INTERVIEW

AMBUSH INTERVIEW

LOCATION: SENATE OF THE PHILIPPINES

QUESTION (Q): Sir, dismayado ba kayo na inisnab ni Chairman (Andres) Bautista ang inyong hearing?

SENATOR CHIZ ESCUDERO (CHIZ): Hindi naman ako tinuruan na magalit sa hearing. Hindi pa ako nagagalit sa anumang hearing. Pero, kinailangan lamang na gawin ito ng komite dahil maliwanag na iniiwasan naman talaga niya ang proseso ng pagdinig. Magpapadala ka ba naman ng sulat na ni walang address na nakalagay kung saan galing ang sulat? Tapos, hihilingin mo na magpadala kami ng mga katanungan at sasagutin niya via a letter. Taliwas ito sa ipinalabas niya at binibitawan niyang salita noon na haharapin niya ang anumang alegasyon laban sa kanya sa anumang forum. Ito na iyon; ang oras ng pagtutuos at hindi siya matagpuan kahit saan.

Q: (inaudible)

CHIZ: Ipina-subpeona na namin siya, due reserve ito. You’re a former COMELEC (Commission on Elections)  chairman, dati chairman ka ng isang constitutional commission. Ni wala kaming mahanap na legal at pormal niyang address dito sa Pilipinas. Hindi naman yata normal iyon. At kung nalalaman mo na mayroong pagdinig. The very least he should give us a forwarding address where we can communicate with him but he, thus far, not done that? And I’m sure he’s a lawyer of a good caliber. Inilagay niya at tiniyak niya na ang nakasulat lamang doon, nabasa niya  sa newspaper reports. Hindi ba siya nag-uusap ng kapatid niya. Wala ba siyang kinatawan dito? Maliwanag, ayaw niya lang masaklaw sa jurisdiction ng komiteng ito.

Q: Sir, paano iyon out of the country si Andres Bautista? Paano po i-implement ang pag-contempt at pagpapaaresto?

CHIZ: Anytime na dumating na siya dito sa ating bansa.  Pero, tila hindi rin accurate ang records ng BI (Bureau of Immigration) o hindi nagsasabi ng totoo si dating chairman Andres Bautista. Dahil ayon sa records ng BI, huli siyang umalis October 27, muli siyang bumalik November 1 at wala sa records ng BI iyan ang diumano’y pag-alis niya noong November 21 na nakasaad sa sulat niya sa amin.

Q: Sir, should he reach out like anytime today or tomorrow pwedeng gawin pa rin sa kanya iyong pagpapaaresto?

CHIZ: Again, ang sabi ko, puwede namang hindi basta mag-execute siya sa lahat ng co-depositor niya ng waiver ng secrecy of bank deposits kung talagang seryoso sila sa pakikipag-cooperate sa komiteng ito. Iyon iyung isang- ayaw nilang mag-attend, ayaw nilang maisapubliko, e ‘di mag-execute sila ng waiver. Hindi ko puwedeng pilitin ang pag-execute ng waiver pero puwede kong pilitin ang kanilang pag-attend na dito na lang sa harap namin sabihin na ayaw nilang mag-waiver. Na ini-invoke nila ang anumang karapatan na mayroon sila sa ilalim ng Saligang Batas  pero hindi puwedeng gawin iyon sa pamamagitan lamang ng sulat.

Q: Sir, possible na nandito pa siya?

CHIZ: Actually, hindi ko alam. Hindi ko alam kung gaano ka-accurate ang BI at hindi ko alam kung sino ang nagsasabi ng totoong tamang bagay sa kanilang dalawa.

Q: Sir, the fact na he didn’t show up for the hearing today is enough for him to be contempt?

CHIZ: Hindi lang ngayon. Nakaka-tatlong hearing na kami. Tatlong pagkakataon na binibigay namin sa kanya para mag-attend. Hindi ito ang unang pagkakataon na hindi siya nag-attend kaya, actually, naka-dalawang imbitasyon yata kami – isang subpoena bago namin ginawa ito.

Q: Sir, hindi niya natanggap ‘yung mga previous invitations?

CHIZ: Well, ‘yun ang claim niya. Pero validly-served ‘yung subpoena ayon sa process server ng Senado. May return na siyang sinumite sa amin. Alam man niya iyan o hindi, ‘yung responsibilidad na niya iyan bilang isang abogado. At kung may kaso siya na kinakaharap dito at may abogado siya para sa mga kasong iyon. Pwes, bakit ayaw niyang gamitin ‘yung abogadong iyon at iyong address ng law firm na iyan para tumanggap ng anumang mga notice. Klaro’t maliwanag, ulitin ko, na wala siyang balak magpasaklaw sa jurisdiction ng komiteng ito sa ipinapakita niyang pag-iwas at ginagawang pagtatago.

Q: Sir, possible na pagbalik niya arrest warrant pa ang sumalubong sa kanya?

CHIZ: Kung malalaman namin na malabo naman iyon kasi wala namang intel ang Senado. So, kapag nabalitaan namin dito pinakamadaling paraan i-presenta niya ang kanyang sarili sa Senado para makapag-schedule kami ng hearing agad o kung hindi man kung makukuha namin ang kanyang personal assurance na mag-aattend sa susunod na pagdinig o hindi man mag-execute ng waiver kasama ang kanyang mga co-depositors. Sapat na iyon para i-withdraw iyong rekomendasyon ko para sa warrant-of- arrest at contempt.

Q: But, you were recommending, ‘di ba, na kapag dumating siya puwede siyang ipa-arrest?

CHIZ: It’s not my decision na; it’s not my decision. Only the Senate President can issue a warrant of arrest. Ang sinabi ko kanina hihilingin ko at nire-rekomenda ko sa Senate President na mag-issue ng warrant of arrest.

Q: Sir, kung darating, automatic he’ll be arrested?

CHIZ: Kung malalaman namin.

Q: Sir, pero paano kung hindi na siya babalik? Kung ganyan kapag nalaman niya na you are recommending –

CHIZ: Maliban na lang kung American citizen na siya. Lalampas naman at lalampas naman talaga ‘yung karapatan niyang manatili sa ibang bansa.

Q: Sir, excuse lang kaya ‘yung sinasabi niyang nagpapa-check-up siya?

CHIZ: Tingin ko palusot lamang iyon. Dahil kung talagang ninanais niya na harapin ang isyu na ito tulad noong ipinagmalaki niya at sinabi niyang makailang ulit na walang rason para ano ba namang umuwi siya at magsabi siya na uuwi ako ng ganitong petsa. Hindi ‘yung sasabihin mo high-blood ka ng kaunti at naghahanap ka ng trabaho doon kaya’t hindi ka makakabalik dito at sumulat na lang daw kami sa kanilang mga katanungan na wala namang address na binigay.

Q: Sa tingin ninyo, hindi talaga siya sisipot?

CHIZ:  Kaya nga contempt namin.

Q: – Iyong sulat kailangang sagutin agad?

CHIZ:  Kaya nga sinabi ko kanina kino-consider kong contemptuous ‘yon kaya na-declare siyang in contempt. At kaklaruhin naming, ang utos at order na ito matapos naming mahiling iyan sa Senate President at mga miyembro ng mga komite pero, personally, ‘yon ang rekomendasyon ko bilang chairman ng committee.

Q: So, you won’t even request if ever cancel his passport if his really outside?

CHIZ:  Wala naman siyang pinatay at wala pa naman napapatunayan na ginawang krimen talaga. So, hindi pa naman darating sa puntong iyon, hindi dapat dumating sa puntong iyon. Hamon ang binibitiwan ko kay Chairman Bautista, kung wala talaga siyang tinatago, wala siyang dapat katakutan. Kung talagang wala siyang kinakatakutan wala din siya dapat itago. So, hindi man niya kaya mag-attend personally, kausapin niya mga kapatid niya pati siya mag-execute ng waiver at nang magpatuloy ang imbestigasyon kahit na wala siya dito.

Q: Sir, what if magmatigas po silang tatlo, hindi sila mag-sign ng waiver, hindi na siya magpakita, ano pong mangyayari?

CHIZ:  Iba-iba ‘yon, depende kung mag-attend si Ms. Afan, she can very well invoke her rights to secrecy invoke her rights against self-incrimination, invoke whatever rights she has under the Constitution we; will respect that. Pero, hindi pwedeng balewalain at magtago sa ano mang pag imbitasyon o subpoena ng komite.

Q:  So, sa susunod na hearing, Sir? Kasi, si Patricia was here pero hindi naman siya nagtanong?

CHIZ:  Hindi naman sila pwede mag tanong dahil hindi naman sila bahagi ng pagdinig but they’re free to attend. And I’m sure Chairman Bautista or any members of his family or friends, I’m sure attended or someone attended in their behalf. Kaya nga, sinabi ko ‘yong mga sinabi ko na in the hopes na makakarating sa kanila. Tutal naman nakuha naman daw niya ang mga impormasyon sa media, so, tingnan natin.

Q: Sir, reaksyon ninyo sa deployment ban ng OFW especially dito sa Kuwait?

CHIZ:  Kung talagang meron concern sa seguridad ng ating mga kababayan doon sa Kuwait, oo, pero dapat higit pa doon hindi lamang pag-ban, pagsingil, paghiling ng DFA (Department of Foreign Affairs) sa mga representatives  at kinatawan ng Kuwaiti government  kung bakit namamaltrato iyong ating mga  kababayan doon at ano ang  ginagawa nila  para mapanagot ang mga gumagawa noon at para mapigilan ito sa mga darating na panahon. Hindi dapat tumigil sa simpleng ban lamang o pagpapauwi. Dapat papanagutin diyan ‘yung mga Kuwaiti nationals diyan na gumagawa niyan sa ating mga kababayan. Nais kong marinig ang aksyon na gagawin at kung meron man ang Kuwaiti government sa bagay na iyan.

Q: Pero Sir, ang issue ay ngayon ay papaano ang gagawin sa mawawalan ng mga trabaho?

CHIZ:  Issue naman palagi ‘yon sa sinumang OFW pero sinumang bansa, sinumang pangulo, sinumang ama sa isang pamilya marapat na dapat bigyang proteksyon at pangangalaga ang ating mga kababayan. Saan man sila matagpuan kung anak mo man ang nandoon, gugustuhin mo bang ma-exposed sa ganyang uri ng sitwasyon?  Kaya nga hinihiling ko, magkaroon ng pag-uusap at settlement ang gobyerno natin at Kuwaiti government kung paano ito iha-handle at paano mapananagot iyong mga gumawa  niyan at paano maiwasan na mangyari itong muli sa sino mang madedeploy muli kung bubuksan man iyan muli ng pangulo.