RADIO

GARANTISADONG BALITA

STATION: DZMM

ANCHOR: GERRY BAJA

GERRY BAJA (GB): Senator Chiz Escudero, magandang umaga.

SENATOR CHIZ ESCUDERO (CHIZ): Gerry, magandang umaga sa iyo at sa lahat ng ating listeners, magandang umaga.

GB: Nasa Bicol ho ba kayo ngayon, Senator?

CHIZ: Nasa Maynila, Gerry.

GB: Doon daw ay merong pag-ulan ulan na nararanasan dahil sa Inter-tropical Convergence Zone.

CHIZ: Actually, galing ako doon noong isang araw, maulan ulan nga ng kaunti. Kababalik ko lang kahapon ng umaga.

GB: Kaya pala parang sinisipon ka na Senator Chiz.

CHIZ: ‘Yung lamig na ‘yan dito sa Maynila, Gerry.

GB: Tama.  OK Senator, binigyan na ng notice ng DOTR (Department of Transportation) ang Busan para sa termination ng kanilang contract. Ano po ba ang reaction doon ni Senator Chiz bilang vice chair ng Committee on Public Services?

CHIZ: Matagal nang iniimbestigahan ‘yan, hindi lamang ng Senado pati ng DOTR. Simple lang naman ang batayan at basehan, ‘yung performance. Napakaraming pagkakataon na nasisiraan itong MRT natin at napeperwisyo ang mga mananakay. Sana lang huwag ulitin ng DOTR ‘yung mga pagkakamali ng nagdaang DOTR kaugnay sa pagbibigay ng maintenance contract. Halimbawa, walang pag-aaral at datos ang MRT kaugnay sa kung kailan masisira o dapat i-maintain ang mga tren base sa dami ng byahe at base sa dami ng pasahero. Alam mo Gerry, ang tren parang kotse lamang ‘yan, every 3000km, dapat mag-change oil ka. Every 10,000km dapat mag-tune up ka. Dapat ‘yung gulong, tatlong taon. ‘Yung MRT ganoon din po base sa gamit.

Ang problema, noong panahon ni dating Pangulong (Gloria) Arroyo, nagulo-gulo ‘yan. Biglang nag-order ang DOTR noon na damihan ang byahe ng tren, dagdagan ‘yung mga bagon para naman maserbisyuhan yung mga kababayan natin nang walang karampatang pag-aaral na ginagawa kaugnay sa – OK, kung dadagdagan natin ito gaano katagal ‘yung riles ng tren. Kung dadagdagan natin ng byahe, gaano katagal tatagal ‘yung bagon natin. Nawala na ‘yung ganoon at hanggang ngayon sa aking pag-aaral, wala pa ring datos ang DOTR kaugnay niyan at pangalawa, dapat mahaba-haba ‘yung kontrata ng maintenance provider dahil hindi naman off the shelf, ika nga, ‘yung piyesa niyan. (inaudible) ‘yung mga piyesa niyan sa tren na ginagamit natin. ‘Yang Busan, halimbawa, nag-manufacture pa ‘yan ng spare parts. So kung isang taon lang ang ibibigay mo sa kanila para i-maintain yang MRT, bakit kami magtatago ng piyesa, ni-hindi namin alam kung kailan sila papalitan. So ‘pag may nasira, doon na lang o-order dahil hindi nila mababawi ‘yung kanilang investment kung isang taon lamang.

GB: Naku po. Sira nga, o-order pa lang. Gaano katagal ‘yun?

CHIZ: Tama ka. Ang pinakamabilis na lang na orderin Gerry mga tatlong linggo. So ‘yung lessons learned, ika nga, sa mga nagdaang administrasyon at nagdaang karanasan, dapat pagpulutan ‘yan ng aral ng kasalukuyang administrasyon.

GB: Tama. Dapat may natutunan, may leksyon, may aral sa pangyayaring ito kung saan ang naparusahan ng husto ay yung mananakay ng MRT sa araw-araw na tirik at aberya nito. Pero hindi po makakapayag ang mgakababayan natin Senator Chiz na termination of contract lang. Dapat siguro merong managot talaga dito.

CHIZ: Alam niyo, masasanay na ang sambayanan  o ang gobyerno sa ganyang uri ng sistema kung saan meron (inaudible) pero walang terminal. Maaalala ninyo ang North Rail. (inaudible) ng pamahalaan, nagbayad tayo kung hindi ako nagkakamali ng Php300-M penalty doon sa pagkansela ng kontrata ng North Rail ng nagdaang administrasyon dahil diumano sa korupsyon na nangyari o naganap sa pagpasok sa kontratang iyan pero hanggang ngayon wala pong nakakasuhan doon sa North Rail na iyon. Unang ehemplo po siguro iyon na sinasabi nating may krimen.

GB: Pero walang kriminal at hindi lang karaniwang kaso ito, Senator, mukhang plunder ho dapat ang tingnan natin na dapat na maging kaso sa mga dapat na managot dito.

CHIZ: Well, mga pangunahing dapat tingnan mga opisyal ng pamahalaan marahil sa pag-a-award at pagbibigay ng kontrata. Dahil kung ano mang kapalpakan ang (inaudible) maaring sa kakayahan nakabase ‘yun. Pero, merong katiwalian o palitan ng pera kaugnay sa pagbibigay o pag-award ng kontrata, klarong pwede at dapat managot, ‘yung opisyal ng pamahalaan.

GB: At ‘yung klase ng kaso ang magbibigay, magsisilbing babala para hindi na maulit ‘yung ganitong mga pangyayari, Senator.

CHIZ: Well, hindi lamang babala, pero sinisiguro ko maliwanag na seryoso ang pamahalaan kaugnay sa mga kontratang pinapasok ng mga ito at mataas ang kalidad ng serbisyong inaasahan mula sa mga supplier at sinumang mag-aalok ng kanilang serbisyo  sa pamahalaan.

GB: OK. Susubaybayan po natin ang mga development diyan Senator dahil may mga impormasyon na akong natanggap na mukhang may mga legal action pa ang DOTR laban diyan sa mga dating opisyal ng DOTC (Department of Transportation and Communication). Punta lang ako, Senator, dito sa narinig kong balita na binanggit daw po ninyo na mayroon kayong move para sa re-opening ng PDAF Scam investigation?

CHIZ: Inaantabayan namin ang findings ng DOJ (Department of Justice) kaugnay nito. Matagal ko na itong sinasabi Gerry. Magkasama pa yata noon pa na iyong Napoles Scam ay humigit kumulang anim na bilyon lamang out of Php12-14-B ayon sa COA (Commission on Audit) o iyong inimbestigahan ng COA. So, wala pa nga sa kalahati ang naimbestigahan at nasampahan ng kaso. Iyong kabilang kalahati hanggang ngayon ay hindi pa naiimbestigahan at bahagi iyan sa sinabi ni Sec. (Vitaliano) Aguirre na plano daw nilang gawin kaya muli nila itong bubuksan. Inaantabayanan ko lamang iyan, Gerry dahil para sa akin pangunahing trabaho iyan ng administrasyon o ng Executive branch. Kung hindi naman nila ginagawa ang kanilang trabaho marapat na dapat pasukan iyan ng Kongreso o ng Senado.

GB: Kayo ho ba ay may inihain na resolusyon para diyan, Senator?

CHIZ: Wala pa, Gerry. Ang inaantabayan nga namin ay iyong report ni DOJ Sec. Aguirre. Sa aking pagkakaalam, nitong darating na buwan ng Nobyembre, hopefully, matatapos nila ‘yun. Dahil Gerry hindi naman ako imbestigador, wala akong hawak na ni isang dokumento kaugnay noon. Sila ang may kausap kay Napoles. Sila ang may hawak ng mga dokumento kaugnay noon at kami ay nakahanda lamang na muling buksan iyon kapag nakahanda na rin sila sa mga piraso ng ebidensiya na planong ilabas.

GB: May Blue Ribbon ulit, Senator Chiz kung sakasakali?

CHIZ: Opo, Blue Ribbon po ulit iyan.

GB: Okay, Senator salamat. Magandang umaga.

CHIZ: Gerry sa muli, salamat at magandang umaga din sa inyong lahat.

GB: Si Senator Chiz Escudero, vice chairman ng Senate Committee on Public Services.