RADIO

DOBOL A SA DOBOL B

STATION: DZBB

ANCHORS: ARNOLD CLAVIO AND ALI SOTTO

ARNOLD CLAVIO (AC): Senator Chiz Escudero, si Igan at Ali po, magandang umaga.

SENATOR CHIZ ESCUDERO (CHIZ): Igan, Ali, Magandang Umaga sa inyo. Sa ating listeners, good morning.

AC: Mangangamusta lang ako kasi alam ko iimbestigahan mo si COMELEC Chairman Andy Bautista kung hindi siya naimpeach. Ngayon tuluyan nang nabasura tapos effective immediately.

ALI SOTTO (AS): Pero tuloy pa rin ba?

AC: Ano ba ‘yung mga nakalap na ng technical working group ng komite mo. ‘Yun nga tanong ni Ali, tutuloy ba ng komite mo ‘yung pag-imbestiga? Kasi in aid of legislation mukhang may mga violation ba itong si Chairman Andy, Senador?

CHIZ: Ang nag-file ng resolusyon Igan, Ali si Senator Lacson at Senator Sotto. ‘Yun ang naging kasunduan namin ang (inaudible) ‘yung impeachment na itutuloy ko lamang ito kung madi-dismiss na ng tuluyan ‘yung impeachment complaint na siya na ngang naging pasya ng House. Malamang ire-resume namin ang pagdinig pagresume ng Senado itong darating na Nobyembre.

AC: Nobyembre.

AS: Ano ‘yung ano, tutal kayo na ho ang magpaliwanag kasi na ‘yung hindi porke’t nag-resign na siya ay lusaw na ‘yun, ngayon na siya ay citizen Andy Bautista na, hindi ibig sabihin na hindi niya panananagutan kung meron siyang dapat panagutan?

AC: Wala na siyang immunity rin.

CHIZ: Ayon sa Korte Suprema, sa kaso ni dating Pangulong Erap Estrada, ang sabi ng Korte Suprema hindi porke’t nag-resign siya, hindi porke’t naantala ang impeachment dahil sa pag walk-out ng prosecutors nun, hindi nangangahulugang wala na siyang pananagutan. Dahil ang layunin lang naman ng impeachment ay tanggalin sa pwesto ang nakaupong opisyal. Sa totoo lang may dagdag pang teyorya ang mga manunulat. Sinasabi nila, hindi porke’t nag-resign ay dapat ipadismiss na ‘yung impeachment dahil kaakibat ng parusang pagtanggal kung ikaw ay mauwi sa impeachment ay yung parusang absolute perpetual disqualification to hold public office. Ngayon porket nag-resign siya, ‘di ‘yung dagdag parusa kung saka-sakaling mapapatunayang guilty siya, hindi na siya pwedeng tumanggap o tanggapin sa anumang pwesto sa pamahalaan, appointed man o halal, parang mababalewala na ‘yun. Pero wala pang sumusuporta sa desisyon ng korte kaugnay sa bagay na ‘yan at panahon na ‘yan.

AC: OK. Pero Senador, bilang chairman ng Committee on Banks, ‘yung mga naunang impormasyon like ‘yung ibang mga naipon daw niya o pera ay nilagay sa isang tinatawag na Luzon Development Bank na hindi siya major bank institution, pwede ba ‘yun na pati ‘yung mga dollar account ay doon nakadeposito?

CHIZ: Ilang katanungan ang dapat masagot at mapaliwanag Igan. Tama ka, isa yun.  Ang Luzon Development Bank ay hindi gaanong kalakihang bangko. Pero hindi ko naman sila minamaliit. Ang kabuuang assets nila ay  mahigit kumulang o deposito humigit kumulang Php5-B. Ang problemang unang nakita namin bago namin bago ang  pagdinig, ‘pag pinagsama mo ‘yung mga account ni Chairman Bautista at pinagsama mo ‘yung mga account ng PCGG sequestered corporation na nasa ilalim niya noon nung siya ay PCGG chair,  humigit kumulang 60% hanggang 70% na perang nakadeposito sa Luzon Development Bank ay galing sa kanila lamang na parehong kontrolado ni Chairman Bautista.

AC: Teka, pwede ho ba yung sequestered account sa pangalan po ni Chairman?

CHIZ: Ano ‘yun Igan, sorry?

AC: ‘Yung ibang sequestered account na binabanggit pwedeng i-deposito sa isang kagaya ng bangko na ‘yun na hindi kalakihan?

CHIZ: Well, malaking kuwestiyon iyan. Sinabi rin ng NBI iyan sa pagdinig namin dahil sang-ayon sa mga regulasyon, rules at administrative ng BSP at ng Department of Finance dapat lahat ng assets ng pamahalaan ay i-deposito sa government bank. Kung wala ay doon lamang kailangan ideposito sa private banks.  Maliwanag naman na sa Metro Manila na napakaraming branches ng DBP at Landbank. At doon dapat nakadeposito iyan. Sa katunayan, bilang katibayan noon inilagay lang naman ang mga deposito ng sequester corporations ng PCGG noong naupo si Chairman Bautista at ng mapalitan siya tinanggal din agad iyon ng pumalit sa kanya at inilagay na sa government depository bank.

AC: Iyon ang dapat talaga simula pa lamang ‘di ba, hindi dapat sa Luzon?

CHIZ:  Dapat naman talaga government depository bank para mula sa isang bulsa pabalik sa isang bulsa lamang ng gobyerno iyong interes at anumang kita mula doon sa pera niya.

AS: We are talking about huge amount of money, assets. Kapag ganyan ba hindi ini-invest para lumago, walang ganoong factor?

CHIZ: Depende. Kasi, kung hindi ito sequestered corporation at ang mandato lamang ng PCGG ay i-maintain iyong asset at huwag ma-dissipate iyong asset. So, OK lang naman na ideposito basta iyong kita nga ay mapupunta doon sa sequester corporation at ideally ang pera ay magagamit din ng gobyerno din.

AS: Tutal ito ay of course, in aid of legislation. What are we looking at? Bagong panukalang batas o amyenda sa batas, what are we looking at Senator?

CHIZ: Chairman of bank (inaudible) nai-file iyan sa aming komite. Tinitingnan namin ay mga panibagong batas kaugnay sa pag-supervise ng mga bangko at pagkakaroon ng mahigit 40 accounts ng iisang tao. Dahil maliwanag ang intensyon o balakin kung gagawa ka ng ganyan ay malamang sa malamang ay hindi iyon  ang purpose mo dahil bakit ka magkakaroon, Ali, halimbawa Igan ng 40 accounts sa iisang bangko?

AS: At saka ano ang ceiling price?

AC: Php500,000?

AS: Para under the radar ka? Php500,000?

AC: Sa kanya parang Php400,000 ng Php400,000 yata.

CHIZ:  Iyon maliwanag na paglabag sa AMLC ang bangko mismo dahil bagaman below Php500,000 ang deposito kung extra-ordinary pa rin at sunod-sunod maliwanag ang intensyon na gustong nilang ma-circumvent iyong AMLC dapat nire-red flag pa rin nila iyon.

AS: But is not black and white sa batas?

CHIZ: Well, nasa black and white ng batas iyan. Any suspicious transactions given na if it’s below Php500,0000 must be reported  by the bank. Pero, siyempre sasabihin ng bangko, kilala namin ito, mabait ito. Matino ito, may integridad ito kaya hindi namin inire-report.

AC: OK. Kumusta na iyong ginagamit din ng Casino?

CHIZ: Amendment sa batas iyon na ipinasa namin nitong nagdaang taon lamang, Igan, Ali. In compliance sa FATF at saka (inaudible) ng Anti Money Laundering Council sa buong mundo para macover na ang mga casino.  Bagaman mas mataas ang threshold, I think Php5-M yata ang threshold hindi tulad sa ibang bansa na Php500,000 lamang. Ang importanteng mahalagang hakbang ay nacover na ang mga casino bugso ng Bangladesh incident dito sa ating bansa. sa katunayan, kinilala tayo ng FATF sa pagpasa ng batas at kinilala tayo mula sa tinatawag na gray list dahil sa batas na pinasa natin.

 AC: So, ‘yung mga natuklasan ng committee mo tuloy ba ang imbestigasyon at mapapatawag niyo ba si Chairman Bautista kahit nag resign siya  at immediately  tinanggap na ng Malacanang?

CHIZ: Tuloy pa rin yung  imbestigasyon  gaya ng sinabi ko at ang pagpapatawag sa kanya mag dedepende dun sa  mga may akda  ng resolusyon at sinumang miyembro  maaring hingin ang kanyang presensya. Mas madali siyang ipatawag ngayon dahil pribadong mamayan na siya.

AS: Sino ang may legal personality na maghain ng mga  kaso laban sa kanya ngayon na siya ay sibilyan na?

CHIZ: Ang kasong corruption people of the Philippines as agreed party so kahit sino pwedeng maghain ng kaso laban sa kanya for violation of either the Anti-Graft Law or the Plunder  Law hindi yan limitado sa tao lang niya o sinumang malapit sa kanya  dahil ang limitasyon ng asawa lamang o biktima lang ang pwedeng mag file puro may kinalaman sa sexual na mga krimen kabilang na ang  Concubinage Adultery,  Abduction, Rape, Acts of  Lasciviousness, ‘yun lamang ‘yung mga private crimes na tinatawag natin na ‘yung biktima lamang ang pwedeng maghain ng kaso. Sa kaso ng corruption kahit na sino pwedeng magsampa ng kaso.

AS: Kahit na sino ang merong legal personality. ‘Yung dun sa punto  nung ano ‘yung referral fee kasi ‘yung part ng kanyang pinanghahawakan na pera  ang eksplikasyon niya dun  ay ‘yung sinasabi ni Patricia di ba na referral fee dun sa law firm ni Dean Nilo  Divina.

CHIZ: Malabo ‘yun dahil ‘pag may referral fee ibig sabihin bahagi ka nung firm at bawal mag practice ang COMELEC chairman. Pangalawa, hindi totoo ‘yung sinasabi niya na walang kaso ‘yung Divina Law sa COMELEC dahil kung maaalala niyo  ang naghain mismo ng disqualification case laban kay Senator Grace (Poe) noong tumatakbo siyang pangulo ay isa sa mga partners ng Divina Law Office.

AC: Ganoon ba?  OK, speaking of corruption may ugong-ugong sa  Senado na –

AS: Teka baka hindi maangguluhan ‘yun na ano ‘to –

AC:  Oo nga baka gumaganti lang.

CHIZ: Hindi naman kami ang naghain ng resolusyon ang naghain ng resolusyon ay si Senator Lacson at Senator Sotto.

AC: Senador, paki kumpirma may ugong-ugong daw na muling buksan  ang imbestigasyon  kaugnay ng PDAF at DAP?

CHIZ: Matagal nang iniimbestigahan ‘yan ng DOJ mula ng naupo si Sec. Aguirre. Personally, ako matagal ko ng gustong muling buksan ‘yan para dun sa mga  naiwan pang  Napoles at dun sa mga hindi involve si Napoles  dahil mas malaki yun Igan dahil kung maaala niyo Igan, Ali humigit kumulang Php14-16-B ang kabuuang  inimbestigahang PDAF Scam ng COA. ‘Yung kay Napoles ay Php6-B lamang so ‘yung mas malaking bahagi ng Php6-8-B ay hindi pa po nasasampahan ng kaso.

AC: ‘Yun na nga ‘yung sinasabi namin kanina pa. Ano na ang nangyayari’t nagkakalimutan na lang? ‘Di ba? ‘Yung accountability ng mga government official na ‘yan.

CHIZ: Well, lahat ‘yan ay nasa record. Sana lang ay maging patas ang administrasyon dahil siyempre maski na sino ang bagong administrasyon Igan, Ali biglang lahat kakampi dun. ‘Di ba ‘yung PDP-Laban kung maalala mo ang nanalong PDP-Laban laban sa Senado ay si Senator Koko (Pimentel) lang.

AC: Ngayon?

CHIZ: Ang nanalong PDP laban sa Kamara dalawa lang.

AC: Ngayon?

CHIZ: Si Alvarez. Ngayon daan-daan na.

AC: Ikaw ba?

CHIZ: Sana maging patas.

AS: Ikaw ba? (laughs)

AC:  Ikaw ba, ikaw ba manunumpa ka?

CHIZ: Wala akong balak Igan, Ali. (laughs)

AC:  OK. Maligaya na siya sa ano.

CHIZ: So sana maging patas at parehas ka-partido man o hindi, kakampi man o hindi iisa lang ang pananagutan, pananagutan natin lahat.

AC: May resolution ba sa Senate to reinvestigate or to reopen itong PDAF at DAP?

CHIZ: Pinapangunahan na ‘yan ng DOJ, iniintay ko lamang yung findings nila kung meron man. Ang problema ko kasi Igan, Ali –

AC: Oo.

CHIZ: Lahat ng dokumento pati ‘yung dagdag na impormasyon galing kay Napoles ay tinurnover lahat sa DOJ at sila ang may hawak po niyan ngayon.

AC: Kasi ‘yung iba ay nandiyan pa sa Senado, ‘di ba? ‘Yung nadadamay?

CHIZ: Opo, pero wala kasi akong hawak na dokumento kahit magpaimbestiga ako wala din naman tatanungin ko rin sa DOJ.

AC: OK. May balita akong nagpagawa ng bagong mga ano ‘yun sa Impeachment Court, isa ka ba dun?

AS: Robe? Nagpagawa ka ng robe?

AC: May nagpagawa raw ng mga bagong robe, akala –

AS:  Tuloy ang impeachment.

AC: Matutuloy ‘yung kay Chairman.

AS: Meron pa, meron pa namang coming, ‘di ba?

AC: Ay oo nga pala.

CHIZ: May dati pa ako. May dati pa ako Igan, Ali. Sinukat ko na kasya pa.

AC: (laughs)

AS:  Kasya pa.