WELCOME TO THE OFFICIAL WEBSITE OF SEN. FRANCIS 'CHIZ' ESCUDERO
Friday • July 30, 2010

Chiz Blogs

October 28 presscon Q & A

October 28, 2009

A: Marapat siguro sila ang sumagot at tanungin n'yo kaugnay dyan. Ayokong pangunahan sila.

Q: Is it true that you left NPC because Danding Cojuanco had a compromise deal with Manny Villar?

A: Walang masamang tinapay at personal na pinag-alitan kaugnay na paglisan ko sa NPC. Binigay ko ang tatlong dahilan: una, dahil hindi tamang may partido ang sinumang nagpaplanong tumakbo; pangalawa, kung s'yang magiging, mas magagawa n'ya ang kanyang trabaho, at pangatlo, para simulan ko ang tama at personal na pagdedesisyon kaugnay ng bagay na ito.

Q: Sir, you repeatedly said na ayaw n'yo nang nakakahon pero matagal na sinasabi ng NPC na ikaw ang gusto nila for president, what happened sir? Meron bang pressure kaya sinasabi n'yo na nakakahon kaya ngayon?

A: Wala namang pressure gaya ng nasabi ko, wala din namang hindi pinagkaintindihan. Hiling ko dun sa mga hindi nakaalam bago ako nagpasya ngayon, sana maintindihan nila ang aking rason kaugnay ng paglisan ko sa partido. Wala din naman akong masamang pwedeng sabihin sa aking partido o mga kapartido, personal ko lang talagang desisyon.

Q: Posible ka bang sumali sa ibang partido o will you create your own party?

A: Limang minuto pa lamang ako malaya mula sa aking dating partido konting panahon lang.