihan sa DA, sabi nya wala siyang alam na ganyang programa. How would you reconcile your statement with this? Bolante: Actually your honor, it's a matter of semantics in the sense that you're calling it a program. Indeed tama naman po si secretary Panganiban hindi naman po programa yung farm input, farm implement. As I said farm input farm implement, farm funding, is always a component of banner programs, apat lang po yung banner programs. Then Secretary Escudero could attest to this: Rice and corn, high value crops, fisheries and livestocks. And funding po ng farm inputs at farm implements palagi pong kasama iyon sa banner programs ng DA. So tama po siya walang programang farm input farm implement. Mr. Undersecretary in a letter dated feb. 3, 2004, which you sent to all the recipients of the fertilizer fund, you referred to it as farm input/farm implement program covered by SARO number so on and so forth charged against the agricultural fisheries modernization act. You're the one dealing with semantics, Mr. Undersecretary because now you refer to it as funding, na nasabi na ay hindi naman pala programa. But in your letter dated February 3 to all of the recipients of the fund you referred to it also as a program. Bolante: That's why I mentioned it your honor, with due respect, that's why I used the word semantics because we interchangeably used the terms program and funding. At sa tingin ninyo, hindi po alam ni secretary Panganiban ang program at funding at nang tinanong siya kung may ganyan bang programa ang sabi niya wala pero nasa isip niya alam niya na may funding, iyon po ba ang sinasabi nyo. Bolante: I think he was pertaining to the banner programs so as far as he knows apat lang po ang banner programs ng DA so tama naman po siya na hindi programa. Hindi rin po funding? Mr. Undersecrearty sabi nyo po kanina base po sa pinamigay nyong funding sa mga request na nasa inyo and the demand exceeded the availability of funds, tama po ba yon? Did all the districts, all the municipalities and all the provinces request for the funding? Bolante: I dont think all, not all. But many, many. Now may I ask what criteria did you use in choosing the 105 districts that you gave this fund to as opposed to the more or less 230 districts nationwide? Bolante: In the first place, we have to match the request, the pending request with the purpose of the fund because we cannot divert the use of the fund, the use of the fund was very specific, for farm input and farm implement, so we have to match the pending request that we have in our database with the purpose of the fund and then we have to consider those request that have been there for quite sometime Sabi po ninyo kanina, records noong 2002, namigay kayo sa lahat ng munisipyo. All, sabi ninyo rin po noong 2003 or 2001 namigay kayo sa lahat ng distrito, bakit ho sa 2004 namili na kayo bigla ng bibigyan, 105 out of 230 districts, 53 provinces out of 80, 81 provinces, and 23 municipalities out of 1,400 plus municipalities, ang pagpili ninyo ba, kayo na lang ang nagdesisyon noon? Bolante: My office po, we have the staff to do. Whom? Sino po yung nasa opisina nyo? Bolante: We have assistant secretary Poliquit. We have our staff. I cannot remember their names because I've been away from... At kayo lamang po ang may kapangyarihan mag-aaprove hindi po ba? You have the power to approve their recommendation because I have the documents here corresponding to the request of Asec. Poliquit, including the request coming from some of your Asecs but you have the authority to approve by the authority of the secretary. Bolante: I was tasked and authorized by the secretary, so I was the one and it was my responsibility. It could have been a dereliction of duty had I have not done the job. So kayo na mismo ang namili nga and at the end of the day it was you who approved which congressional districts will receive this funding, which provinces will receive this funding, which municipalities will receive this funding. Bolante: Based on the database yes, we have the data stored. Pero sigurado po ako na lahat naman ay nangangailangan. Kayo nga po ang nagsabi na kulang. So kayo na po ang namili, ito na lang imbes na ito, ito na lang imbes na yan. Bolante: Kulang po ang pondo. Kaya nga po kayo na lang po ang namili. At kumuha nga po kayo ng exemptions hindi ba, sa Comelec para sa pagdisburse sa pondong ito dahil election na po noon? Bolante: Hindi ko po matandaan. My office was not involved in that because as I said the implementation side was not part of the function of my office. Undersecretary Bolante you were the usec for finance alam nyo pong election noon at alam ninyong may election ban. Hindi kayo magdadownload ng pera dahil alam nyong may election ban maliban na lang kung may exemptions, so kumuha ho ng Comelec exemption kinakailangan po na ang requesting agency ang kumuha noon para madownload ang pondo dahil bawal marelease ng pondo at mag-impelement ng project sa panahon ng elections and there is a Comelec exemption. Bolante: Your honor, thank you, first of all the CoA has come out with a written opinion that it was not covered, the budget was not covered. May exemption nga po sa election. Bolante: Second the downloading po was not from my office to the project proponents, the downloading of the fund before the election was from my office to the regional offices. So in other words the fund movement was in the DA, there was this disbursement from my office in favor of the project proponents. Ang sabi ninyo lang kanina ang nag-implement LGU, hindi po ba? Nadownload nyo sa probinsiya, sa LGU. So hindi nyo pwedeng sabihin na ang pondo nasa DA lang, nilipat ninyo po iyon sa LGU at nilipat ninyo ang pondo sa probinsya. Bolante: Nong nagkaroon na po ng MOA, which is a pre-requisite, nang magkaroon na ng MOA between DA and the implementing office and the project proponents saka po nagkaroon ng partial release. But before that the funding was in the DA and as a matter of fact I think I mentioned it earlier that a substantial portion of the funds have not been release until after May because the release of the fund was progressive. So ngayon magpunta tayo doon sa sinasabi nyo kanina. Mayroong CoA report na nagsasabing 1,250 percent overpriced, liquid fertilizer na pang ornamental plants tulad ng orchids at hindi para sa palay, hindi para sa corn. Ni hindi bagay sa mga high valued crops. Sabi rin ng CoA dilluted daw, sabi ng CoA misdelivered. These are facts found in the CoA report. Sabi ninyo kanina, nadownload ninyo lang ang pondo. Kung may anomalya, sa baba ang may problema, sino po ang tinutukoy nyo? Bolante: Let me clarify that your honor. I'm sure the project implementors have explained their side on how they impelemnted the project. I'm pretty sure of that. As far as I know. Now, if there is a question on specific projects, im sure the project implementors will be able to explain that. But as far as the DA is concerned and the regional officers of the area concerned, we have done our job. The procurement your honor by the local government unit is not controlled by the DA. As you know the LGUs have their own auditors, they have their own procurement officers. Ang sabi nyo nga po Ginoong Bolante, kung may anomalya man sa pagprocure, ang implementing agency na LGU, meaning probinsya o munisipyo ang may kasalanan at hindi ang DA dahil ang sinasabi nyo sa amin wala kayong kinalaman doon sa pagbili, is that what you're saying? Bolante: What I'm saying your honor is that give the project implementor the chance to explain their side. Mr. Undersecretary the CoA has given them four years already to explain but they haven't been able to explain. So what I'm trying to say is wala kayong kinalaman sa pag-implement kaya kung may anomalya dito, hindi kayo pwedeng masisi. Kung may sisisihin man, ang sinasabi nyo ang LGU na nag-implement, be it the province or the municipality, would that be correct? Bolante: Thank you your honor Pagpapaganda po ba ng memorya yang ininom nyo? Bolante: Pwede pong macheck ng medical officer ng senado po? Masyado po kayong seryoso G. Bolante. Dalawang bagay na lang po. Ang listahan na sinabmit ng CoA na may barcode ng DBM, lahat po ba sila nakatanggap ng pondo? Bolante: Out of 181, I guess if I'm not mistaken, 22 po or 12% choose not to avail of the fund, about 12% or 22 out of 180 0r 181 project proponents. Specific po ang sinabi ninyo 22. Can you identify the 22 who did not receive, meaning to say all the rest received? Bolante: I don't have the list with me. May I request the chairman and the committee to furnish Mr. Bolante with the list and for him to identify and affix his signature on those whom he may identify who allegedly not having received. Would that be possible? Bolante: Because i have to refer to the records whether they availed or not, so I have to check. Isa na lamang po Mr. Chairman, G. Bolante nagpapasalamat ako na dumalo kayo sa ating hearing at ilalagay ko sa record Mr. Chairman na napakabait at napakaamo ni G. Bolante na nag-aappear sa atin ngayon umaga at ngayong hapong ito. Subalit hindi kayang suklian ng anumang amo o bait na pinapakita nya ngayon ang nawalang serbisyo at pondo na dapat napunta sa mga magsasaka na pinakamahihirap sa ating bansa. Kung ang sinasabi nyo G. Bolante kanina, ginamit man o hindi wala na kayong pakialam doon at problema na iyon ng implementing agency. Sa totoo lang po, ang kinikita ng magsasaka ngayon ay naglalaro ng P3,000 to P5,000 kada buwan, kung masuwerte. Ito ay masakit, at siniseryoso ito ng senado kaya't para maipaintindi din namin sa inyo kung bakit namin ito ginagawa. Mas kaya siguro naming tanggapin kung nag-ala Robinhood na lang ang may pakana nitong fertilizer fund scam. Sana, nagnakaw na lang sila sa mayaman at binigay sa mahirap. Ang problema sa kasong ito, ninakaw sa mahirap at binigay sa mayayamang tumatakbo. Mahirap po tanggapin at mahirap sikmurahin ang rason kung bakit kami nagdidinig ngayon at rason kung bakit binabatuhan namin kayo ng ilang katanungan. Democrats, Republicans and the Philippines November 17, 2008, 10:53 pm Sa nakaraang halalan sa Estados Unidos, marami ang nagtatanong kung ano ang implikasyon nito sa ating bansa. May impact ba ito sa ating bansa o sa practices ng pulitika natin dito. Sa aking pagkakaalam, historically at traditionally kapagka democrat ang nanalong presidente sa Amerika maganda ang nagiging relasyon sa pagitan nang Estados Unidos at nang ating bansa. Ngunit kung iisa-isahin natin ang maaari nating gawin, halimbawa, sa RP-US military relations, sa pananaw ko hindi magbabago ang relasyong ito dahil ang polisiya ay nakatalaga na sa kanila at mahirap baguhin nang maski sinong pangulo. Ang relasyon naman pag dating sa ekonomiya, sa trade, at sa anumang tulong na ibinibigay sa atin nang Estados Unidos ay nakadepende na sa kamay natin kung nami-meet natin ang mga development goals na tinatalaga nang Estados Unidos at gayundin nang United Nations para sa ating bansa. Maaaring may epekto sa atin pagdating sa immigration policies. Dito medyo tila papunta si Obama sa pagtingin mismo sa loob nang bansa niya at ganundin sa labas. Ngunit ang immigration policy din nang Estados Unidos ay nakadepende sa kanilang homerun security act na hindi rin ganoon kadaling baguhin nang sinumang nakaupong pangulo. Sa kabilang banda, maganda ito sapagkat may sistema silang tumatakbo kahit sino man ang nakaupong pangulo. Pababa na nang pababa ang aid nang America sa Pilipinas. Kung titignan natin itong nagdaang sampung taon ito hindi naman tumataas. Dahil ang ekonomiya nila ay medyo nalagay din sa balag nang alanganin, sa tingin ko ay hindi madadagdagan ang aid na binibigay sa Pilipinas ngEstados Unidos maliban na lamang kung may nakataling kondisyon dito na makakatulong sa kanilang ekonomiya. Hindi ko masisisi si Obama kung unahin nya ang ekonomiya nang kanyang bansa. Tiyakin lang natin na tayo ay ganun din ang gagawin at uunahin din natin ang interest nang ating bansa bago ang interest nang ibang bansa. The war in Iraq, historically, ganyan ang ginagawa nang isang gobyernong republican. Subalit ang maaasahan siguro natin bago pa man makipag giyera kung makikipag giyera man ang kanilang gobyerno, makikipag-usap at sasagarin ang potential ng pakikipag-usap. Ito ay ayon na rin sa kanyang sinabi na hindi nya aawayin lahat nang dating kaaway nang Estados Unidos at kung sino ang gustong makipag-usap handa syang makipag-usap. Sa larangan nang ekonomiya, ang magiging focus ni Obama ay internal. Ibig sabihin nito ay ang ibang mga korporasyon ng US ay dapat kumuha nang labor na galing sa US. Subalit ang kaya niyang idiktang trabahong lilikhain sa Estados Unidos ay ang gagastusan ng gobyerno mismo nang Estados Unidos. Ngunit ang mga pribadong trabaho ang magdidikta kung dapat pa silang kumuha ng serbisyo ng manggagawa mula sa ibang bansa. Sa pananaw at sa palagay ko ang mga BPOs at call centers natin ay hindi maaapektuhan dito. Magkaiba din ang democrats at republicans pagdating sa economic market. Mas regulated ang democrats at ang republicans ay naniniwala na hayaan natin ang merkado ang mag-tama ng anumang problema at diperensya. Nagising na sila sa katotohan na hindi maari ito, kaya sapananaw ko, democrat man o republican ang nakaupo, parehong naniniwala sa regulated at semi-regulated. Ngunit tinitiyak ko na hindi na maari ang deregulated. Bahala ang merkado na i-tama ang sarili nya. Kung ako ang tatanungin, sinomang gobyerno, dapat ganoon ang gawin. Kung ang Estados Unidos nga na halos ang malalaking kompanya sa wall street ay gobyerno na ang may-ari, dahil sa perang pinalabas nito, hindi na pinaninindigan ang free-market, free competition at laissez-faire. Nararapat naman siguro na tayo dito sa Pilipinas ay tanggapin na din at gawin na ang ganito. Huwag tayong magyabang na, mahirap tayong bansa kaya hahayaan natin ang merkado na i-tama ang sarili nito. May mga panahon at pagkakataon na dapat maghimasok ang gobyerno. Dapat ay nakahanda ang gobyerno natin na gawin ito. Kung may globalization mang itutulak, kung may free-market mang itutulak, kung may borderless o seamless borders na itutulak, dapat sana hindi ito tungkol sa negosyo at pagnenegosyo. Ang globalisasyon ay dapat sigurong isulong sa mga konsepto na nagtatali sa mga bituka nating lahat. Ito ay katulad ng kalikasa, pagkain o kawalan dapat nang taong nagugutom sa buong mundo. Tulad nang paggamot sa ilang may sakit dapat ay tinutugunan din nang ibang mundo. Globalisasyon marahil sa kalusugan, sa pagalaga ng kalikasan, at gayundin sa pagtugon sa pangangailangan sa pagkain ng bawat tao at bawat nilalang, hindi sa negosyo. Kung babasahin natin ung libro ni Adam Smith, walang nakalagay dito tungkol sa corporate social responsibility. Walang nakalagay dito ukol sa kapakanan nang tao. Nakalagay dito ay kita lamang ng mga negosyante. Panahon na na ang konseptong globalisasyon ay gamitin natin sa kapakanan nang pangkalahatan at hindi sa kapakanan lamang nang mga negosyante. Ang tagumpay maraming ama, kapag natalo ka ulila ka. Kung babalik tanawin natin ang ginawa ni Obama sa kanyang pagkapanalo sa US elections, lahat parang tama. Lahat tila parang perpekto at sobrang galling. Ngunit kung si Senator McCain ang nanalo, ito din naman ang sasabihin sa ginawa niya kung nagkataong siya nga ang nagwagi. Ilang mga bagay tungkol sa halalan sa Amerika at ginawa ni Obama: Una, sinimulan niya ang kanyang career bilang bata at bagong pulitiko at hindi niya inalintana ang pagiging bata sa pagtakbo sa mas mataas na puwesto. Pangalawa, kinilala niya ang papel at potensyal na kayang gampanan ng mga kabataan at bagong rehistradong botante at iyan ang ti-nap at ginamit niya bilang backbone niya sa bawat state at county. Sila ang taga-katok, taga-dikit ng poster at taga-tawag niya. At pangatlo, ginamit niya ang teknolohiya tulad ng internet at SMS. Ito pinakamaganda at pinakamadaling paraan para makarating ang kanyang mensahe sa mga kababayan. Ganundin sa pamamagitan ng tradional media: print, radio, TV. Hinarness at ginamit niya ang mga ito nang husto. Noong nagdaan halalan, may dalawang bagay lang akong nais banggitin muli na nasabi ko na sa nakaraan kong blog entry. Una, nakakainggit sa kanila na sa unang araw ay alam na agad ang resulta. Pangalawa, nakakainggit din sa kanila kung saan ang natatalong kandidato, kino-congratulate ang nanalo at nagko-concede. Patunay at pagpapakita na marahil mas mature sila pagdating sa halalan kaysa atin. Dahil sa Pilipinas, malamang sa malamang, dalawang uri lamang ang kandidato pagdating ng election: yung nanalo at yung dinaya. Walang natatalo sa halalan sa Pilipinas. Noong nagtalumpati si US Presient-elect Obama matapos nyang manalo, hindi sya nagyabang at pilit nyang kinontrol ang sarili na huwag magsisigaw, magtatalon at mga-gloat. Kung sobrang may dalawang daang libong tao ka sa harap mo na sumisigaw, pumapalakpak at tuwang-tuwa, pinapakita lang nun ang character nang tao na hindi sya sumabay, umiba sya at opposite sa reaction ng mga tao doon. Pagpapakita din siguro ito ng maturity nung tao. Sa talumpati nya, binaba nya agad ang expectations dahil napakataas siguro ng inaasahan sa kanya nang kanyang mga kababayan. Sinabi nya na maaaring hindi nila marating ang nais nilang marating sa loob ng isang taon at baka nga hindi pa nila ito marating sa loob nang isang termino. Subalit ipinangako niya na makararating sila palagi doon. Nabanggit din nya ang marapat banggitin nang bawat tumatakbo't nananalo. Na siya ang presidente ng bumoto sa kanya at hindi bumoto sa kanya at kung hindi man niya nakuha ang tiwala ng mga hindi bumuto sa kanya, pilit niyang kukunin ito at pilit nyang pagsisikapang makuha ito sa loob ng kanyang termino. Ilang mga kataga, ilang mga salita, ilang mga ginawa na sana'y makita din natin dito sa ating bansa. Bakit ko ba diniin ang pagiging bata ni Obama? Dahil ipinapakita at pinapatunayan nito na kung maari palang maging pangulo ng pinakamakapangyarihan at pinakamayamang bansa ang isang bata o nabibilang sa nakababatang henerasyon, walang rason kung bakitt hindi maaring mangyari ito sa hindi kasingyaman, kasing-makapangyarihang bansa tulad ng Pilipinas. Pinatunayan kasi ni Obama na hindi kapansanan ang pagiging bata, hindi kakulangan ang kawalan ng karanasan para manilbihan sa bayan at upang pagsilbihan ang bayan niya sa pinakamataas na kapasidad at opisina. Ayon sa datos, mahigit kumulang sitenta porsiyento ng mga kababayan nating boboto sa 2010 ay nabibilang sa nakababatang henerasyon. Pagpapakita at pagpapatunay na ang sinumang magwawagi sa susunod na halalan ay sinusuportahan, pinaniniwalaan, at pinagkakatiwalaan ng henerasyon na ito. Ang tanong ko sa magsasabing walang kakayahan ang bata at kulang sa karanasan, tulad ng mga isyung binato kay Obama. Paano nila kukunin ang tiwala ng 70 porsyentong ito kung hindi nila pinagkakatiwalaan ang mga bata. Malaki at malawak ang papel na dapat na gampanan ng kabataan ngayon. Kabaligtaran marahil sa sinabi ni Rizal na ang kabataan ay pag- pag-asa ng bayan. Sa panahon ngayon, ang kabataan ay dapat na maaasahan na ng bayan, hindi pagtanda pa lamang nila, hindi pag mayaman, matagumpay at may pamilya na sila. Nararapat lamang na ngayon na, dito, at ang kabataan mismo dapat may magawa na para sa ating Inang Bayan sa pribado man o sa pampublikong kapasidad. Wala pa akong nakilalang pumasok sa pulitika na mabait at nang natapos sa pulitika ay naging anghel. Karamihan nang kilala natin pumapasok nang mabait at paglabas, tatlo, lima o pito na ang sungay. Hindi dapat magtagal ang sinuman sa pulitika maliban na lang kung mababago nya ang sistema dito sapagkat habang bata ay dapat na pinanghahawakan ang mga prinsipyo at paniniwala upang mabago at mawasto ang mali. Sa mga natanong sa akin ukol sa election campaign maintenance, ang sa ganang akin, kapag ninakaw ng tao ang perang ginamit sa eleksyon, mali. Kapag ibinigay sa kanya ang pera para sa halalan, sasabihin pa rin natin o iisipin pa rin nating mali. Saan man galing ang pera, kanino man galing ang pera noong siya ay nanalo o tumakbo, sana ang gamitin na rule ay simple din. Democrat man iyan at kaibigan o kamag-anak, libre manghingi ng tulong basta't libre ding tumanggi at bawal tumanggap. Simpleng mga rule o batayan na kahit saan man manggaling ang suporta hindi magkakamali ang sinumang opisyal. Kunyari ay may kaibigan ka at tumulong siya sa iyo noong nakaraan halalan, humingi ng tulong noong nanalo ka. Karapatan niya ito. Basta't karapatan ko rin, halimbawa, na tumanggi kapag mali at hindi ko kaya. Pero tanggihan ko man o pagbigyan ko, anumang gawin ng sinumang nakaupo sa puwesto basta't bawal tumanggap. Gaya ng nasabi ko, libreng humingi basta't libreng tumanggi pero bawal tumanggap. Success in US Elections November 10, 2008, 4:23 am Nakabibilib at nakagugulat ang mabilis na resulta ng halalan sa Amerika. Tatlong bagay marahil ito. Una, sadyang mabilis ang bilangan na sa loob ng isang araw ay alam na ang resulta. Pangalawa, nagko-concede ang natalo at nagsasabing susuporta sa nanalo. At pangatlo, magandang makita ang papel na ginampanan ni Obama hindi lamang sa pagkapanalo niya kungdi ang panalo ng mga naghatid sa kanya sa kanyang pagkapanalo. Walang reklamo sa resulta ng halalan nila dahil naging maayos ang sistema nila. May mga konting diperensya man katulad nung pagkakapanalo ni Bush kay Gore, in fact, nakarating pa yun sa Korte Suprema nila, pero dahil nag-concede yung kandidato mismo at tinanggap ang kanyang pagkatalo, hindi gaanong naging isyu ito. Sa ating bansa, malayo pa ang ating tatahakin landas bago marating ito, pero sa ating nakikita, papunta tayo dun. Ang voting machines natin dito ay sinimulan na sa Mindanao ngunit limang iba't-ibang klaseng pamamaraan. May reading, may tocuhscreen, mayroon ding counting machine. Sa 2010, malamang ang gagawin ay pilot areas lamang sa key cities sa bansa para naman ma-testing natin. Mahirap din naman ang agarang pag-computerize ng halalan sa buong bansa. Kapag nagkaproblema, magkakaproblema ang buong bansa. Magkaproblema man, sa pilot areas lamang. May batas na ang automated elections dito sa atin. Ang kulang na lamang ay dalawang bagay. Ang bola ay nasa COMELEC na at sa presidente. Sa COMELEC, ay ang pagpapatupad ng plano. At sa parte ng executive, ay ang paglabas ng pondo para dito. Ang problema nga lang, pag dating sa mga equipment, kung maikukumpara sa presyo, mas mahal pa raw yata dito sa Pilipinas kaysa sa ibang bansa. Palaging ganyan. Kung ang kanin dito, may ginto, ang riles ng tren may ginto, e malamang ang counting maski na computerization ng halalan, siguro ay for sale din iyan. Sa isang panayam sa akin, may nagtanong kung nakikita ko ang aking sarili bilang si American President elect Obama. Maputi naman ako kaysa sa kanya ng konti at iisa lamang ang Obama at walang maaring pumaris sa kanya. Subalit hindi kaila na inspirasyon sya sa maraming kabataan hindi lamang sa Amerika kundi pati sa Pilipinas, pati na sa buong mundo. On Sangguniang Kabataan November 10, 2008, 4:02 am Sa aking pagbisita sa Cebu kamakailan, nabigyan ako ng karangalan na makaharap ang mga bumubuo ng Sangguniang Kabataan (SK). Isa sa mga katanungan nila ay kung anong areas sa SK charter ang nararapat amiendahan. Sa aking palagay, halos lahat ay dapat ma-amiendahan. Age, power, function, responsibility and most importantly funding. Kung hindi bibigyan ng tamang pondo at kalayaan sa pondo ang SK hindi nila magagawa ang gusto nilang gawin at dapat nilang gawin para sa kabataan. Dapat din bang bigyan ng honorarium yung mga SK councilors? Kasama sa nararapat na SK amendments na tinitingnan namin ay kung papaano mabibigyan ng honorarium ang mga SK councilors. Ngunit hindi rin siguro tama na kapag wala ito ay hindi na gagawin ng SK ang kanilang dapat na tungkulin sa barangay, sa munisipyon at sa bansa. Isang issue ng SK ay ang pagbabawal ng ilang LGUs na gumawa sila ng ordinance katulad ng case ng isang SK chair sa Tarlac. Sa aking palagay ay walang bawal dito at hindi ito ilegal. Kailangan ang mga kabataan ng sanggunian ay magtanong sa kanilang mga mayor kung ano ang batas na nagbabawal dito. Kung walang batas na nagbabawal, ibig sabihin pwede. Maraming reklamo ang mga SK chairman, katulad ng pagiging tali ang kamay. Kaya nga pinatatatag ang SK para ang mga pagkakamali noong nakaraan ay maiwasto. Hindi tamang i-abolish ang SK. Bagkus ay dapat itong patatagin at ayusin. Maraming nagrereklamo sa SK sa ilang mga kasamahan ko sa Kongreso na ineffective daw ito, sayang, balewala. Subalit ang dahilan din naman ay ang batas na hindi binibigyan ng sapat na kalayaan, kapangyarihan at pondo ang SK para gawin ang dapat nilang gawin. Clarification of the functions of SK is necessary. Everything is there already. Clarification and ensuring that the powers they have will be exercised and guaranteed. One of the problems of SK is that controlled pa rin sila ng mga barangay captains. Kaya nga sa amendatory bill na isinampa ko, isa ito sa nais naming liwanagin. Hindi naman sa tinatalikuran natin ang giya at wisdom ng mas matatanda pero dapat din naman na may kalayaan ang kabataan na magdesisyon para sa sarili nila. Madapa kung kailangang madapa, magkamalai kung kailanagng magkamali upang magawa niya ng wasto ang dapat niyang gawin para sa darating na panahon. There are many suggestions that we are filtering through, but I assure the SK members that we will act in accordance with their goals. Malaki ang papel na dapat gampanan ng kabataan sa nation-building. Mas marami na tayo ngayon kaysa sa kanila, sa mas nakatatanda sa atin. Importante ang tingin natin, kaya dapat mayroon na tayong magagawa para sa bansa ngayon at hindi na hintayin na tayo ay tumanda pa. Naniniwala ako na kaya ng mga kabataan. Iyan ang prinsipyo at paninindigan ko. Na ang susunod na pinuno ng bansa ay manggaling sa hanay ng mga kabataan bilang patunay ng kakayanan ng natin. Sa ngayon, ang aking presence at pakikipagtulungan sa kabataan upang mapalakas ang kanilang Sanggunian ang pangunahing gawain ko. On The Issue of Joc-Joc Bolante November 10, 2008, 3:42 am Ako ay natanong sa isang pagpupulong sa Antique, kung ano ang masasabi ko on Secretary Gonzales's memo that bars the Senate to arrest Joc-joc Bolante because the warrant issued by the Senate has already expired. Nais kong linawin na hindi Supreme Court si Secretary Raul Gonzales at hindi rin siya abogado ni Pangulong Arroyo. As DOJ Secretary abogado siya ng bawat Pilipino. Sana ito ang papel na gampanan niya. May karapatan ang Senado na i-issue ang warrant of arrest at subukang i-enforce ito. Ang Korte Suprema lamang ang maaring pumigil sa Senado. Sa totoo lang, kung gaano karaming abogado, ganoon din karami ang opinion kung legal ba o illegal ang warrant of arrest na inisyu noon. Ngunit bilang senador, mas kakampihan ko na ang taong bayan kaysa kampihan ko si Joc-Joc sa isyung ito at igagalang ko na lamang kung anuman ang desisyon ng korte kaugnay dito. Four years ago, noong ako ay nasa Kongreso pa, mayroon nang pending na kaso kay Joc-Joc Bolante. Ito ay nanggaling sa hearing ng Senado at hearing ng Kongreso. Ang kasong ito ay isinampa namin Ombudsman. Apat na taon na ding inuupuan at hindi inaaksiyonan ng Ombudsman ang kaso ni Joc-Joc Bolante. Kung itatanong ninyo kung bakit mabigat sa akin ang kaso ni Joc-Joc Bolante? Ang problema ko kay Joc-Joc Bolante, nagnakaw siya sa project na para sa mahirap, diumano ayon sa mga aligasyon laban sa kanya. Abono, fertilizer, diumano ang kinuha niya at pinakinabangan at hindi nakarating sa magsasaka. Sa totoo lang kung Robin Hood sya, nagnakaw sa mayaman ibinigay sa mahirap, mas madali pa sanang patawarin. Pero si Joc-Joc Bolante, nagnakaw mula sa mahirap at ibinigay sa mayaman. Hindi yata ako sang-ayon doon at kelan man di ko mapapatawad ito. Magandang itanong sa Ombudsman kung kelan mapaparusahan si Mr. Bolante. Ang term ng Ombudsman kung hindi ako nagkakamali ay hanggang 2014. Kaya depende iyan sa Office of the Ombudsman kung hanggang kelan, maliban na lamang kung mai-impeach din ang Ombudsman. May sistema tayo ng hustisya. Subalit pag ang sistemang iyan ay hindi umubra, wala tayong magagawa kundi tanggapin ito o palitan ang mga nakaupo rito. On Provincial Visits November 10, 2008, 3:40 am Nais kong sagutin ang katanungan na nasa isip ng ilan. Ito ay kaugnay sa aming paglilibot sa mga lalawigan ngayon. Ito ba ay maagang pangangampanya sa 2010? Pamumulitika at pagpapa-cute lamang? Noong ako ay Congressman pa lamang, bawat barangay at munisipyo ng aking distrito sa lalawigan ng Sorsogon, ay aking binibisita bilang bahagi ng aking trabaho. Ngayong ako ay senador na, bahagi naman ng aking trabaho ang pagbisita sa bawat lalawigan, at kung kakayanin pa nga, ay sa bawat siyudad at munispyo ng bansa upang aking makita ang kalagayan ng ating mga kababayan. Nang sa ganoon, ako ay maging tunay na kinatawan ninyo sa Senado. Mas pipiliin ko, na sabihan na namumulitika, kaysa akusahan ng tamad at nakikita lamang ang anino at mukha sa tuwing panahon ng halalan. Huli akong nagikot sa mga lalawigan noong panahon ng kampanya. Ayokong masabi ng sinoman na ang susunod naming pagkikita ay 2010 o 2013. Ang aking tungkulin sa lahat ang siyang dahilan kung kaya't nakikipagpulong ako sa iba't ibang sektor ng bawat lalawigan. Sa media at sa iba't ibang organisasyon. Sapagkat alam kong nasasala nila ang mga isyu, mga kontrobersya, mga impormasyon na nais iparating ng ating mga kababayan sa iba't ibang parte ng lalawigan na kailangang makarating sa Senado. Sana ang aming mga palitan ng pananaw ay maging 2-way. On Oil Price Cut October 30, 2008, 7:48 am Huli man daw at magaling, huli pa rin. Matagal nang dapat naibaba ang presyo ng langis dahil sa matagal na ring pagbulusok ng pandaigdigang presyo nito. Gayunpaman, the oil companies are in a good start but they should not pat each other's back dahil hindi ito utang na loob ng tao sa kanila. Infact, sila pa ang may utang sa mga tao na dapat bayaran sa pamamagitan ng mas mababa pang presyo ng langis. Dapat ding akuing responsibilidad ng mga higanteng kompanya ng langis ang pagbubukas ng kanilang mga libro sa publiko, the issue is still transparency in oil pricing which oil companies should strive to explain to the people. On Joc-Joc's Hospital Arrest October 30, 2008, 7:47 am Dapat magpatawag ng hearing sa lalong madaling panahon ang Senado para mabigyan siya ng pagkakataong sumagot sa mga tanong at magpaliwanag hindi lamang sa Senado kundi sa sambayanan. Yan ang pagkakaiba ng imbestigasyon ng Ombudsman at iba pang ahensya. Ang imbestigasyon ng Senado, makikita at mapapanood ng ating mga kababayan. Bukas para sa kabatiran ng lahat.
Effectively, nasa custody sya ng Senado at dapat alamin ng Senado kung talaga nga bang may sakit sya. Dahil kung may sakit sya, hindi naman tama na hilahin sya sa Senado dahil baka kung ano pang mangyari sa kanya. Pero kung wala syang sakit at umaarte at nagdadrama lang sya dapat alamin din ng Senado upang sa ganon hindi yan magamit "for health reasons" para maka-eskapo sa jurisdiction ng Senado. Tingin ko kasi dyan, bakit pag VIP, pag mayaman yung hinuhuli, imbis na dalhin sa kulungan, dinadala yan sa ospital palagi. Yan ang tila nangyayari sa ating bansa. Itong mga nagdaang taon, bakit pag mahirap ang hinuhuli, deretso agad sa kulungan at ni walang karapatan na madala sa ospital maski na may sakit sya. Sana walang double standard. Association of Philippine Volunteer Fire Brigades, Inc. Keynote Address October 21, 2008, 2:05 am I am of the firm belief that the function of government should only be limited to those activity which the private sector cannot and is not willing to provide at an affordable cost to our people. Outside of that, it should be the private sector that is providing most, if not all of the services. We need less of government and more of private sector participation in the many problems our country is facing. Pangunahin na siguro sa mga trabaho na pwede at dapat gampanan ng pribadong sektor, ang tungkulin na ginagampanan niyo at para diyan nais kong batiin ang bawat isa. Hindi kayo sinuswelduhan at walang perang ibinibigay sa inyo ang gobyerno at noong nakaraang deliberasyon sa inyo ng Fire Code, wala na ngang binibigay sa inyo gusto pa kayong pakialaman at panghawakan. Ang mahirap at masakit kasi sa gobyerno, hindi sa kanila ang pera, hindi nila oras ang ginagamit, kaya maski na serbisyo na lang dapat ang ginagawa, gusto pang pagkakitaan maski na ang maliliit na bagay. I assure you, lahat ng problema ng ating bansa, may solusyon. Lahat ng sagot sa anumang katanungan meron. Sigurado ako, na kayang ibigay ng maski na sinong nasa gobyerno ang solusyon. Ang problema lang hindi pagkakakitaan ang solusyon at hindi pagkakakitaan ang sagot, kaya madalas hindi ginagawa ng pamahalaan ang mga ito, ngayon man o ang mga nakaraang pamahalaan. Sa aking pag-iikot sa iba't-ibang parte ng bansa, palaging tinatanong at sinasabi sa akin: "Ano ba ang mapapala namin sa gobyerno? Wala naman kaming nakikitang tulong na ibibigay ang gobyerno. Kung ikaw naninilbihan sa pamahalaan ngayon, gaano kami kasigurado na tunay ngang maninilbihan ka at hindi mangongotong lang at magiging corrupt tulad ng iba"? Ang sagot ko ay simple: libreng manghingi basta't libreng tumanggi. Maaring manghingi kahit na sino sa maski na sinong government official ng tulong, pero libre din dapat na tumanggi ang sinumang opisyal kung mali at hindi tama. May humingi man o wala, may tinulong man o wala, dapat bawal pa rin tumanggap maski na sinong opisyal ng pamahalaan kaugnay ng kanilang trabaho. Isa ito sa layunin namin sa pamahalaan. Isa ito sa mga rason kung bakit pumasok ako sa pamahalaan para magampanan ang trabahong ito at patunayan na kaya naman palang manilbihan ng hindi kumikita, nagnanakaw, at hindi kumukuha ng anumang pera sa pamahalaan. Natutuwa ako at marami akong nakikitang mga fire volunteers na bata. Hindi pagtawad sa kakayanan ng mas nakatatanda sa atin, lalong-lalo na ng pinaka-senior kong katabi na konti lang ang tinanda ng UP sa kanya. 1908 ho kasi ang UP e. lamang lang siya ng isang dekada. Nang hindi tinatawaran ang kakayanan ng mas nakatatanda sa atin. Ikinagagalak kong makita ang partisipasyon ng marami sa mga kabataan natin bilang fire volunteers dahil naniniwala ako na mas marami ang batang Pilipino ngayon kaysa mas nakatatanda. Naniniwala akong hindi kakayanin ng mga nagkataong ipinanganak sa atin ng una sa mundo ang trabahong ito. Kailangan ang partisipasyon ng bawat Pilipino. Kailanman hindi dapat na ituring na kapansanan ang pagiging bata. Kailanman hindi dapat ituring na kakulangan ang kawalan ng karanasan. At ipinapakita nyo ngayon sa tiwalang binibigay nyo sa nakababatang fire volunteers na meron silang kakayanan, galing, talento at lakas na pwedeng itulong at ibigay para sa inyong piniling layunin. Hindi lamang ang pumuksa ng sunog, hindi lamang para tumulong sa nangangailangan, hindi lamang para magturo at magbigay ng karampatang edukasyon para mapigilan ang anumang sakuna o sunog. Pero higit sa lahat, upang pagsilbihan ang ating nag-iisa at bukod tanging inang bayan. Financial meltdown's impact on the poor Filipinos October 21, 2008, 2:03 am Kapag humatsing o bumahing ang Amerika, palaging may sipon ang Pilipinas. Kapag may sinat ang Amerika, palaging lalagnatin din ang Pilipinas. Hindi maikakaila na magkadikit na ang bituka ng ating bansa at ng Amerika. Ganun din ang iba't-ibang bansa sa buong mundo. Dahil dito, ang problemang dinaranas nila ngayon ay mararamdaman natin dito. The basic function of government is to govern. To govern is simply defined as the allocation of scarce resources. Isa ito sa mga pangunahing trabaho ng gobyerno lalo na sa panahon ng krisis. Ito ay kung saan kailangan nating balik-tanawan ang mga dati nating sinasabing katotohanan at ang mga sinasabi natin na hindi pwedeng mangyari. Itong mga hindi pwedeng mangyari na sinasabi ay unti-unti nang nangyayari sa ngayon. Ang Amerika na nagimbento ng free market, kapitalismo, laissez faire ay tila binabalikan, binabangungot at minumulto sila matapos nilang ibenta iyan sa bawat bansa sa mundo. Sa ngayon, Amerika marahil ang gobyerno sa buong mundo ang may pinakamaraming pagmamay-ari sa mga pribadong kumpanya. Ito ay matapos nilang mag-allocate ng malaking pera upang pumasok sa pribadong sektor. Ang gobyerno ay hindi lamang administrasyon. Pati kami sa oposisyon, damay-damay at may responsibilidad na maghanap ng solusyon sa krisis na kinakaharap at kakaharapin natin sa mga darating na buwan lalo na sa pagpasok ng bagong taon. Hindi ko gagamitin ang mga komplikadong terminong pang-ekonomiya. Para sa akin, tatlo lamang ang dapat na maging pananaw ko at ng gobyerno sa problemang ito. Una, ano ang epekto nito sa trabaho dito at sa ibang bansa? Pangalawa, ano ang epekto nito sa kinikita o sweldo ng mga kababayan natin? Sapat ba ito o kulang? At pangatlo, ano ang epekto nito sa presyo ng bilihin? Kaya ba o hindi na? Ito ang mga simpleng indicator na dapat tinitingnan ng pamahalaan. At sa kasalukuyang sistema, importante ngayon ang mas malawak na papel ng gobyerno sa ekonomiya. Kung nagdadalawang isip gumastos at mag-invest sa pribadong sektor, di dapat maduda at mag-isip ang pamahalaan. Kung ayaw gumastos at mag-invest ng private sector, dapat manguna ang gobyerno sa paggastos ng pera at mag-invest sa mga gastusin para tumakbo ang ekonomiya. Kung magdadalawang isip ang marami sa mga negosyante na kumuha ng dagdag na trabahador, dapat ang pamahalaan ay maghanap at mag-invest sa mga gastusin na pangangailangan ng Labor. Isa sa mga suggestion ni Prof. Diokno, uso na rin naman yung insertion at pagbayad ng malaki sa right of way. Isa ito sa mga dapat na tingnan at suriin. Imbes na magbayad ka sa right of way ng napakalalaking halaga at unahin ang pagbayad sa right of way na mapupunta lamang sa panginoong may-ari ng lupa o landlord, dapat mas gastusan natin ang pag-gawa ng kalsada dahil ito'y magbibigay ng trabaho at magpapaikot sa ating ekonomiya. Ano ang mga suhestyon na dapat nating gawin sa ngayon? Una, i-convene dapat ng Pangulo sa lalong madaling panahon ang Legislative-executive development advisory council (Ledac), at makipagpulong sa iba't-ibang business at financial organizations para makapagbalangkas ng plano kaugnay sa dapat at hindi dapat na gawin ng bansa natin ngayon. Ang mga bansa sa mundo ay nagpupulong ng sila-sila. Bakit tayo ay hindi nagpupulong at nag-uusap? Pag-usapan dapat sa Ledac at sa mga meeting na iyan ang mga sumusunod: Una, ang pagre-allocate at muling pag-adjust ng budget na prinopose ng gobyernong ito para sa 2009 dahil ginawa ito bago dumating ang global meltdown. Pangalawa, tingnan sa pamamagitan ng pag-aaral ang binabanggit ni Atty. Jimenez na level of skill. Hanggang ngayon wala tayong data kung ilang nurse nga ba ang ating na-produce? Ilang doctor nga ba ang ating na-produce? Ilan nga bang engineer at welder ang ating na-produce? Di natin alam kung ilan sila at kung nasaan sila. Marapat na ito ay ating alamin para walang maaksayang skill at pagkakataong makapaghanap ng trabaho dito, sa ibang bansa, o sa ekonomiyang marahil ay di gaanong naapektuhan ng problema. Pangatlo, pag-usapan kung paano mapaiigting ang regulation at supervision ng mga ahensiya ng gobyerno sa mga banking at financial institutions. Huwag na nating kopyahin ang nangyari sa Amerika na naging produkto ng kawalan ng supisyenteng regulasyon sa maraming financial at banking institutions doon. Sapat ang ating mga batas upang magawa ito ng BSP, DOF, DTI, BIR at iba ibang ahensiya ng gobyerno.Nararapat lamang na paigtingin. At huli sa lahat, importante sa parte ng pamahalaan na pag-aralan ng husto ang subsidiya para sa ating mga kababayan. Nagbibigay ng subsidiya ang pamahalaan ngunit tila wala at kulang sa plano. Kailangang pag-aralan muna ang epekto nito, ipaliwanag sa tao na pansamantala laman ito at huli, dapat mag-iwan ng pera sa ratio siguro na 70:30 o 20:80. Mas malaki parati dapat ang inaallocate ng gobyerno sa long term permanent solution ng problema habang may panawid gutom tayong subsidy na binibigay para patuloy na gumulong ang ating ekonomiya sa panahon ng krisis. My replies . . . October 7, 2008, 4:25 am Below are my responses on some of the questions sent to me thru mail, interviews, emails and others. On granting of executive clemency to convicted killer Claudio Teehankee by President Arroyo, dapat bang bigyan nito? Para sa akin ay hindi ito dapat pagbigyan. Lalong-lalo na noong nalathala sa pahayagan ang litrato ni Maureen na pinaslang kaugnay ng krimeng ginawa niya. Ang hinihiling lamang naman natin parati sa Pangulo ay accountability at transparency. Tila hindi naman na-commute kahapon lamang si Mr. Teehankee. Matagal na yatang nangyari ito at unti unting binawasan. Bakit hindi naipagbigay alam sa publiko? Requirement at may mga panukalang batas din na nakapending sa committee ngayon na bagamat absolute na kapangyarihan ng president ang magpardon at magcommute, at the very least dapat isapubliko ito. Magkaroon dapat ng pagdinig kaugnay dito o public hearing o opportunity to respond at palaging dapat impormahan ang biktima o pamilya ng biktima upang ng sa gayon ay marinig naman ang kanilang panig. Dapat bang magkaroon ng bill o batas upang hindi absolute ang power ng Pangulo? Nasa konstitusyon na may kapangyarihan ang pangulong i-grant o i-withhold ang power na ito. Ang pinaka maari nating hilingin without limiting or constricting the power of the President under the constitution would be to demand transparency. Nararapat na ipagbigay alam sa atin ang pagexercise ng power na ito, so that the president won't have to succumb, if at all, to political pressure, in her desire to pardon or commute anyone sentenced. Hindi na ba mababago ang commutation? Hindi na dahil commutation ito. Hindi ito pardon na maaring conditional o pwedeng bawiin. Binababaan lang ng binababaan yung penalty at nang umabot na siya sa puntong naserved nya ang penalty, pinalaya siya. Ilang years ba dapat ang isang life imprisonment? Hindi ko maalala kung ilan ang penalty na iginawad ng korte o kung ilang life term ang ipinataw kay Mr. Teehankee. Subalit ang sentensiyang binigay para sa bawat pagpatay ay simultaneous rin naman ise-serve. Hindi ito dahil three life sentences ibig sabihin ay, kunyari lang 30 plus 30 plus 30 equals 90. Si Claudio Teehankee ay kapatid ng dating Justice undersecretary Manuel Teekankee na appointee ni GMA. May abuse of power ba dito? Kung dating Undersecretary, private individual siya at karapatan ng sino mang bilanggo o ng kamag-anak nya na hilingin ang computation dahil baka nga naman sumusobra na ang paninilbihan niya sentensya. Sa aming outreach program sa iba't ibang mag kulungan, maraming bilanggo na hindi alam na laya na pala sila dapat. Kaya karapatan nila ang magpa-compute ng sentensya. Kung ang hiniling ni dating undersecretary Teehankee ay recomputation, wala akong nakikitang mali doon maliban na lamang kung dahil sa paghiling niya, nagbago yung computation bigla. Ngunit ang paghiling dito bilang tao, bilang kamag-anak, bilang kapwa-tao, wala naman sigurong mali doon, dahil sa totoo lang trabaho ng DOJ ito. Ni hindi na dapat hilingin ito ninoman. Dapat ginagawa na talaga nila. Sa issue ng pardon or commutation para kay Rolito Go... Sa puntong ito samahan nyo kami sa pagbigay ng hamon sa Pangulo na sana ay maging transparent sila pagdating sa pag-gamit sa kapangyarihan ng Pnagulo sa pagcommute at pagpardon ng sinomang convict. If that power is not made transparent, it can be abused. Todate, we don't know yet if it is being abused or not. We only heard trickles of news about a certain convict being pardoned. Another's sentence being commuted. We don't really know. Let the President explain these exercise of her powers to the people. May committee report na ba ang Necrophilia Bill? Mayroon nang committee report ang Necrophilia Bill. Ngunit dahil hindi pa ito kasama sa mga napaaprubahan natin maliban sa probisyong desecrating the memory of the dead na hindi naman specific lang sa necrophilia o pakikipagtalik sa katawan ng pumanaw na. Ang problema, hindi natin malaman na talamak ito dahil hindi naman ito penalized specifically. Kung kaya't hango sa penal code ng ibat-ibang mga bansa na penalized ito, ganun din ang ginawa natin dito sa ating bansa. Malalaman natin kapag batas na ang bill na ito, kung ilan ang masasampahan ng kaso ng necrophilia kung saka-sakali. Na-sponsoran na ito at depende na lamang kung kalian ang schedule for interpellation and approval. On rollback of oil prices October 7, 2008, 3:48 am Ang problema sa anumang uri ng tax excess, profit man ang tawag o hindi, mahirap bantayan na ito ay hindi ipapasa. Ayaw na nga magrollback ng mga oil companies sa ngayon. Baka bigyan pa natin ng dahilan ang mga oil companies para lalong magtaas ng presyo. Para sa akin, ang solusyon ay ang pag-review at pag-amienda sa oil deregulation law. Ito ay upang maturuan ng leksyon at mabigyan ng ngipin ang gobyerno kaugnay sa hindi pagsunod ng mga oil companies sa tamang presyo sa pandaigdigang merkado. Ang papel lang ng DOE sa ngayon ay barker ng presyo, nakikipag-away pa nga kung sino ang dapat na barker ng presyo. Ngunit ang dapat na papel ng DOE ay bantayan ang interes ng bayan upang matiyak na hindi tayo pinagsasamantalahan ng mga oil companies. Ang solusyon ay nakasalalay sa pag-amienda at pag-repeal ng oil deregulation law at wala sa dagdag na bayarin na naman o buwis na ipapataw sa taong bayan. Ang masakit sa mga oil companies, kapag nagtaas ng presyo sa pandaigdigang merkado, walang isang lingo at makikita na natin iyon sa binabayaran natin. Kapag bumaba naman, sasabihin nila ay next month, in two months time or in three months time pa mararamdaman iyan. Obligasyon at trabaho ng DOE na alamin kung nagkokontsabahan nga ba ang mga oil companies o hindi. Sapagkat kung sila ay nagkokontsabahan maaaring pasukan at pakialaman ng DOE ang pricing ng mga ito. Sa ilalim ng oil deregulation law hindi mapupuwersa ang mga oil companies na ito na magbaba agad ng presyo. Kaya nga dapat amiendahan ang batas na ito. Kung mangyayari ito, kapagka may predatory pricing, kapag merong monopoliya at nagkokontsabahan ang mga oil companies, magkakaroon ng kapangyarihan at karapatan ang gobyerno na pumasok. Hindi tulad ng sitwasyon ngayon, lumuluhod ang gobyerno at nakikiusap ang presidente sa mga oil companies para babaan ang presyo. Imbes na lumuhod at makiusap, bigyan natin ng ngipin ang gobyerno. But it needs a law to do it and it takes time. Mayroong batas na pinapanukala ni Senador Enrile. It will also take time and might not also solve the problem ang might increase the prices. Matagal ng nakapending ang batas na iyan. Meantime, gawin na muna ng DOE ang matagal na nilang pinangako. Nag-hire pa raw sila ng private accounting firm para i-account ang libro ng mga oil companies. Nasaan na ang resulta ng pag accounting nila? Ayon raw sa resulta ng SGV audit, they don't find anything wrong sa mga libro ng oil companies. They don't find anything wrong with it because principally deregulated nga. Kung gusto nilang kumita ng malaki ay maari. Wala naman talagang masama doon. Ngunit nasaan ang resulta? Bakit hindi ipakita kung talagang napakalaki ng kita nila o hindi? Ang problema sa mga oil companies tuwing first quarter at magsasubmit sila ng report, ang laki ng kita nila para sa stockholders nila. Ito ay upang tumaas ang kumpiyansa sa kanila. Pero after the first quarter, second, third at fourth quarters wala ka nang maririnig kundi underecovery, kulang daw, lugi daw sila at kailangan daw bumawi. Hindi ko maintindihan ito. Hindi ito regulated industry. There's no such thing as under recovery. Kapag hindi nila siningil sa atin ngayon, hindi na nila maaring bawiin iyan later on upang sabihin nilang under recovery ito. Hindi ito tulad halimbawa ng kuryente na kapag hindi sila pinayagan ng ERC na singilin ang kabuuan ng gastos nila, meron silang hinahabol na under recovery. Dito maari nilang presyuhan ng malaya kung ano ang gusto nilang presyuhan. Kung ayaw nilang ipataw sa atin ito sa ngayon, wala na silang karapatang bawiin pa sa atin yan sa darating na panahon. Ginagawa ba ni Secretary Reyes ang kanyang trabaho? Pang-apat na niyang departamento ito. Hindi ko alam kung ganyan kadami talaga ang expertise niya o hindi. Subalit ang nakikita ko nitong mga nagdaang araw, panay lamang ang sabi niya at announce niya ng presyo o kung tataas ito o bababa. Gusto ko sanang marinig sa ating energy secretary na pinaglalaban niya ang karapatan natin, lahat ng mamamayan. At hayaan natin siya ang magbigay ng boses upang amiendahan ang oil deregulation law upang mas may magawa sya para sa atin kaysa magreklamo siya ng magreklamo, samantalang wala naman siyang inilalahad na solusyon kung paano niya mas magagampanan ang trabaho niya. May inihain na kaming mga panukalang batas kaugnay sa oil deregulation law. Kabilang ang pagreview nito, pag-audit sa mga oil firm, ang pag-repeal at kabilang ang option ng amendment. Para sa akin, nararapat nang amiendahan ang batas na ito. Ang objective ay simple lamang. Bigyan natin ng kapangyarihan ang gobyerno maiwasan ang pagabuso at pagsamantala ng mga oil companies. On Senate resolution for federalism… August 17, 2008, 1:57 pm Ako ay lumagda sa resolusyong ito at isinulat ko roon ang "with reservation as to the timing, mode and content." Una, Timing ibig sabihin, kung ako ang tatanungin mas gusto kong gawin to pagkatapos ng 2010 dahil ginagawa dapat ang Cha cha sa pagsisimula ng termino ng anumang administrasyon at hindi sa patapos na. Ito ay upang maalis ang pag-aalinlangan na ito ay ginagawa para mapalawig lamang ang termino ng kasalukuyang nakaupo. Sa ganang akin, walang moral authority ang ano mang administrasyon na baguhin ang Saligang Batas kapagka patapos na ito (termino). Pangalawa, may reservation din ako as to the mode of the resolution sapagkat dapat muna nating timbangin talaga kung mas maganda ba talaga ang con-con o ang con-as. Pangatlo, as to content, hindi ako papayag na may baguhin o may galawin kaugnay sa nationalist provision ng saligang batas, kabilang din ang mga probisyon kaugnay sa term at term limits ng mga kasalukuyang opisyal. Mayroong mga nag-aalinlangan na baka daw gamitin ito for term extension. Sa tingin ko, imposibleng magamit ito for term extension. Hindi papayag, hindi lamang ako, kundi ang ibang kasamahan ko dito sa senado. Sinasabi ni Sec. Dureza na nag flip flop daw ang mga senador matapos sumuporta sa resolusyong ito. Sa ganang akin, kung may malaking nagfli-flip flop kumg meron man, ito ay ang administrasyon. Noong Enero ng taong kasalukuyan, sabi ni Pangulong Arroyo sa isang talumpati wala na raw Cha cha sa kanyang administrasyon hanggang 2010. Noong kanyang SONA, wala siyang binanggit tungkol sa cha cha, ni wala siyang binaggit kaugnay sa federalism. Nagyon may biglang binabanggit sila tungkol sa cha cha at federalism. Yaong MOA on ancestral domain, ni isang salita doon tungkol sa salitang federalism, federal o federalist, ni wala nakalagay. At ngayon, biglang sasabihin ni Sec. Dureza na ito naman talaga ang direksyon nila noon pa. Bakit kahit isang salita man lamang doon sa MOA, wala silang nabanggit man lamang ukol cha cha o yung federalism? Sa tingin, ko ina-adlib ni Sec. Dureza ang kanyang sinasabi habang lumilipas ang mga araw. Depende kung ano ang mapanood sa TV at mapakinggan sa radio. Mula dito, maghahanap ng sagot na maaring magbigay ng alignment kung saan man. Ang hinihingi ko sa administrasyon ay road map at direksyon kaugnay sa usaping pangkapayapaan sa Mindanao. Ano nga ba ang direksyon? Ano nga ba ang polisiya? Ano nga ba ang step by step na dapat nilang gawin sa tulong ng Kongreso, sa tulong ng mag residente at LGU para makamtan ang kapayapaan sa Mindanao? Ito ay upang hindi naman tayo lahat nangangapa, hindi tayo lahat nagsisisihan, hindi tayo lahat bulag at parang nasa dilim kaugnay ng dapat nating tahaking landas. Noong ako ay lumagda sa resolusyong ito sa Senado, sinabi ko kay Senator Pimentel, at kukumpirmahin niya marahil ito, na nais ko, kung saka-sakali na gawin ito pagkatapos ng 2010 ngunit wala akong tutol na simulan ang debate, diskusyon at pag-aaral tnugkol dito ngayon. Sapagkat kung magsisimula pa lamang tayo sa 2010, siguro magsisimula tayo mag-amyenda na patapos na naman yung termino ng sumunod presidente. Kaya hindi na naman marapat na gawin. Pumayag siya sa konseptong ito. Mula sa kaniya, basta't masimulan sa akin, maari na rin iyon. Kaya hiningi niya ang suporta ko para sa kayang resolusyon na ito, ay upang mapag-usapan, na magpatawag ng hearing si Senator Gordon, na mag-invite tayo ng resource person, na kumuha tayo ng data kung ano ba talaga ang dapat gawin. Hindi ako tutol dito. Marahil ay dapat lang gawin natin ito. Mag-aral tayo kung ano ang pinakamagandang gawin sa ating bansa. Philippine Councilors' League Keynote speech July 20, 2008, 10:00 pm Keynote speech Philippine Councilors' League First Quarterly National Board Meeting First Series of 2008 PCL Continuing Local Legislative Education Program July 19, 2008 Camarines Sur Convention Center, Pili Una sa lahat, isang malaking karangalan para sa akin kasabay ng aking mga kababayan sa ikalimang rehiyon ng ating bansa, ang Bicol Region, na makapiling kayo sa pag-host ng inyong pagtitipon sa nakaraang 2 araw. Karangalan ko na maging bahagi ng inyong programa upang maghatid ng simple at maikling mensahe at upang makiisa sa inyong pagtitipon. Kanina may nabanggit ang inyong national chairman na si Michael kaugnay ng isang resolution na pinasa ng PCL na may kinalaman sa value added tax. Hindi nyo na po ako kailangang kumbinsihin dyan. Alam na marahil ninyo ang aking posisyon kaugnay sa VAT. Pinagbobotohan pa lamang iyan sa Kongreso noong ako ay congressman pa lamang "No" na ang boto ko dyan. Ngayon sa Senado, last year pa lamang naghi-hearing na kami para alisin ang VAT. Nakahanda na kaming iprisinta ang committee report subalit di namin ito pwedeng gawin hanggat hindi natatapos at napapasa ng Kamara de Representantes ang bill na nag-aalis sa VAT sa produktong petrolyo. Dahil sa ngayon sa probisyon ng ating Saligang Batas, kung revenue measure yan dapat manggaling at maunang maipasa sa Kamara de Representantes at kailangan po naming hintayin iyan. Subalit panghawakan ninyong garantiya, bilang chairman ng committee on ways and means, hindi lalampas ang isang linggo, matanggap lang namin ang bersyon ng Kamara, ipapasa namin ang bersyon ng Senado na nag-aalis, nagpapababa, nagsususpinde o nagka-calibrate sa VAT, dahil iyan ang panawagan ng panahon at iyan ang kailangang gawin sa ngayon. Dadagdagan ko pa. Maliban sa value added tax kailangan ng Kongreso ang pag-repeal o pag-amyenda sa Oil Deregulation Law sa 2 simpleng dahilan. Una, noong pinasa ang Oil Deregulation Law noong 1995 o 1997, ang presyo ng gasoline noon P17 per liter. Ngayon sisenta pesos (P60) na. Noong pinasa ang Oil Deregulation Law ang pangako ng Kongreso noon bababa ang presyo ng langis. Imbes na bumaba, walang tigil sa pagtaas. Hindi ba may kasabihan at prinsipyo sa paggawa ng batas bilang mga kapwa ko mambabatas: those who have less in life should have more in law. Yung kapos palad sa buhay at lipunang ito, dapat mabigyan natin ng mas malawak at malaking karapatan sa ilalim ng batas. Bakit sa ilalim ng Oil Deregulation Law tila hindi totoo iyan. Tingnan natin ang Oil Deregulation Law. Sa ilalim ng nasabing batas at ibang rehiyonal na batas, kapagka gustong magtaas ng pamasahe ng tsuper ng taxi, tsuper ng jeepney, ng bus, o ng tricycle, kailangang magpaalam muna sa LTFRB o sa anumang ahensya ng pamahalaan. Bakit ho mahirap bago madagdagan ang kita niya? Kailangan muna niyang magpaalam sa isang ahensya ng gobyerno. Sa ilalim ng Oil Deregulation Law, bakit yung mga dambuhalang kumpanya ng langis na dati nang mayaman, hindi kailangang magpaalam maski na kanino at kada linggo na lamang pwede nilang taasan ang presyo na ni hindi kayang pigilan ng pamahalaan? Dumating ang panahon na hindi na umuubra ang mga pwersa sa merkado. Ang panahong ito ang tinatawag nating market failure na hindi pwedeng pabayaan ng gobyerno na merkado na lamang ang mag-ayos at mag-correct sa mga problema nila. Kailangang manghimasok ang gobyerno bilang pansamantalang panawid-gutom na polisiya at interbensyon. Kailangan pong gawin iyan ng pamahalaan at iyan din ang nakahanda naming gawin sa Senado subalit dahil bicameral tayo kailangan pa rin namin ng tulong ng Kongreso. Ayaw ni Pangulong Arroyo na baguhin ang dalawang batas na ito. Pero para sa akin, sa isang demokrasya, gagalangin ko si Pangulong Arroyo kung ayaw niya. Pero ang dapat lang makinig sa kanya ay yung anak niya na binoto niya doon sa Pampanga. Ang mga myembro ng Kongreso, kayo, tayo ang bumoto at dapat tayo ang masunod at di sinuman na hindi rehistrado sa distritong tinakbuhan niya at di niya dapat pakinggan, sinuman na hindi niya kinakatawan. Alam nyo ang kagandahan ng eleksyon, bawat tao tig-i-tig-isa ng boto. Presidente ka man o senador, konsehal o mayor, titser, tricycle driver, tambay o pulis, pagdating ng halalan, tig-i-tig-isa lang tayo ng boto. Minsan lang kada taon magkakapantay-pantay ang bawat Pilipino, sa araw lamang ng halalan kung saan walang kinikilala ang balota, bata man o matanda, nakapag-aral man o hindi, babae man o lalaki, mataas man ang antas sa lipunan o mababa, may pera man sa bulsa o wala, pagdating ng halalan, basta't 18 pataas ang edad mo, pwede kang bumoto at ang bilang ng boto mo ay palaging iisa. Hiling at dalangin ko sa lahat ng naririto ngayon, maliban sa resolusyong ipinasa ninyo, iparinig sana ninyo ang inyong boses sa inyong mga kinatawan dahil pagdating ng 2010, kayo ang muling pwedeng magluklok sa inyong kinatawan bilang congressman at bilang mambabatas. Hindi ang sinumang opisyal na iyan sa Malacañang. Hindi ang sinumang opisyal na mataas ang pwesto na hindi naman rehistrado sa inyong mga lugar na pinanggalingan. Nangako ako kay Jun na wala akong sasabihin na masama laban sa ninang GMA ko dahil hindi ito ang panahon para gawin iyan at hindi rin naman angkop at tama na magbanggit ang anumang salita kaugnay niyan. Subalit di nyo pwedeng alisin sa akin ang ibahagi sa inyo ang pangarap ko para sa bansa na dapat meron tayo. Ibahagi sa inyo kung ano sana ang dapat na ginagawa ng pamahalaan para sa ating mga kababayan at hindi kung anong pwedeng gawin ng ating mga kababayan para sa pamahalaan. Bago po ako tuluyang magwakas, hayaan ninyong sabihin ko pa ang isang maikling mensahe na palagi kong sinasabi saan man ako magtungo. Hindi ko inaalisan ng karapatan, karanasan at kapangyarihan ang mga nagkataong ipinanganak sa akin ng una sa mundo subalit malaki ang kagalakan ko sa aking nakikita na karamihan ng mga opisyal ng PCL nanggaling at nagmula sa nakababatang henerasyon, henerasyon na pinanggalingan ko rin, henerasyon na kinakatawan ko sa ngayon sa Senado. Sa mahabang panahon mula noong isinulat ng ating pambansang bayani ang tulang Ala Juventud Filipina o To the Filipino Youth, palagi na lamang sinasabi tuwing may kabataang tumatakbo sa anumang pwesto ang mga katagang "ang kabataan ay pag-asa ng bayan." Noong una akong tumakbo sinabi na rin sa akin ito. Subalit sa totoo lang, ako ay naiinsulto tuwing sinasabi ito sa akin noon man o ngayon. Dahil sinumang magsasabi sa akin na ako ay pag-asa ng bayan, ang palagi kong tatanungin sa kanya kung pag-asa ang tawag mo sa akin, ano ako ngayon? Dahil ba bata ako ay kailangan kong hintayin na ako ay tumanda bago magkaroon ng mas malawak na papel sa pamahalaan. Suriin natin pansamantala ang salitang pag-asa. Hindi ba ang salitang pag-asa ay tumutukoy sa panahong darating pa lamang? Ang salitang pag-asa ay tumutukoy sa lugar na mararating pa lamang. Ang salitang pag-asa ay tumutukoy sa isang tao na huhubugin pa lamang. Kung pag-asang maituturing ang kabataang Pilipino noon, ano tayo ngayon? Dahil ba tayo ay bata, tagapanood, tagapalakpak, tagangiti, at tagakaway na lamang tayo? Dahil ba tayo ay bata, kailangan na lamang na sunud-sunuran tayo palagi sa nagkataong ipinanganak sa atin ng una sa mundo? Ginagalang ko ang karanasan ng mas nakatatanda sa akin. Hihilingin ko palagi ang giya ng mas nakatatanda sa akin pero kailanman di ko tatanggapin na pwedeng tawaran ang kakayanan ng kabataang Pilipino sa ngayon. Kung kaya't para sa akin kung totoo man ang katagang pag-asa ng bayan ang kabataan noong panahon ni Rizal, at di ko nais na lapastanganin ang kanyang sinulat at alaala, hindi lang talaga ako sangayon doon. Para sa akin ang dapat na maging bagong sigaw, paninindigan, prinsipyo at sigaw ng kabataang Pilipino, ang kabataan ay di lamang pag-asa. Ang kabataan ay dapat maasahan na ng bayan. Hindi pagtanda natin, hindi pag matagumpay, mayaman na o may pamilya na tayo, kundi ngayon at tayo mismo ay dapat maasahan na ng ating bayan. Sa 90 milyong Pilipino, marami na ngayon ang nabibilang sa nakababatang henerasyon. At kung hahayaan na lamang natin ang nagkataong ipinanganak sa atin nang una sa mundo na pasanin ang problema ng bansa, sa simpleng mathematics ang ibig sabihin noon konti lamang ang nagtatrabaho para sa bansa. Subalit kung bawat Pilipino lamang sana, bata man o matanda, gagawin ang kaya, dapat at pwede niyang gawin. Sa simpleng mathematics din mas maraming nagbubuhat, mas magaan ang binubuhat. Mas maraming humihila, mas magaan ang hinihila. Kailanman di dapat ituring na kapansanan ang pagiging bata. Kailanman di dapat ituring na kakulangan ang kawalan ng karanasan. At ang pagkakataon na binibigay ninyo sa kabatang Pilipino ngayon para maging giya sa anumang kapasidad, pagkakataong binibigay ninyo hindi lamang sa aming henerasyon kung hindi sa darating na henerasyon at salinlahi, pagkakataon na pwede ninyong panghawakan at asahan. Di namin sasayangin at di namin babalewalain ito dahil alam naming huli na ang panahon at ang mga pagkakataon na lamang ng naunang henerasyon, hindi namin hahayaang makalampas sa kasalukuyang henerasyon namin na naninilbihan sa pamahalaan. You must think that I cannot English so I will speak in English now to prove tayo that I can also English somehow. Ang dami ho kasing nagsasabi na hindi raw ako talaga marunong mag English kaya ako nagta-Tagalog. Maski papaano ho kaya ko namang mag-English kahit konti and I will English at this point in time. Allow me to share with you a short prayer in ending my speech. It is not to make it appear that I am religious. I simply want to share with you a prayer that I have always uttered each morning. It's a prayer that has been called many names. It's a prayer that has helped me in the many problems and trials I have faced ever since I entered government service in 1998. If you are familiar with it, please, nevertheless, bear with me as I attempt to share it with you. It goes: Lord grant me the serenity to accept with patience the things that I cannot change. Grant me the courage to change the things that I can. And most importantly, grant me the wisdom to know the difference. Sa paggising ko tuwing umaga mula noong ako ay pumasok sa paninilbihan sa pamahalaan, palagi kong sinasambit ang maikling dasal na iyan sa lahat ng problema at pagsubok na hinarap ko. Sinasambit o tuwing umaga na bigyan sana ako ng Panginoon ng kapayapaan sa aking pag-iisip na matanggap ang di ko kayang baguhin sa buhay na ito. Kasabay nyan hinihiling ko na sana ay bigyan nya ako ng tapang at lakas na baguhin ang kaya at dapat kong baguhin sa mundong ito. At higit sa lahat, hinihiling ko na sana ay bigyan nya ako ng pang-unawa na makita ang pagkakaiba ng dalawang yan. Nawa'y sa bawat hamon at pagsubok na aking kaharapin, magtagumpay man ako o mabigo, kailanman di ko isipin na ito ay walang dahilan at walang kahihinatnan. Kayo man, paglisan ninyo ng bulwagang ito, sa pamamagitan marahil ng pagsambit ng maikling dasal na ibinahagi ko sa inyo, sa inyong paninilbihan sa ating mga kababayan, nawa'y malampasan din ninyo ang pagsubok na maaaring ibato sa inyo ng tadhana upang sa gayon, magtagumpay man kayo o mabigo, kailanman ay di humina ang inyong loob at kailanman di nyo isipin na walang dahilan at walang rason ang inyong ginagawa. Isa pong malaking karangalan sa akin ang tumayo sa harapan nyo sa gabing ito. Maraming maraming salamat ho sa pagkakataon at maraming salamat din po sa pakikinig. Sa inyong lahat, isang pinagpalang gabi. Thank you and good evening. DXRJ Interview, June 25, 2008 June 25, 2008, 8:09 pm Q: May plano ang ibang Senador na imbestigahan ang palubog ng MV princess of the Stars... Chiz: Hindi ako sang-ayon na mag-imbestiga ang Senado sa panahong ito. Para sa akin ito ay panahon sa search and rescue. Ito ay panahon upang tumulong at damayan ang ating mga kababayang namatayan at nasalanta ng bagyo. Ang Senado dapat ay nag-iimbestiga kapagka hindi ginagawa ng mga dapat mag-imbestiga ang trabaho nila. Ngayon ay magsasagawa na ng imbestigasyon ang Board of Marine Inquiries pati yata ang Ombudsman. Pati na rin yata ang DOTC. Sila na po muna ang dapat at pumasok lamang ang Senado kung makita nating hindi nila ginawa ang trabaho nila. Kung gustong tumulong ng Senado, ang dapat gawin nito ay ipasa sa lalong madaling panahon ang coastguard bill upang mabigyan natin ng karampatang pondo, armas, kakayanan at kapasidad ang coastguard na gawin ang trabaho nito. At para rin malinawan kung sino talaga ang may responsibilidad sa paglalayag ng barko at ipasa din siguro ng Kongreso ang dagdag na pondo ng PAG-ASA na 1.3 bilyon para makakuha po sila ng dagdag na pondo para mabili nila ang mga equipment na kinakailangan para mas mapredict nila ng tama ang takbo at pupuntahan ng bagyo. Q: Ibig sabihin minsan hindi tama ang forecast ng PAG-ASA sa weather natin? Chiz: Opo totoo iyan. Minsan nga kung manonood kayo ng CNN mas accurate pa yung weather forecast nila sa Pilipinas kaysa sarili po nating weather forecast. Ngunit hindi ho sa incompetent ang mga nasa PAG-ASA. Competent po at magagaling po ang mga tauhan nila. Talaga nga lang makaluma at napakatagal na ng mga equipment nila at hindi ina-upgrade ng gobyerno. Alam nyo po sa isang tropical country tulad ng Pilipinas at lalo na ngayong nagkakaroon ng climate change ang buong mundo, nararapat lamang na mag-invest po tayo sa makabago at modernong equipment ng pagsasabi ng panahon. Q: Tama kasi mas expensive pa siguro ang epekto sa kakulangan ng paghahanda kaysa budget na kailangan ng PAG-ASA? Chiz: Ihemplo na lamang po, 1.3 bilyon piso ang hinihingi ng PAG-ASA at one time expenditure po iyan. Ibig sabihin pagbili ng equipment next year, hindi na po tayo gagastos ng ganyan uli. Itong bagyong si Frank ang nasalanta nito at nasirang ari-arian ayon sa NDCC ay 3.3 bilyon piso. Triple na po agad. Mahirap sabihin sa Nanay, Tatay, sa kapatid o sa anak na nawalan ng pamilya nitong bagyong ito, na napakamahal ang 1.3 bilyon na hindi gastusan, dahil walang katapat na pera ang buhay na nawala sa isang sakuna tulad nito. Q: Itutulong daw po ni Sen. Villar sa mga nabiktima ng bagyo ang sahod nya sa isang taon, sa inyo po ano ang balak ninyong tulong? Chiz: Nakapagpadala na po kami ng tulong sa Antique at sa Iloilo, ang mgalalawigan na pinaka-tinamaan ng bagyo na higit pa sa sweldo namin sa Senado. Subalit hindi po tamang i-anunsyo at hindi po ako sang-ayon na inaanunsyo ang mga ganitong tulong, lalo pa at ang sweldo pong tinatanggap sa Senado, maliit po kumpara sa dapat na itulong, lalo na yung mga may kaya. Ang sweldo po ng Senador ay 330,000 kada taon, si Sen. Villar po ang pinakamayamang Senador at ang kanyang asawa ay number one din po sa Kongreso. Naniniwala akong higit pa roon ang ibibigay, binigay at kayang ibigay nila sa mga nasalanta ng bagyo laung-lalo na sila ay taga Panay at Ilo-ilo. Q: Nakakalungkot po daw na wala ang Presidente nang nangyari ang sakuna. Makabubuti ba kaya sa ating Bayan kung hindi itinuloy ni Pres. Arroyo ang pakikipagpulong kay Pres. Bush noong nalaman na may palapit na bagyo? Chiz: Mahirap ang desisyong iyon. Ito ay dahil official, state visit at maaaring mapahiya ang ating Pangulo at bansa kung hindi itutuloy. Ang dapat siguro, binawasan yung contingent nila at iniwan ang mas maraming opisyal dito para tugunan ang problema. Partikular na rito ang mga kongresistang sumama sa state visit, dahil alam naman nila na may bagyo at hindi naman po sila kailangan doon. Ang kailangan lamang po doon at pinakamahalagang opisyal ay ang ating Presidente. Sabihin nalang natin baka kailangan munang magpakita roon, matapos ay umuwi na dito. May rason naman sigurong paikliin ang kanilang byahe at dapat sa hapon ay nandito na sila. Q:... maraming paaralan na nasira sa bagyo... Chiz: I-cover natin sa insurance laban sa typhoon, flood at earthquake ang mga school building natin na alam naman natin merong apat hanggang 14 na bagyo ang tatama sa ating bansa. I-ensure na po natin mas mura po palagi ito kaysa pagawa tayo ng pagawa kada taon. Magtalaga na ng evacuation centers sa kada lugar dahil kapagka may bagyo palagi nang naaapektuhan ang klase, dahil ginagamit na evacuation center palagi ang mga paaralan. Kaya mas matagal makabalik sa normal ang mga paaralan kada lugar kapagka ito'y nasalanta ng bagyo. Kailangan nating gastusan ang bawat lalawigan ng isang search and rescue team na kumpleto ang kagamitan. Gaya ng nasabi ko, alam nating may apat hanggang 14 na bagyo ang darating sa ating bansa. Walang panapat ang paghahanda at pagkakaroon ng kahandaan na harapin ang anumang problema ng sakuna upang makapagligtas ng buhay. On the capsize of MV Princess of the Stars June 24, 2008, 10:41 am Kaugnay ng paglubog ng Princess of the Stars, dapat ipasa na ang Coast Guard bill at i-review na ng Coast Guard ang mga policy nila sa kabila ng global warming at pagbabago ng panahon at dapat ding i-modenize natin ang PAGASA (Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration). Ang kailangan ng PAGASA ay P1.6 bilyon. Mura ito kung ititimbang sa pinsala dulot ng sakuna dahil sa kawalan ng paghahanda. Darating ang panahon ng pagpapanagot kaugnay ng nangyari subalit sa ngayon ang dapat nating pagtuunan ng panahon ay search and rescue para magligtas ng buhay. Wala munang bangayan. Transcripts of Interview 17 June 2008 June 17, 2008, 6:50 am Q: On being a product endorser as already a form of political campaign... Chiz: Sang-ayon sa mga desisyon ng Korte Suprema, ganundin ng Comelec, hindi maaring sabihing pangangampanya ito. Una, hindi pa naman panahon ng eleksyon. Pangalawa, hindi ka naman kandidato at pangatlo, wala namang nakalagay na "vote for", kayat hindi maaaring ikonsidera na pangangampanya ito. Q: To take it to the Supreme Court... Chiz: It has been decided already by the supreme court and it's a free country. Q: Sa quote na "Gustong nilang maging commercial model eh mga pangit naman sila" Chiz: Hindi mahalaga sa akin ang opinion ng nagsabi nito kaugnay sa bagay na yan. Ang importante, hindi sang-ayon sa kanya ang asawa ko. Yun lang ang mahalaga sa akin. Q: On newly-signed tax relief measure... Chiz: Ang revenue loss sa gobyerno ay P14.26 billion. Itong revenue loss sa gobyerno ay positive pagdating sa ordinaryong mamamayan dahil ito'y perang hindi na kinolekta ng gobyerno na mapupunta sa bulsa ng ating mga kababayang dapat magbabayad ng mas mataas na buwis. Itoy parang economic stimulus package sa halagang P14.2 billion para may pantustos sa mataas na presyo ng bilihin ang ating mga kababayan. May isa lang na catch ang batas na ito. Ang mebebenepisyuhan lamang nito ay yung dati nang nagbabayad ng buwis. Yung dating hindi nagbabayad ng buwis ay walang dagdag sa kanilang maaring maiuwi na suweldo dahil dati naman silang hindi nagbabayad. Ngunit kung nagbabayad ka ng buwis, minimum wage earner ka at kinakaltasan ka, ang benepisyo nito ay humigit kumulang P34 per day, baka mas mataas pa depende kung may over time ka, holiday, hazard pay at night shift differential. Q: On no tax sa minimum wage earners forever na ba ito?... Chiz: Hangga't hindi nari-repeal ang batas, ito na ang bata. Minabuti naming sabay sa itinatalagang minimum wage ng regional wage boards o kung itatalaga man yan, by legislation sa pamamagitan ng legislated minimum wage increase para hindi na kailangang amendahan pa ang batas kada tumataas ang minimum wage. Q: Sa iyong pagpunta sa Malacanag hinggil sa signing ng pangulo sa batas na ito... Chiz: Huli kong punta sa Malacanang ay noong tinanggap ko yung TOYM award ko noong 2005. Ito pa lamang ang pangalawang pagkakataon. Okay naman, kinantyawan kami ng mga reporter at media doon na magpakuha daw ng litratong magkatabi. Niyaya naman ako ng Pangulo na tumabi at magpalitrato. Pero sa seryosong bahagi ng pagpupulong at pirmahan kanina pinapakita nito na may mga bagay bagay na hindi naman talaga dapat hinahaluan ng pulitika. Hindi dapat apektado ng pagiging oposisyon o administrasyon ang ilang bagay, lalo pa at may rektang tulong sa mga tao at hindi na namin dapat pa pinapahaba ang usapan at dapat magtulungan at sama-samang gawin na lamang ang mga bagay na ito. Hindi nga lang siguro kami maaring magkaisa pagdating sa mga bagay na hindi kami sumasang-ayon at hindi maliwanag na para sa mga kababayan natin. Q: Hindi kayo nagmano sa ninang nyo? Chiz: Baka sabihing OA eh, pero binati ko naman. Bawat tao, bawat isa sa atin, bawat nilalang tuwing gumigising kada umaga matapos matulog nang gaano kahaba o kaikli, naniniwala ako, bagong tao tayo palagi at may pagkakataon palagi na gumawa ng pagbabago at malaking pagbabago kumpara sa kung paano natin ginagawa yung mga bagay-bagay bago tayo natulog ng nakaraang gabi. May pag-asa ang bawat indibidwal na magbago, kanya nga lang, sa sitwasyon ng bansa sa ngayon kung saan nasa kalagitnaan na tayo ng krisis, mahirap kung ngayon ka pa lamang magrereview at mag-aaral, dahil kahapon nga ay huli na, lalo na siguro ngayon o bukas pa. Q: May hope for character change ba? Chiz: Palagi namang mayroon, kahit na gaano ka kasama kahapon, maari ka naman maging mabuting tao paggising mo bukas. Bagong araw ito na ibinibigay sa atin ng Diyos para magbago. Q: Anong feeling sa pagpunta mo sa Malacanang? Chiz: Wala... normal lang. Hindi naman nagbago ang Malacanang noong huling magpunta ako roon. Hindi lang siya (GMA), lahat ng sa pamahalaan, ang unang hakbang sa pagresolba ng problema ay pag-amin na may problema tayo. Hanggang niloloko natin ang ating mga sarili na maganda ang ekonomiya natin at maganda ang buhay ng tao at gumaganda ang buhay ng Pilipinas sa ngayon, paano kaya natin mahahanapan ng solusyon ang mga problemang kinakaharap natin? Q: On smuggling... Chiz: Sine-set namin next week, depende sa availability ni Sen. Enrile na siyang author at may akda ng resolusyon. Ipapatawag namin lahat ng opisyal na may kinalaman sa pag-iimport at pagpapasok ng anumang kargamento mula sa ibang bansa. Simple lamang ang aming batayan, base sa IMF records kung ikukumpara natin ang volume at quantity ng mga produktong pinapadala ng ibang bansa papunta sa Pilipinas. Titingnan naman natin ang mga dokumento dito sa Pilipinas kaugnay sa mga ini-import daw mula sa ibang bansa. Mayroong diperensiya at nawawalang P150-billion worth of revenue sa parte ng pamahalaan yearly, kung kaya't makolekta mo man lang ang kalahati nito, sobra-sobra pa iyon para matugunan ang mga pangangailangan natin sa kasalukuyang gastusin ng pamahalaan. Makolekta mo ang kabuuang iyan, siguro sa darating na limang taon, hindi na natin kailangang magtaas ng anumang uri ng buwis, kailangan lamang nating ayusin at kolektahin ang dati nang pinapataw at binabayaran. Q: Sino yung iimbitahan? Chiz: Mga opisyal ng Bureau of Customs, kasma din ang mga opisyal ng PNP na nakatalaga sa iba't ibang Puerto sa ibat ibang parte ng bansa. Kasama din ang anti-smuggling group na pinamumunuan ni Undersecretary Bebot Villar. Kukuha din tayo ng representatives mula sa iba't ibang industriya at marahil mga testigo na may alam at may nalalaman kaugnay ng smuggling na nagaganap sa ating mga Puerto. Kung isasamang ipatatawag ni Sen. Enrile, isasama naming palagi kung sino ang nais niyang ipatawag. Hindi man siya mapatawag sa unang hearing, anumang pangalang mababanggit sa hearing palagi naming iimbitahan dahil karapatan iyan na mapakinggan sa hearing kapagka nabanggit ang kanyang pangalan. Depende kung anong pangalang mababanggit dahil obligasyon ng senado iyan na bigyan sila ng pagkakataong mapakinggan o mapakinggan yung panig nila. Kugn ayaw nilang magpunta, kawalan nila iyon at mawawalan sila ng pagkakataong linisin ang pangalan nila kung ito man ay madadawit. Nakikipagcoordinate pa lamang ang aming staff kaugnay ng mag iimbitahang hindi mga opisyal ng gobyerno. Nagkausap kami kanina (Sen. Enrile), at anytime daw next week ang hearing dahil tulad niya hindi rin naman ako aalis ng bansa at nandito lamang kami at may panahon na isagawa ang hearing dito sa senado. Q: On dole out by Malacanang... Chiz: Hindi masama ang mga dole out basta subject sa mga sumusunod na kondisyon. Una, ipaintindi at ipaalam sa tao na pansamantala lamang ito at hindi pangmatagalan. Mahirap paasahin sa wala ang ating mga kababayan at maganda nang klaruhin sa kanila maaga pa lamang na itoy pansamantala lamang. Pangalawa, dapat maliwanag ang sistema at mekanismo ng distribusyon upang sa gayon, hindi ma-joc joc bolante ang pondong pinamimigay kung saan imbes na makarating sa dapat na mapuntahan baka mabulsa lamang ng ilang tiwaling opisyal. Pangatlo, hindi dapat isakripisyo ang long-term investment na dapat gastusan ng gobyerno kumpara sa short term subsidies. Ang pinakamagandang ratio at 80:20. 80% ng pondo ay ginagastos para sa long term investment na permanenteng solusyon sa problema, samantalang 20% ang gagastusin natin para sa short term solutions tulad ng subsidy bilang pamatid gutom ikanga, depende sa sama ng ekonomiya, sama ng panahon, maari nating taasan ang porsiento at gawing 70:30 upang sa gayon mas maibsan ang paghihirap ng ating mga kababayan sa ngayon. Q: On windfall sa VAT Chiz: According to the estimates of the DOF sa presyong P52 to P55 per liter, kugn saan ang VAT ay more or less ay P6.12 kada litro, may windfall ang pamhalaan ng P18.6 billion para sa buong taon. Simple ang rason kung bakit sumobra ang assumption ng gobyerno. Sang-ayon sa budget, ang kanilang projected VAT collection from oil ay P54 billion lamang. Subalit sa assumption nila, ang presyo ng bariles ng langis ay 62 hanggang 70 dollars lamang ngunit ngayon ay nasa $134 per barrel na. Ayon sa kanilang estimate ng dollar, ang palitan ng piso sa dollar ay P46 to P48. Nanggaling tayo sa P42 at ngayon ay nasa P43 lamang tayo. Dahil malayo at mali ang assumption ng pamahalaan, masyadong malaki ang kinikita ng gobyerno sa ngayon dahil sa mataas na presyo ng langis. Para sa akin mali ito. Hindi dapat pagkakitaan ng gobyerno ang paghihirap at kahirapan ng ating mga kababayan dahil sa taas ng presyo ng langis. Unnecessary burden ito. Kung kaya't isa sa pinag-aaralan ng committee on ways and means ng Senado ay reduction, removal or suspension ng VAT para naman hindi makadagdag sa pabigat ang buwis na binabayaran natin sa gobyerno. Tutal naman, sobra ito sa assumption nilang revenue para sa taong kasalukuyan. Q: Tama ba ang sinasabi ni Sec. Gonzalez na hindi na kailangan ng congressional approval yung subsidy... Chiz: Hindi ako sang-ayon doon. Mayroong unprogrammed fund ang budget. Itoy nakadepende sa taas ng koleksyon na kikitain ng pamahalaan subalit ito'y nakadepende rin sa dagdag na revenue na kanilang kikitain. Hindi maari doon sa windfall ng kita nila dahil mali ang assumption nila. Sang-ayon sa Saligang Batas, maliwanag ang probisyon nito, "no money shall paid out on the national treasury exempt in pursuance of an appropriation provided for by law,' ano ba naman ang sama kung lumapit sila sa Kongreso at humingi sila ng supplemental budget upang siguradong legal ang disbursement na ito. Wala naman sigurong congressman o senador na tututol at magsisilbing hadlang sa anumang programa o serbisyo publiko na klarong magpapaangat ng kalidad ng buhay ng ating mga kababayan. On Escalating Oil and Electricity Prices June 4, 2008, 10:47 am Noong P40 ang langis, P4.80 ang VAT. Ngayong P62 na ang binabayaran natin kada litro at kapag pumalo ng P65 (per liter) ang presyo ng langis, P7.80 ang VAT. Ito na babayaran nating buwis. Panahon na para i-review ng pamahalaan ang VAT at pumayag na silang i-review ang VAT. Either bawasan, tanggalin o suspendihin ang VAT sa panahong ito ng krisis. Dagdag pa ditto, panay ang sabi ni Secretary Reyes na imomonitor nila ang mga kumpanya ng langis. Eh wala naman siyang kapangyarihan na pigilan talaga ang mga ito kung nais nilang magtaas ng presyo ng langis. Bakit hindi pa ipanawagan ni Secretary Reyes ang pagrepeal o amenda ng oil deregulation law na klarong ugat at susi ng ating kasalukuyang dinadanas na paghihirap kaugnay sa mataas na presyo ng langis? Bakit nga ba sa ilalim ng oil deregulation law ang mayayamang kumpanya ng langis ay hindi kailangang magpaalam kapag sila ay magtataas ng presyo? Bakit ang mahihirap at mga tsuper ay kailangan pang magpaalam sa LTFRB bago magtaas ng pamasahe? Ito ba ang intension ng batas? Pigilan ang karapatan ng mga mahihirap, bigyan ng kalayaan at malawak na kapangyarihan ang mayaman? Akala ko ba those who have less in life should have more in law? Ito ang dapat tinutugunan ng oil deregulation law. Hinihintay ko na ipanawagan iyan ng DoE at hanggat hindi nila ginagawa ito, wala silang magagawa na mapigil ang walang humpay na pagtaas ng presyo ng langis. If the oil deregulation law be repealed, we can go back to the regulated industry o hindi man semi-regulated industry. Tulad marahil ng presyo ng kuryente, dumadaan sa ERC ang anumang presyo na itinatalaga ng mag distribution utilities sa Metro Manila man o sa mga kooperatiba sa ibat-ibang parteng bansa. Sana nga lang ay ginagawa ng ERC ang trabaho nila pagdating sa kuryente pero ganun din sana pagdating sa produktong petrolyo. May pinagdadaanan upang malaman natin kung sobra ba ang kita o hindi. Sa tuwing magtataas ng presyo ng langis lagi nilang sinasabi na may under recovery sila. Subalit sa tuwing first quarter ng taon parati silang nagrereport para sa mga stockholders nila ng laki ng kinita nila ng nagdaang taon, eh paano naman iyon? At bakit naman ganoon? Tila nagkakalokohan tayo. At the very least amend if not repeal the oil deregulation law. Kasalukuyan ang ginagastos ng pamahalaan base sa CoA report ay P2.8 billion. Sa COA report noong 2006, P2.8 billion per year para sa gasolina ng ibat-ibang ahensiya ng pamahalaan. Kung idadagdag mo ang expenses ng mga LGU na P4 billion, humigit-kumulang P6 billion kada taon ang ginagastos ng pamahalaan, local man o nasyonal para sa gasolina. At ang assumption natin para sa kasalukuayng taon ang presyo kada bariles ng langis ay $62 hanggang $70 lamang, ngayon ay pumapalo na sa $63, $65 kada bariles ng langis. Kung isusumo natin kada araw sa proposed budget sa 2010 ng administrsayong ito aabot sa P30 million a day ang ginagastos natin para sa gasoline ng national government at local government units. Tama ang panawagan ni Pangulong Arroyo na magtipid sa paggamit ng gasolina dahil kung hindi magtitipid, manghihingi pa ng supplemental budget ang gobyerno para tustusan ang mas mataas na presyo ng langis. Meron lamang sigurong limitasyon, huwag dapat pagbawalan at limitahan ang paggamit ng sasakyan at gasolina pagdating sa ambulansiya at pagdating sa law enforcement ng PNP. Pagdating sa AFP dapat lang magrecompute sila dahil base sa kanilang budget proposal ang kanilang inilahad na konsumo ng langis na humigit-kumulang na P1 billlion kada taon ay para sa mahigit kumulang halimbawa 300 vehicles, kasama na ang eroplano pero ang lumilipad lamang ay wala pang sampu at ang tumatakbo lamang sa dagat ay ganoon din ang bilang. Dapat talagang magtipid pero hindi dapat isakripisyo ang serbisyo publiko sa pamamagitan ng ambulansiya at law enforcement ng mga ahensiya ng pamahalaan. Use of hybrid vehicles and those running with compressed natural gas... CNG, LPG, hybrid vehicles palaging rekomendadong gamitin ang mga ito dahil matipid at mas mura particular ang indigenous sources natin. Iyon nga lang ang nakakalungkot sa gobyerno ito, kapagka mahirap ang buhay at masama ang ekonomiya ang unang pinuputulan at tinatanggalan nila ng budget ay research at development. Mali ito sapagkat dapat na kapagka mahirap ang panahon, mas lalo tayong dapat gumastos para sa research at development nang sa gayon ay magkaroon tayo ng kaalaman para mas maging efficient at mas mura nating magagawa ang mga dati nating ginagawa. Sa ngayon hand me down at pinapakinggan lamang nating ang napapanood natin sa TV na ginagawa ng ibang bansa. Wala tayong sariling pag-aaral, pagsusuri at wala tayong sariling pagkuha ng datos para malaman natin kung ano man ang bagay o angkop para sa ating bansa para mas makatipid nang hindi masasakripisyo ang serbisyo publiko. May panukalang batas na pending ngayon sa senado at kongreso na hindi lamang magbibigay ng exemption sa taxes ng hybrid cars bagkus ay magbibigay pa ng incentives sa alternative sources of fuel, particular ang indigenous sources. Ibig sabihin, ag galing mismo dito sa Pilipinas at hindi nakadepende sa foreign supply na kailangan mo pa ng dolyares bago mo mabili at hindi mo kayang maimpluwensiyahan ang presyo. On the amendment of EPIRA... Hindi ako bumoto para sa Epira noong una itong inihain sa Kongreso. Hindi ako sang-ayon na tunay na makapagpabababa ito ng presyo at iyon nga ang nangyari. Sa halip na bumaba, walang tigil ang pagtaas ng presyo ng kuryente. Kailangang amendahan ang Epira, hindi ko nga lang tiyak kung ang kasalukuyang mga amendment na pinag-uusapan ay makapagpabababa nga ng presyo ng kuryente. Halimbawa yung take or pay clause, sang-ayon maski na sa pahayag ni Sen. Enrile wala naman yun sa panukalang batas na huwag nang isali. Ang mataas na systems losses na binabayaran natin wala ring nakalagay doon sa Epira amendments na alisin o bawasan. Ang napakalaking impluwensiya at paglulustay ng pera ng Napocor dahil sa mismanagement, wala ring nakalagay sa panukalang batas kung papaano ito mawawasto. Sa katunayan pinapatagal pa nga ang kapangyarihan at impluwensiya ng Napocor sa pamaamgitan ng paglalagay ng cap sa dapat isapribadong mga asset at kontrata ng Napocor. Alalahanin natin kaya tayo pinatawan ng VAT ng mga nagdaang panahon ay dahil sa himigit-kumulang na P200 billion na utang ng Napocor na sinalo ng pamahalaan at nagkaroon tayo ng credit at deficit crisis. Kung hahayaan nating gawin pa ito ng Napocor baka makalipas ang tatlo o limang taon, may P200 bilyong utang na naman sila at panibagong VAT na naman at baka itaas pa nila sa 15% ito mula sa kasalukuyang 12%. Dapat baguhin ito at kung talagang sinsero tayong mapababa ang presyo ng kuryente dapat i-address ang mga isyung ito. Kanya-kanyang version at pananaw naman iyan kung papaano mapapababa ang power rates through EPIRA. Tulad ko, si Sen. Enrile hindi bumoto sa orihinal na version ng Epira. Marahil magkakatalo sa period of amendments, hindi lamang sa interpellation, kung ano ba talaga ang pinal na version na dapat isabatas para mapababa ang presyo ng kuryente. Ina-address lamang sa Epira amendment ang stranded cost na sa ngayon ni hindi naman nakikita sa mga bills natin. Parating pa lang ito at hindi nito kayang mapababa ang presyo ng kuryente ngayon. Kapag nasimulan nang ipataw ito, doon lang siguro mararamdaman pero kung aalisin na ngayon ni hindi natin makikitang dahilan ito sa mataas na presyo ng kuryente. Hindi rin ito iyong tinatawag na stranded cost. Ang stranded cost ay ang difference ng acquisition cost sa selling price ng general cost sa mga distribution utilities. Wala pang pinapasang stranded cost as of now, none, I'm sure. Ang pagpataw ng stranded cost ay depende sa ERC. Sa ngayon, wala pang formula o computation ang ERC para ipataw ito. Subalit inaalis na ito ngayon pa lang. Hindi ko sinasabing masama ito. Ang sinasabi ko lang, hindi dahilan ito upang bumaba ang presyo ng kuryente, dahil sa ngayon hindi pa ito pinapasa sa atin. So kung inalis ito sa panukalang batas ang ending nito ay hindi mababang kuryente dahil wala pa naman nga sa ngayon. Sa EPIRA, Una, Ipapanukala namin sa amendment na ituloy ang privatization ng Napocor. Ito ay dahil sa maling pamamalakad at mis-management ng corporation na pinatunayan na sa mga nagdaang panahon. Pangalawa, bawasan ang systems loss at alisin natin ang administrative systems loss, ang pilferage, at magtalaga ng timetable sa pagpapababa ng systems loss sa urban at rural areas. Pangatlo i-require ang public hearing sa ERC pero huwag naman pati yung pagpapababa ng rate. Sang-ayon sa panukala na maski na ang pagpapababa ng rate, kailangan pa nating magpublic hearing kung umaabot ng dalawang buwan bago maaprubahan ang isang rate adjustment. Sa plano naming amendment, kung agarang pwede nang gawin ng ERC sa maagang panahon na pwede nang bumaba ang rate, maghihintay pa ba tayo ng dalawang buwan? Pero kung pataasan, doon irequire ang public hearing dahil doon lang maaapektuhan ang private rights kung saka-sakali. Pang-apat dapat i-address din ang isyu ng royalty sa ilalim ng Epira, bawasan ito o tanggalin, hindi lamang ibigay sa Pangulo ang kapangyarihan pero bawasan na at tanggalin sa ilalim ng batas. Panglima lagyan ng penal clause ang Epira para sa mga hindi sumusunod dahil sa mahabang panahong pinapatupad ito, maraming probisyon na hindi sinunod pero walang makasuhan dahil wala naming penal provision o penal clause ang Epira. Nararapat na may penal clause ang Epira sa sinomang hindi sumusunod sa timetable at tinatalagang procedure sa ilalim ng batas. At panganim, dapat liwanagin ang mandato ng ERC para hindi nila pinapatagal ang anumang desisyon na dapat matagal na nilang ginawa, sang-ayon sa binigay sa kanilang kapangyarihan at mandato ng batas. On 2010 Election Talks June 4, 2008, 10:02 am Someone asked my opinion regarding the Lakas party welcoming me. Politics is always addition. Anumang dagdag na tulong, aba eh bakit ba hindi. Ito ay karangalan. Nagpapasalamat ako sa tiwala binibigay nila subalit matagal pa ang halalan at napakaaga para pag-usapan ang bagay na yan, much less sumagot sa mga tanong o magtanong tungkol sa 2010 presidential elections. Tulad ng madalas kong sinasabi darating ang panahon para magdeklara at mangampanya para sa 2010 subalit ang panahong ito ay hindi pa ngayon. On political figures already declaring their intentions to run, karapatan nila iyon. Subalit ang maagang pangangampanya at pagdeklara ay sila na lamang at hindi ako sasabay. Sa mga nagtatanong kung mayroon akong plano para sa 2010 elections, pangarap meron, plano at balak wala... pangarap lang pagtulog... Masyado pang maaga para sumagot sa mga katanungan ukol sa 2010 elections. Sa katanungan din kung kaya kong lumipat sa administrasyon ang sagot ko ay hindi. Subalit pagdating ng 2010 presidential elections wala naman siguradong administrasyon o opposition. Naniniwala ako sa 2010 lahat ay magsusuot ng maskara ng oposisyon, totoo man o hindi. Lahat sasabihing oposisyon sila dahil wala namang kandidatong nakaupo na tumatakbo. So pagdating ng 2010, ang pagpipilian ng taongbayan ay yung mga personalidad at plataporma ng mga tumatakbo at hindi yung partido na kinabibilangan nila, oposisyon man o adminsitrasyong ituturing o tatawagin. Sa isyung ibinabato na magwawatak-watak ang opposition at magiging super party daw ang Lakas at Kampi - Madalas naman nilang sinasabi ito tuwing bago mag eleksyon. Nagugulat lang ako na matagal pa ang eleksyon sinasabi na agad nila ito. Hindi maikakaila na malaking partido ang Kampi at Lakas pero hindi rin maikakaila na ang partido ay hindi maaring bumoto. Ang pwede lamang bumoto ay mga tao na rehistrado at bawat isang Pilipino, mayaman man o mahirap, babae man o lalaki, ano mang partido ang kinabibilangan, tig-iisa lamang tayo ng boto pagdating ng eleksyon. On Snap Election Talks June 4, 2008, 9:45 am Walang nag-hain ng counterpart bill sa Senado ukol sa panukalang Snap Election. Sa aking palagay, magandang malaman kung papaano ba mapapababa nito ang presyo ng kuryente, ang presyo ng langis. Papaano ba nito mapabababa ang presyo ng bilihin at mabigyan tayo ng karampatang suplay ng bigay. Nais kong malaman mula sa author ng Snap Election kung sinisisi ba niya mismo ang Pangulo kung kayat napakataas ng mga presyong ito? Kung kaya't para sa kanya ito ang solution? Ito ang mga katanungan na dapat marahil na masagot bago man lang talakayin ang isyung ito ng Senado. Marami pang problemang dapat talakayin ang mga institusyon, particular na ang House at Senate. Sa ilalim ng Saligang Batas bawal ang snap elections maliban na lamang kung magreresign ang Pangulo at ang ikalawang Pangulo. Kung hindi nila gagawin ito, walang probisyon sa saligang batas kung papaano ito maaring maipasa ng kongreso under the 1987 constitution. Personally, I don't see it as an answer right now to our pressing problems at. Hindi ko nakikita kung papaano ito gagawin sa ilalim ng probisyon ng saligang batas. Remember when Marcos called for a snap election under the 1973 constitution and he resigned noong 1986, pero effective on the date his replacement will assume office, but a resignation was made para magkaroon ng snap although the term of the president was not yet over. Sa totoo lang, hindi ko alam kung ano ang dahilan sa panawagan na ito para sa isang snap election. Kaya nga nagtatanong at nais kong malaman dahil hindi ko alam ang motibo sa likod at dahilan sa likod ng panawagang ito, kung bakit ito isinampa at inaprubahan sa komite. Ngunit sa aking palagay, hindi ito papasa sa Senado. I don't seen it happening, nobody even filed a counterpart bill. On Product Endorsements by Senators June 3, 2008, 12:56 pm Ang sabi ni Senador Santiago, dapat daw ay hindi mag-endorso ng produkto ang mga Senador. Hindi ko maintindihan ang nirereklamo ni Senator Santiago. Sa totoo lang, hindi ako sang-ayon sa bersyon niya ng batas. Maliwanag ang sinasabi niyang batas ayon sa Comelec at Supreme Court. Maliwanag na hindi pangangampanya ito. Ito ay matagal nang isyu na pinagpasahan na ng Korte Suprema at hindi ko alam kung ano ang basehan niya sa kanyang pagsabi na ito ay ilegal at bawal. Pangalawa, hindi unethical kapagka... let's say ikaw ang endorser ng MERALCO kunyari. Pag pinag-usapan ang MERALCO ang kailangan lang naman ay huwag kang makialam, mag-inhibit ka dahil may conflict of interest. At ang unethical siguro ay kapag ka ginamit mo ang pwesto mo para tulungan ang kumpanyang ini-endorso mo. Pero kung hanggang endorsement lamang sa radio at TV ang iyong gagawin at kapagka may isyu sa Senado na pinag-usapan ito, ay hindi ka dapat lalahok. Kaya wala akong nakikitang pagkamali doon. Mabuti na lamang nga ito at may dagdag na kita pa ako. Alam kong dagdag na kita ito para sa akin dahil bukas na libro naman ang aking SAL o Statement of Assets and Liabilities kung saan ako po ang pangalawa mula sa pinakamahirap sa Senador. Dagdag na kita po palagi ang mga ganitong endorsement na legal, legitimate at pinagbayaran namin ng buwis. At dahil ayokong tumulad sa iba marahil na pondo ng gobyerno, katiwalian at pagnanakaw ang ginagawa. On Tax Exemption Bill Approval May 28, 2008, 6:13 am Approved na sa third and final reading yung exemption sa minimum wage earners at pagtaas sa personal at additional exemption. Pinilit namin itong tapusin upang mabigyan ng additional relief at mas malaking take home pay ang ating mga kababayan para matustusan ang walang tigil na pagtaas ng presyo ng bilihin. Kaibahan ng Senate at House version... Ang bawi ng House ay SNITS, simplified net income tax scheme, ang bawi ng senado ay 40% optional standard deduction sa corporation. Ang proposal ng Kamara sa amount pareho sa proposal ng senado. Sana walang masyadong maging problema at mapasa na ito bago kami mag-adjourn at mag-recess. Iti-take into account namin ang ilang request ng mga senador sa bicameral subalit gaya nga ng nasabi ko sa kanila ihihirit namin ang mga ito ngunit hindi ko papayagan na maantala ang pag-apruba ng bill na ito dahil sa mga karagdagang panukala. Buti nang may makuha tayo ngayon ng ganito kaysa wala tayong makuha at tumagal pa ito. Sa hirit nina Sen. Pimentel at Zubiri ay sang-ayon naman ako. Ito ay ukol doon sa mabigyan ng mas mataas na exemption yung mga pamilyang may sinusuportahang dependent na handicapped. Para sa akin tama ito pero marahil hindi man dito sa bill na ito. Maaring sa iba o sa darating na mga bill at nagcommit naman ako na tututukan ko rin ang panukalang batas na ito kapag nakarating sa amin. Target naming tapusin ang bicam sana bago magrecess. Target namin na ma-approve ito at maratify ang bicameral conference committee report para mapirmahan ng Pangulo bago pa man pumasok o pumatak ang buwan ng Hulyo. Ang estimate namin na take-home pay ng mga manggagawa or minimum wage earners ay more or less ay P34 per day. Mataas pa yan sa binigay ng regional wage board sa Metro Manila na P20 lamang. Ang SNITS ay wala sa original House version at siningit lamang sa Floor kaya wala sa original committee report ito. Ang OSD ay endorse din naman ng DOF so parehong bawi sa gobyerno, it doesn't make a difference, it should not make a difference. May karagdagang suggestion si Sen. Santiago para ma-improve yung bill at tiningnan at pinaliwanag namin ito. Sinabi ko sa kanya na napakalaking pondo ang mawawala sa pamahalaan kung iyon nga ang gagawin namin sa bill, more or less P9 billion, plus P6 billino, plus P4 billion or a total of P19 billion ang karagdagang revenue loss na mahirap habulin o hanapan ng panakip kung ito ang gagawin. Mas maganda sana na mas malaki ang maibigay nating exemption para sa ating mga kababyan pero sa puntong ito lamang ang kaya ng goyerno ngunit maski na papaano mas malaki pa rin sa umentong naibigay ng mga regional wage board sa ating mga minimum wage earners. Ang sa version ng House SNITS ang sa Senate... Optional standard deduction parang administrative amnesty ito, ibig sabihin kapagka ang kini-claim mo ay 40% lamang na deduction no questions ask, hindi na io-audit ng BIR yung mga dokumento o mga resibo mo. Option ito at Malaya ang taxpayer na huwag mag-avail sa option na ito. Pero ayon sa nakaraang karanasan ng BIR, nag-a-avail ang mga taxpayer dito maski na mas mataas ang kanilang binabayaran kumpara sa mga deductions na iki-claim nila dahil una wala na silang hassle na matatanggap galing sa BIR. Pangalawa hindi na sila magtatago ng ganoong karaming dokumento o pruweba para patunayan ang kanilang mga deductions. Conservative ang estimate ng DOF dito, 10% sa individual OSD at 3% lamang sa corporate OSD at sa totoo lang kung mas marami ang mag-avail at sa tingin namin ay ito ang mangyayari, sobra pa ang makukuha ng gobyerno na revenue at masi-simplify pa natin yung tax administration natin, maaalis pa natin ang discretion na pinagmumulan ng korapsiyon sa parte ng BIR. Payag ba ang mga corporation sa 40%... Ito ang unang pagkakataon na nag-aalok ng OSD o optional standard deduction ang ang gobyerno, kayat ang availment rate ay 3% lamang ang estimate. Attractive ito sa mga maliliit na corporation na walang accountant at accounting firm na pwedeng magmaintain ng kanilang mga libro para ipakita at patunayan yung kanilang mga deductions. Sa malalaking kumpanya hindi ito attractive dahil dati na silang may paraan para maka-claim ng deductions na umaabot hanggang 79%. On POWERCOM Hearing May 19, 2008, 11:49 am Ang naganap na hearing kamakailan ay ukol lamang sa Meralco at Meralco franchise areas na Metro Manila at katabing mga probinsya. Paano naman ang mtaas na kuryente sa Visayas at Mindanao at iba pang parte ng Luzon? Sana ay matingnan din ito at maibsan at magawan ng paraan ang mataas na binabayaran ng ating mga kababayan at hindi nalilimitahan lamang sa away at bangayan sa pagitan ng GSIS, ng Meralco at Napocor na tila na nakakaligtaan na ang interes ng mga consumer. Malaki at mayaman ang GSIS, malaki at mayaman ang Meralco at Napocor, kaya nilang ipagtanggol ang sarili nila. Subalit ang mga ordinaryong consumer, di nila kayang ipagtanggol mga sarili nila sa harap ng tatlong dambuhalang kompanyang ito. Marapat sa lahat ng mga pagdinig, interes lagi ng mga consumer ang laging isaisip at huwag tayong madamay sa away ng tatlong mga dambuhalang kompanayang ito. On Garcia's suggestion to break meralco's franchise: Ginawa ito sa MWSS at sa NAWASA. Tama siya binreak-up nga pero hindi ba't yung isa umubra yung isa hindi umubra? Kinailangan pang bilhin uli ng pamahalaan yung isang dati nang ibenenta dahil sa isinagawang pagbibi-break up. Hindi ganun kadali at hindi ganun kasimple gawin ang bagay na ito. At isa pa, tila baligtad ang interes ng GSIS sa interes na ipinaglalaban niya doon sa nakaraang hearing. Dahil kung ating susuriin, hindi ba dapat matuwa ang GSIS kung malaki ang kita ng Meralco? Dapat matuwa ang GSIS at mga miyembro nito dahil malaki rin ang kikitain nila? Para pababain ng GSIS ang kita ng Meralco upang bumaba din ang presyo ng kuryente, liliit rin ang kita at interes ng kaniyang mga miyembro. Hindi kayang pagsabayin ang interes ng dalawang ito sa nakita kong isinusulong niyang pagpapababa ng kuryente. Sa argumentong nagbabayad din naman ng kuryente ang mga miyembro ng GSIS, oo pero sa Metro Manila. Paano yung mga miyembro ng GSIS sa labas ng Metro Manila partikular sa balance of Luzon, Visayas at Mindanao? Hindi sila magbebenipisyo sa gagawing ito ng GSIS. At marahil tatamaan pa ang kanilang mga interes bilang mga subscribing members ng GSIS. On Meralco's operational expenses being passed on to consumers: Lahat ito dumadaan sa ERC, hindi lang siguro naipaliwanag. Hindi naman ako naniniwala na ganun kasama ang ERC o Meralco dahil ipapasa din naman sa atin iyon kapagka mula sa kabilang bulsa ipapasa sa kabilang bulsa lalagyan pa at papatawan din naman ng buwis yan na ipapasa din naman sa ating mga consumers. Accounting method yun na pinahintulutan ng ERC at siguro magandang itanong din natin sa isyung ito, kung talagang mali ang singil, bakit pinapayagan ng ERC, kung talagang mataas ang singil at pwedeng babaan, bakit pinapalusot ng ERC samantalang regulated industry ito at hindi basta-bastang pwedeng magtaas ng presyo ang sinuman. Sang-ayon ako kay Sen. Santiago na nagbabangayan ang Meralco at Napocor sa hearing at sa pahayagan pero tila nagkakaisa naman sila sa pagpasa ng mga utang nila sa ating mga consumers. Sang-ayon din ako ke Sen. Santiago na huwag payagan ito ng ERC at ito ang nagpapatunay sa sinasabi ko na walang pagtataas kung hindi pinapayagan ng ERC. Na-create ang ERC para bantayan ang kapakanan ng mga consumers, at sana ito nga ang kanilang ginagawa bilang mga opisyal ng pamahalaan at bilang mga swelduhan ng mga kababayan natin. Kayang pataasin ang profit at the same time pababain ang power cost: It cuts both ways palagi. Wag nating kalimutan ang mga issue sa GSIS. Kung nanghihingi ng transparency ang GSIS sa Meralco, dapat lang at tama ito. Pero dapat me transparency rin ang GSIS sa kanilang pagpapalakad. Tamang ilabas sa publiko kung magkano ba ang ibinabayad sa mga executives ng Meralco. Tama rin lang na dapat ilabas rin sa publiko magkano ba ang ibinabayad sa mga executives ng GSIS. Magkano din ba ang mga pondong ginagamit nila kaugnay ng kanilng mga gawain. Marahil matapos siguro malinis ang bakuran ng GSIS kaugnay sa mga isyung ibinato sa GSIS marahil dito lang nila pwedeng sabihin na kaya din nila ito sa ibang kumpanya saka-sakaling sila ang magte-take over. On GSIS take-over of Meralco: Hindi ako sang-ayon. For one, walang expertise ang GSIS upang gampanan ang tungkuling ito. Two, sariling bakuran muna ang kailanagng ipakitang maayos ng GSIS bago ayusin ang bakuran ng iba. Three, ang interes ng GSIS members ay baka baligtad dun sa interes na ipinaglalaban sa pagtake-over ng Meralco. At panghuli, kung ang Napocor ang gagawin nating batayan na gobyerno ang may ari at magpapatakbo sa negosyong ito, hindi magandang basis para itake-over ng pamahalaan yan. On tax exemption bill May 19, 2008, 11:21 am Tapos na ang mga pagdinig ng Senate Committee on Ways and Means tungkol sa extension hindi lamang ng mga minimum wage earners, pero sang-ayon din sa panukala ng Kamara yung kumikita ng hanggang P50,000, kasama ang kanyang asawa at may extension para sa kada dependent ng P25,000. Layunin ng panukalang batas na ito ang mapataas ang take-home pay ng ating mga kababayan upang may ipantustos sila sa pagtaas ng mga pangunahing bilihin. Inaasahan namin na sa loob ng linggong ito ay maihahain na namin ang committee report for plenary debate and discussion at sana ay matapos at matutukan ito ng Senado hanggang sa darating na lingo upang hindi na magtagal at mabigyan na natin ng tulong at ayuda ang ating mga kababayan. Ano ang difference sa House version? Sinabi na namin noon pa na hindi kami papayag sa panibagong buwis na ipapataw ng administrasyong ito dahil efficiency ang dapat na improvement at discretion ang dapat alisin para mabawasan ang corruption sa mga ahensiya na nangongolekta ng revenue. Hindi namin papayagan ang SNIT na isiningit sa Kamara de Representantes. Bagkus ang iaalok ng Committee on Ways and Means ay 40 percent OSD or optional standard deduction hindi lamang sa mga kumpanya pati na rin sa mga individual taxpayers. Objective ng 40 perecnt OSD ay pababain ang discretion ng BIR at bigyan ng mas malawak na latitude kung saka-sakali ang mga taxpayers natin at sa computation ng STSRO ng Senado, positibo pa ang makukuha ng senado maski na matapos taasan pa natin ang exemption. Ang SNITS ang kondisyon ng DOF... Ang SNITS ay ang kanilang panukli. Ngunit panibagong buwis pa rin ito sapagkat may increase sa tax base at tinataasan ang babayaran at kukunin ang mawawala sa minimum wage earners mula sa professionals at self-employed. Para sa amin, ang pagpapaganda ng collection sa pamamagitan ng 40-percent OSD at mas efficient na collection sa pamamagitan ng mekanismong ito ay mas makakatulong sa BIR na makakolekta nang mas malaki ng hindi kailangang dagdagan ang buwis. At ito ang posisyon naming noon pa. Mao-offset ba nito ang effect ng price increase? Kulang pa rin ito marahil sapagkat ang minimum wage ay dati nang mababa at kulang. Ayon sa Department of Labor mismo ang standard of living halimbawa sa Metro Manila ay P852 a day. Iyan ay patungkol sa living wage na sinasabi sa ating Saligang Batas, kanya nga lang ang depinisyon nila kada pamilya daw ay dalawa ang nagtatrabaho, pero maski na sabihin natin na dalawa ang nagtatrabaho yung P362 na minimum wage kahit na doblehin mo pa ay hindi pa rin aabot sa P852 na siyang living wage para dito sa Metro Manila. Kaya klarong kulang ang sinusuweldo ng ating mga manggagawa na nasa minimum level.
Harinawa ay maihain sa plenary ang exemption bill tomorrow at the earliest, at the latest Monday para magsimula na agad ang debate kaugnay nito. We also coordinate closely with the House of Representatives at sa DOF para wala nang masyadong kuskos-balungos at hindi na masyadong tumagal sa bicameral conference committee kung dumating man doon at sa lalong madaling panahon maibigay na natin ito sa ating mga kababayan. Hopefully next week we'll be done with it. Ang nakalagay basically sa bill, P50,000 income mo, P50,000 income ng asawa mo, plus P25,000 additional exemption per child, up to four. Kung ikaw minimum wage earner ka, exempted ka na hindi ka magbabayad ng buwis. Kung ikaw minimum wage earner ka at wala kang anak, exempted ka pa rin. Kung single ka exempted ka pa rin sa ilalim ng proposal. Ngayon yung exemption tinaas, P50,000 plus P25,000 per dependent na nanggaling sa P8,000, so ang exemption mo nasa P200,000, so kung ang kinikita mo sa isang taon hindi aabot ng P200,000 at apat ang anak mo wala kang babayarang buwis. Isa-isahin natin ha, kung individual ka at minimum wage earner ka exempted ka, kung individual ka at hindi ka minimum wage earner at wala kang anak ang exemption mo P50,000, ang bibigyan lang ng tax ng gobyerno above P50,000, dati P10,000 lang yon. Ngayon kung may asawa ka ang exemption ninyo P50,000 each kahit wala kayong anak. So kung kumukita kayo at hindi kayo minimum wage earner at kumikita kayo more than P50,000 a year, ita-tax ka ng balance lang on top of P50,000. Kada anak ngayon hanggang apat may exemption ka pa na P25,000. (Kung single na may dependent?) P25,000 up to four. Remember na ang minimum wage earner is at P95,000 a year, highest ito at Metro Manila rate, so technically hindi siya covered so kung P50,000 lang ang exemption mo, yung P47,000 papatawan pa ng buwis yon, that's why may catch-all provision na kapagka minimum wage earner, hindi na kayo kailangang bumalik sa Kongreso pag tinaas pa yung minimum wage, kung ano man ang minimum wage automatically exempted ka which is per region, so nagbabago din yung exemption, yung level of exemption per region, yung kumpanya naman kasi kung saan mang rehiyon alam nila may listahan sila kung sino man ang minimum wage. Makikinabang ang minimum wage earners dahil ang exemption nila ay tataas na, dati on top of P32,000 taxable na yon, anything above P32,000 taxable na yon, ngayon anything above P50,000 ang taxable lang, so nadagdagan ka ng exemption na P18,000. Dati P8,000 (present tax exemptions for up to four depedents) ngayon P25,000. Ang aming panukalang 40-percent OSD, optional standard deduction, ang average na kini-claim na ded |