SPEECH

PASUC 50TH ANNIVERSARY AND GENERAL ASSEMBLY

LOCATION: CENTURY PARK HOTEL MANILA

Sa mga miyembro ng PASUC sa pangunguna ng inyong punong-direktiba, sa mga kinatawan ng (inaudible) ngayon, sa iba’t ibang piling bisita taus-pusong pagbati isa pong maganda at pinagpalang hapon sa inyong lahat. Good  afternoon!  It’s nice to beamong fellow educators.  Sa totoo lang, nagsimula ako sa aking karera sa public service bilang guro. Bilang teacher sa University of the Philippines na isang state college and university din.  Labin-siyam na taon akong nag-aral sa University of the Philippines mula Kinder hanggang Law.  So marahil, pareho tayo ng sirkulo o sektor na kinabibilangan.

Para sa akin, apat ang elemento ng isang estado:  tao, teritoryo, gobyerno, at kasarinlan; people, territory, government, and sovereignty.  Sa apat na ‘yan, ang pinakamahalaga para sa akin palagi ay tao.  Dapat mangibabaw ang tao sa lupain o teritoryo, dapat mangibabaw ang tao sa kasarinlan o anumang interes ng kaugnay sa kaniyang kakayahan o pagiging independent.  Dapat mas mahalaga pa rin ang tao sa gobyerno dahil binubuo ng tao ang gobyerno at nilikha ang gobyerno para sa tao.  Nabanggit at nasabi ko po at nasabi ko ‘yan para bigyan pagpapahalaga ang panibagong direksyon na tinatahak ng pamahalaan ngayon kaugnay sa pagbibigay halaga sa pinaka importanteng elemento ng estado: ang tao, ang Pilipino, ang ating mga kababayan at higit sa lahat ang kabataang Pilipino sa ngayon.

Nitong nagdaang dalawang buwan, pinasa po namin at inaasahan namin na pipirmahan ni Pangulong Duterte bago mag-SONA sa July 24, kung hindi ako nagkakamali, ang Free Tertiary Education Act na apektado o mag-aapply sa lahat ng State Universities and Colleges.  Sa kauna-unahang pagkakataon, popondohan ng pamahalaan ang tuiton and other fees na binabayaran o dapat bayaran ng mga estudyanteng nag-aaral sa mga state universities and colleges kung saan nagkakaroon o magkakaroon tayo ng power na tinatawag na paradigm shift.  Ibig sabihin po, student-centric ang free tertiary education, hindi po ito nakatuon sa mga state universities and colleges lamang.  Alam ko, may growing pains po ito.  Alam ko, may transition period na tatalakayin ko maya-maya lamang ng kaunti pero mahalaga para sa ating lahat at pangunahing dapat sa isip ng bawat isa sa atin kapakanan ng mga estudyante at yan ang nasa sentro ng batas na aming nilikha upang sa gayon matiyak na sinumang Pilipinong nais mag-aral o magtapos maari na po niyang magawa ‘yan sa pamamagitan ng anumang state university o college at sa pamamagitan ng kung anumang local college o university o tech-voc constitution na pagmamay-ari ng estado.  Layunin po naming, bigyan ng kinakailangang kapabilidad, skills at training ang sinumang nais maghanap o makakuha nito para magkaroon ng kabuluhang trabaho, upang makatulong sa kanyang pamilya, makatulong sa kanyang mahal sa buhay at higit sa lahat makatulog sa ating bansa sa hinaharap.

Ano po ba ang nakapaloob sa batas na ‘yan?  Sorry ito ‘yung binigay sa akin pack-style, boring ito alam ko pero hayaan na natin ganoon talaga ang buhay.  Ano nakapaloob sa batas na ‘yan?  Una, tinuturing na namin na parang public elementary school o public high school ang state universities and colleges.  Bakit ko po nasabi iyon?  Hindi ba ang DepEd ay elementary school?  Hindi ba DepEd ay high school? Nagpi-presenta ng budget sa Kongreso, nagbibigay ang Kongreso ng pondo para sa kanila.  Ayon sa Saligang-Batas wala dapat bayaran ang isang estudyante sa public elementary o public high school.  Gobyerno ang dapat na tumutustus diyan.  Sino ba ang nagpapagawa ng mga elementary schools o high schools na school buildings?  Gobyerno pa rin po sa katunayan, kada taon pinapagawa o nagpapagawa ang gobyerno nang humigit-kumulang na 8,000 hanggang 15,000 classrooms kada taon.  Gobyerno din ang nagbabayad ng sweldo ng mga teachers sa elementary at sa high school. Pagdating sa state universities and colleges, ang pagkakaiba po lamang ay ito: mas independent dahil may sariling charter ang kada SUC.  May karapatan at kapangyarihan kayong mag-raise ng sarili niyong pondo, mag-charge sa iba’t ibang pwedeng pagkakakitaan ng SUC.  Hindi tulad ng public elementary and high schools na talagang nakaasa po lamang sa pamahalaan o pondo ng pamahalaan.  Pero pagdating sa ibang gastusin, gobyerno lang ang dapat sumagot at managot po niyan.

Kung pipirmahan ni Pangulong Duterte itong buwan na ito, magkakaroon po tayo ng transition period.  Ayon sa intensyon ng batas dapat mag-apply na po ito ngayong darating na second semester.  Karamihan naman po sa inyo magsisimula ang second semester sa Oktubre, ‘di ba?  Mag-aapply po ito October o second semester o January naman ang second semester na pinaiiral o umiiral sa inyong mga paaralan.  Meron po kaming in-allocate na pondo humigit-kumulang Php8.3-B.  Php300,000 para sa medical schools, Php8-B para sa state universities and colleges pero para lamang sana iyong sa tuition fee at hindi pa po kasama ang other fees.  So ano pong mangyayari pagdating ng Oktubre?  Ulitin ko ho ha, kung pirmahan ni Digong ‘yan at hindi ibi-veto ha?

Ano ho ang mangyayari ngayong Oktubre? Malamang sa malamang, sapat ‘yung Php8-B para sa second semester na October, ‘yung balanseng magsisimula ng January sa budget na po ‘yun ng 2018. Kung kulang man po ‘yon dahil isinama namin ang other fees at hindi tuition fee lamang, ‘yung Php8-B ang computation po namin dun pang-tuition fee lamang pero dahil sinama narin namin ang other fees, posibleng kumulang ‘yon depende sa isusumite ninyong enrollment sa ngayon na pinasubmit na po yata kayo, tama ba? Nagsubmit na ang karamihan. Kung kulang man ‘yon, magiging accounts payable po ‘yan at ikakarga sa budget ng 2018. So, marahil may kaunting delay lang po. Ngayon, marahil may kaunting confusion kaugnay po dito dahil ‘yung General Appropriations Act ng 2017, ang nakalagay po lamang doon libre lamang ang tuition fee at ang pondo ay Php8-B lamang. Mag-aapply po iyon sa first semester ng 2017, ibig sabihin itong Hunyo, nagkokolekta naman po siguro kayo ng tuition fee ngayon. Itong Hunyo, pwede pa kayong magkolekta ng other fees, sagot na dapat ng gobyerno ang tuition fee, at pag napirmahan na ni Pangulong Duterte ‘yon, pagdating ng second semester, tuition ang other fees na at bawal na po kayong maningil sa estudyante.

Pangalawang feature ng Free Tertiary Education Act, iiklian ko lang ho ito para mag-open forum tayo ng kaunti mamaya. Ano pa ang ibang feature ng Free Tertiary Education Bill? Maliban sa libre ang state universities and colleges na tuition fee and other fees, sinaklaw din po namin ang local universities and colleges basta accredited po sila ng CHED. Ayon po sa aming datos, merong humigit kumulang 300,000 local universities and colleges, subalit sa 300,000 ‘yan 40 lamang o kulang-kulang 50 ang accredited ng CHED. So, sila lamang po ang magka-qualify. Covered din po ang TechVoc institutions na pag-aari ng gobyerno, hindi covered ang private.

Siguro ang tanong ng marami, tamang-tama katabi ko si Father, magpapaliwanag na ako dito sa entablado. Paano naman ‘yung nag-aaral sa private school? Ang karapatan lang bang binibigay natin sa mahirap na Pilipino na makapagaral ay sa state university and college lamang? Wala na bang karapatan ang mahirap? Wala na bang karapatan, halimbawa, ang anak ng kargador o nagtutulak ng kariton na makapagaral sa Ateneo, Makapagaral sa LaSalle, o sa kung saan mang eskwelehang pinapangarap niyang makapagaral. Posible at pwede po. Naglagay po kami ng pondo rin na ang tawag namin ay TES, Tertiary Education Subsidy. Papasok po dito sa TES ang tuition fee, ang other fees para sa private schools. Kung mahirap talaga ‘yung estudyante, tuition and other fees lang ang binabayaran natin. Paano naman ‘yung pamasahe niya? Paano naman yung board and lodging niya? Paano naman ‘yung ibang gastusin sa eskwelahan? Pwede rin po siyang mag-apply maski po naka-enroll siya sa public o private tertiary education, pwede siyang mag-apply ng grant galing sa TES. Grant para mabigyan siya in whole o in part ng tuition ang other fees para sa private school, ng board and lodging, transportation, or other school expenses mula sa estado. Ito po ay grant at libre.

Maliban doon at kung kulang pa ‘yon, sa ilalim ng pinatatag naming UNIFAST. Ibig sabihin ko po ng pinatatag nilagyan na po namin ng pondo, dati kasi drawing lang. Sa pinatatag na UNIFAST, kung hindi kayo saklaw ng free tertiary education, hindi kayo naaprubahan sa grant sa ilalim ng TES, o hindi naibigay lahat sa TES, pwede naman po kayong mag-apply ng loan sa pamamagitan ng UNIFAST para tugunan ang anumang pagkukulang na kinakailangan ninyo para magastusan at matutusan ang pagiging estudyante sa pampribado o pampublikong paaralan man. Ito ay loan, babayaran po ito, at dahil nagkakaproblema kami sa pagbabayad ng loan, halos wala hong nagbabayad, mage-eksperimento po kami ng bago, ginawa naming miyembro na ng UNIFAST board ang GSIS at SSS dahil kung ikaw man ay makapagtapos, magtatrabaho ka sa pampubliko o sa pribadong sektor. Dalawang bagay po lamang ‘yon, so ang deduction o pagbabayad ay kukunin sa pamamagitan po ng SSS at ng GSIS depende kung saan siya magtatrabaho o mag-aapply matapos po niyang maggraduate. Sana sa pamamagitan nun, magbayad na. Hindi naman po dahil naniningil kami, para maikot po ‘yung programa. Hindi naman kasi balon na walang katapusan ang pondo ng gobyerno. May hangganan po lahat ‘yan. In fact, governance, according to one political analyst, that we’re simply allocating scarce resources. If government or if any sitting president is able to allocate scarce resources then he would have governed properly. So, sinusubukan po naming patama-tamain ‘yung pondo, parang ginagawa po ninyo sa inyong mga tahanan at bahay, bina-budget din po namin para patama-tamain. May uunahing mas importanteng gastusin, kung pwedeng mag-revolve o kumita yung pera edi mas maganda, tulad po ng paggamit ng loan program sa ilalim ng UNIFAST.  Ang kabuuan pong budget para po sa Free Tertiary Education Bill, sa lahat po ng binanggit ko ay humigit-kumulang Php58-B.  Maari pong isipin po ninyo na malaki po iyon. Kinumpyut na po namin ang ginagastos ng gobyerno sa ngayon sa kasalukuyang budget sa 2017. Humigit kumulang Php38-B ang ginagastos sa iba’t-ibang uri ng scholarship at mga grant na ibinibigay ng pamahalaan. Ang hinahanap na lamang po natin ay Php20-B. Sa Php3.6-T na budget, 10% ay Php360-B. Php58-B lamang ito o sixty Php60-B – i-round-off na po natin. That is only one-sixth of 10% of the budget. Wala pa nga po siyang 2% ng National Budget.

Kung babalikan po natin ang sinabi ko kanina, sa apat na elemento ng estado: tao,teritoryo, kasarinlan, at gobyerno. Kung totoong bibigyan natin ng pagpapahalaga ang tao, hindi naman siguro tayo dapat magkuripot sa halagang wala pang 2% ng kabuuang National Budget para tayaan at gastusan natin ang number one resource ng ating bansa –  and that is our people.

Naiinggit ako sa ibang bansa, sa totoo lang. Malayong-malayo ang tingin nila sa kanilang pagpaplano sa kanilang bansa. Halimbawa po, alam ninyo ba na ang Singapore, napakaliit na bansa pero napakayaman. Dahil maliit sila, nag-aral at pinag-aralan nila kung ano ba talaga ang dapat na ginagawa nila, imbes na umasa sa ibang tao. Isang halimbawa na ginawa ng Singapore kaugnay ng edukasyon, pinag-aralan nila ang isang bagay na magbibigay sa kanila ng comparative advantage.  Ito po ang tinatawag nilang ‘student dollars.’ Ano po ang ibig sabihin ng student dollars? Ito po ang mga perang  ginagastos ng mga estudyante kapag sila ay nag-aaral sa ibayong dagat o sa ibang bansa. Halimbawa, nag-aral ka sa Harvard, ‘di siyempre habang nandoon ka ay titira ka sa isang bahay, bibili ka ng grocery, may mga bibilhin ka pa para sa pansarili mong pangangailangan. Student dollars ang tinarget nila. Ano ang ginawa ng Singapore? Niyaya nila ang mga sikat at bantog na mga paaralan sa Amerika at Europa libre lahat para magtayo ng paaralan at eskuwelahan o branch sa Singapore. Tinarget nila ang mayayamang anak ng mga negosyante sa Asya. Sabi nila, imbes na ipadala pa ninyo ang anak ninyo sa Europa o sa Amerika na napakalayo at napakamahal kung pupuntahan ninyo, dito ninyo na lamang ipadala sa Singapore. Ligtas, malapit at pareho din naman ang diploma. Singapore branch nga lang o Singapore campus nga lang. They did that approximately ten years ago and they have been very successful in attracting so far as what we called in ‘student dollars’ to be spent in Singapore. So, kumbaga kapag nag-medical tourism, dati kasi ang tourism puro beach lang ang tanawin, nagkaroon na nang medical tourism. Ngayon mayroon nang ibang klase ng turismo na nadiskubre din nila ten years ago kaugnay sa mga estudyante.

Tayo po kabaligtaran. Noon nagpupunta ang mga Chinese national at Korean nationals dito para mag-aral ng Ingles.  Ngayon ang ginagawa na lamang po nila, inaangkat nila ang mga English teachers natin para magturo doon sa Korea, doon sa China.  Imbes na gumastos ang mga Korean at Chinese nationals ng student dollars, ika nga dito, gumagastos ng ‘teacher dollars’ ang mga Pilipino doon sa Korea at doon sa China. Malaking kawalan kung isisipin at kung maari ay kusa na nga lang ating tutukan iyon ng sa gayon ay maaakit natin ang mga tao dito na makapag-aral. Kaugnay pa rin ng programang ito ng Singapore, inaalok nila ang best of the brightest graduates mula sa mga paaralang ito para magtrabaho sa mga pribadong kumpanya sa Singapore o hindi man ay kasama na rin gobyerno dahil nasasala nila. Inaalok nila ng citizenship iyong estudyanteng magaling para doon na lamang mamalagi at maging mamamayan ng Singapore. Magtrabaho man sa gobyerno o magtrabaho man sa pribadong sektor. Ganoong uri at klase ang kanilang pananaw at pagpaplano kaugnay sa sektor ng edukasyon at kaugnay ng kanilang ekonomiya na sana sa hindi malayong hinaharap ay marating din po natin.

Isang bagay lamang po ang nais kong sabihin, sa parte po ng mga state universities at colleges ngayon na libre na nga, ika nga, ang tuition and other fees, sana pag-ibayuhin po ninyo dahil ang sunod na hamon na kakaharapin po natin ay de-kalidad na edukasyon. Quality education for all students who enrolled in your respective schools. Hiling at dalangin ko na sana hindi porke’t madaling kumolekta ng tuition fees dahil galing nga sa gobyerno iyan. Sana ay mas pag-ibayuhin pa ninyo ang tabahong ginagampanan ninyo bilang mga administrador, bilang mga guro at teachers sa paghubog ng kaisipan, nang kalinangan at kaalaman ng kabataang Pilipino. Dahil uulitin ko, sila ang puhunan at tunay na puhunan ng ating bansa. Mayroon tayong papel na dapat gampanan kaugnay sa paghubog ng kanilang mga isip at sana ito ay magampanan ng bawat isa sa inyo. May isa po pala akong babanggitin. Ngayon na manggagaling na sa gobyerno ang mga tuition and other fees. Kung maaaprubahan itong bill na ito at pipirmahan ni Pangulong Duterte, pag-aralan ninyo ng husto ang pagkonsulta sa magagaling o marurunong o dalubhasang financial analyst.  Marami po sa inyo ang alam ko malaki at marami pa ang savings na itinatago dahil takot kayo na baka next year babaan ng gobyerno ang pondo. Mabuti nalang may subi, buti na lang may tabi para sa panahon ng pangangailangan magastos ito. Kumonsulta sana kayo o hindi man humingi kayo ng tulong sa CHED para mabigyan kayo ng ng tamang payo kaugnay nito.

Sa simpleng dahilan, ang computer this year mas mura kaysa sa computer next year. Ang school building o dagdag na palapag na building ay mas mura kung ipapagawa ninyo this year kaysa next year dahil lamang sa inflation, dahil lamang sa pagtataas ng presyo. Kung may ROI naman kayong makukuha mula sa paggastos ng perang ‘yan na mas malaki ang balik o bawi kaysa sa interes na kinikita ng perang savings ninyo sa bangko, marahil magandang suriin at pag-aralan kung saan nga ba mas magandang magamit ang perang ito. Hindi para ubusin, para tiyakin na yung pera ay may tamang balik, narere-invest at lumalago o lumalaki.

Ayon sa batas, karamihan po sa inyo hindi man lahat ay pwedeng mag-venture sa iba’t-ibang uri ng pwedeng pagkakitaan. Hindi nga tulad ng DepEd, elementary at high school na bawal po sila. Ang pinakaginagawa ng DepEd Elementary and Highschools, nag gugulayan doon sa likod at marahil binebenta ang gulay sa estudyante o kung saan man. Pero ang state universities and colleges, mas malawak ang kapangyarihan at kakayahan na magkaroon ng ibang pagkakakitaan. Sana ito’y ma-maximize rin po ninyo at hindi simpleng nakaasa lamang doon sa subsidy, doon sa tuitions and other fees na ibibigay ng gobyerno. Para naman mas mapag-ibayo pa ninyo ang inyong mga serbisyo.

Kaugnay sa aking panunungkulan bilang chairman ng Committee on Education sa Senado, gagamitin ko na rin ang pagkakataong ito unang upo ko I think that was board meeting of MSU, inaabutan po ako ng envelop ng isang staff o secretary ng CHED, sabi ko, ‘Ano ‘yan?’ ‘Sir, sa inyo.’ Sabi ko, ‘Ano nga ‘yan?’ ‘Sir, sa inyo nga.’. Nang binuksan ko may Php4,000 o Php5,000. Kaya ang tanong ko sa kanya, bakit ito lang?  Biro lang. I wrote, I think I wrote almost all SUCs na sinuman ang kinatawan ko ay hindi dapat tumanggap lalo na ako ‘yung tatanggap. At hiniling ko na rin kay Chair Licuanan na marapat at dapat wala nang ibigay ang mga SUC sa mga CHED commissioners dahil ‘yung meeting naman nandun. Nandoon naman sa opisina nila, hindi naman siguro sila dapat kumuha pa din. Pangalawa, yung mga government representatives, DBM man o NEDA, alam ko iba-iba ang charter ng ilan.   Bahagi at kasama doon ang trabahong ganyan, sa totoo lang iniiwas ko sila sa peligro.

Alam niyo ba yung tatay ko dating secretary of Agriculture. Bilang secretary ng Agriculture, ex-officio siya ng Philippine Fertilizer and Pesticide Authority, Namatay siya noong 2012, last year pinadalhan pa ako ng sulat ng COA at sinisingil ‘yung Php1,500 na honorarium na tinaggap niya bilang chairman ng Pesticide Authority dahil ayon sa COA, bawal at hindi tama na tumanggap ng honorarium ang sinumang opisyal ng gobyerno, senador, congressman, CHED, NEDA o DBM man mula sa pagganap sa kanilang tungkulin. Ngayon, ‘yung mga representative ng private sector, marahil ‘yun sige, nasa sa inyo na ‘yun. Pero hiniling ko na sana maglabas ng opisyal na posisyon ang CHED na wag na dapat bigyan at hindi na rin dapat tumanggap ang sinumang opisyal ng gobyerno na umuupo sa board ng lahat ng state universities and colleges. Hindi man po ganoong kalaki yung pondong pinag-uusapan natin, mas prinsipyo yung pinaglalaban ko dito dahil hindi tama na may tinatanggap ang sinumang opisyal mula sa kapwa niya o kapatid niya na nanunungkulan o naninilbihan sa pamahalaan.

Tulad ho ng pangako ko, meron pa akong five minutes para sa open forum sana hindi tungkol sa Free Tertiary Education. Sana tungkol sa pag-ibig at ibang bagay para naman mas exciting naman ang topic. I have fiv eminutes for open forum, for anyone who might want to ask anything under the sun.   Sorry, I’ve been delivering speeches for the past nineteen years and I’m quite almost fed up with it. I’d rather hear from you and be able to learn from you and perhaps answer some of the questions you have whether about Free Tertiary Education or anything about the government and anything under sun.

MODERATOR (M): Thank you Senator Chiz. We would like to invite anyone to ask questions and address it to our Speaker. Anyone from the audience? Please say your name, your position and the univiersity you come from.  This is our opportunity to engage with Senator Chiz, please feel free to ask questions.

QUESTION (Q): Good afternoon, Senator. Fellow participants, Good afternoon, (inaudible) House of Representatives, thank you so much senator for this especially (inaudible) for honor students especially at the (inaudible). We are very happy for those who are coming and for those who are continuing and then those who are not graduating with thousands of accounts with many of our state universities and colleges. How can these young men and women go out and work after his graduation, when they cannot get their liquidations considering that they have so much account with all of us (inaudible). For the SUCs presidents and all the other officials thank you for letting them continue their education upto this time and after this school year graduation by March or whenever according to your school calendar.Thank you so much Senator for the assistance, for this set of graduating students.

SENATOR CHIZ ESCUDERO (CHIZ): Thank you, Ma’am.  The law and its perspective in this application it is not retroactive. Ibig sabihin mag-aapply pa nga lang po sa second semester ‘yung application ng first sem is only on tuition fee. Iyong bago ho noon may bayad-bayad ho talaga iyon. But having said that, can you ask CHED or someone to kindly compile it? Ganoon ba kalaki? For example iyong school Ma’am, ilan ang accounts payable ng graduating students o non-incumbent or from first to fourth year iyong hindi pa nakakabayad? Malaki rin po, mga magkano po, Ma’am, in your school in your school.

Q: Senator, I do not have the accounts of these students but I can site one. That it can be more than Php50,000 just to a single student.

CHIZ: Ano po iyon, Ma’am? How many students are we talking about? If you do not know the figures kindly compile it from each school? Gamitin ninyo na po ang pagkakataon na ito para i-combine iyong datos o kung hindi man magkaroon ng pamamaraan at sistema kung paano ma-comply iyong datos. Dahil kung hindi naman po gaanong kalakihan ang halaga at nang hindi naman kayo makuba doon sa accounts payable. Hindi naman ho makuba iyong estudyante sa pagbabayad noon. At least, insofar as they’re concerned, iyong mga enrolled pa rin, hindi na ho talaga kasama iyong graduate para ikumpara, iyong mga enrolled pa rin. Baka saka-sakali kung ma-consider na  accounts payable din ng gobyerno kung may sobra. I am confident Ma’am, you know why? Last year in 2016, I got the budget of Php3.2-T. Government was not able to spend Php1-T. That is nearly one-third of the National Budget that they did not spend. Para sa akin, krimen iyon, kasi may pera naman pala bakit hindi ginastos at ibinigay at pinakinabangan ng tao. Ngayon kung hindi lang nila kayang gastusin, edi pwede ba gastusin natin doon sa marunong gumastos? Kasi iyong absorptive capacity po ng gobyerno ay hindi pa ganoon kataas, so depende iyon how much the total. Because if you do it for one, we have to do it for all. So depende ho kung magkano iyong total. Hindi ho porket kayo na ang nagtanong kayo lang ang babayaran naming.

Q: Thank you so much, Senator, and, so hopefully, iyong sa prospective at least your group can think of something that all of that accounts can already –

CHIZ: Consolidated, Ma’am.

Q: : Thank you so much.

CHIZ: Consolidated, Ma’am, and kindly submit it to my office.

M: Thank you. Anymore questions from the participants of this assembly? Some more questions? Yes, President Mallaren?

Q: Magandang hapon po sa ating kagalang-galang na Senator. Kumusta po ang love life ninyo, Sir?

ESCUDERO: Mabuti naman po. Nasa Paris iyong asawa ko ngayon. Wala pa kaming anak, nagpapa-practice pa lang ho kami.

Q: Hindi po natin isasama iyan ng training ng mga PASUCs presidents. So anyway Sir, ito pong tanong na ito ay natanong na rin namin sa CHED noong kami ay nagkaroon ng orientation pero hindi po kami nakakuha ng malinaw na kasagutan kaya ayaw ko man itanong ay napilitan na po ako.  May mga estudyante po ako na magiging irregulars. Meaning, ito iyong mga na-transfer noon o dahil sa kahirapan ng buhay, bumagsak sa ibang subjects nila. So itong mga subjects na ito ay hindi offered ng second sem, for example, or hindi open ng first sem, for example, so ire-request po nila so iyong request nilang iyan, nangangahulugan na ang mga special class. Ang tawag po natin diyan ay special class, kaya special din iyong tuition fee. Dahil iyong teacher na nagtuturo ay extra load po niya iyan. Ang mga estudyante pong ito minsan ay sampu lang sa isang klase, lima lang sa isang klase. At kung sisingilin sila, kailangan nilang bayaran iyong buong sweldo ng teacher na nagtuturo so, tinanong namin ang CHED kung ito ay kasama doon sa free tuition natin dahil kami po ay noong August pa lang mag-o-open or even with the next semester. Salamat po.

CHIZ: Thank you. Bahagi pa rin po iyan ng tinatawag kong transition period of growing pains. Huwag ninyo pong asahan na magiging swabe ito ha. Medyo malubak po ito. Maraming ganiyang uri ng katanungan. Maraming iba’t ibang formula, maraming iba’t ibang sitwasyon na unique marahil sa isa o dalawa o tatlong SUC lamang na hindi mag-aapply sa iba. Isa-isa ho nating pagdadaanan ito at sabay-sabay din tayong tatanda at puputi ang buhok sa pagpapatupad po nito. Para sa akin, dapat covered iyon hindi man siya ma-cover dapat ma-consider siya sa accounts payable dahil malalaman niyo lamang poi ‘yon in the sem before – when the budget is being prepared the year before. So may mga sistema po na dapat na iimplement kaugnay po niyan dahil hindi pa naman ninyo pwedeng ibigay sa amin iyan habang pinag-uusapan o tinatalakay namin ang budget. Halimbawa for 2018, dahil hindi pa naman ninyo alam kung sa second sem next year ay magbubukas kayo ng klase. So baka maging accounts payable po iyon with the caveat. Hindi naman po pupwede na porke’t libre at babayaran ng gobyerno ay bukas na lang ng bukas ng klase. So magkakaroon din siguro ng cutting system iyan at some point in time. Para hanggang dito lang or a certain percentage on top of whatever regular tuition fees you are getting. Para sa gayon maging rationale at reasonable naman po at makaabot sa lahat yung pera at hindi yung iilan lamang ang makikinabang at makakatanggap. But I will ask CHED too. If you are not able to get a satisfactory response, I will ask them to coordinate with DBM once the law, once the bill rather, becomes a law.

 M: Wala na po ba? Some more concerns?

Q: Good afternoon, Senator. My question is actually on the opening of classes. Some schools are opening, just like UP, August for their first semester, while other schools are opening in second semester in January. I would like to ask as Chairman of the Education Committee, I would like to ask your opinion about the alignment of opening of classes in schools such as, in lower education, on DepEd.

CHIZ: I actually filed a resolution to look into it whether it’s in August or in June, ang gusto ko rin sana isa lang. O hindi man, kung magkaiba talaga, gusto kong malaman bakit magkaiba at hindi ‘yung porke gusto lamang nung isa. Halimbawa po, bilang pagtugon sa problema ng trapik, lalo na sa Maynila, ang ginagawa ho ng mga eskwelahan  ho ngayon hindi sabay-sabay. Napansin ninyo? May isa o dalawang linggong pagitan. Pribado man o pampubliko. Kadalasan ang private schools hindi sinasabyan ang opening ng public schools. Sa Metro Manila sinasabi ko po ha. Para yung trapik hindi mabigla at hindi mabilaukan ‘yung mga kalye at traffic enforcers natin. So may rason sa likod nun.

Ngayon, kung yun talaga ang isa sa mga basehan, eh di suriin talaga at pag-aralan natin, ‘di i-staggard natin. Pansin ninyo, kahit saan siguro nabibilang na SUC kapag walang pasok, walang traffic. Kapag may pasok, mas malal, o may traffic na bigla. Ibig sabihin, ‘pag summer vacation, mas kaunti ang traffic. ‘Pag may pasok, naglalabasan ho talaga lahat. So may isang konsiderasyon iyon. Pwede ba pag-aralan natin? Marahil gawin natin staggard across six months ang pagbubukas ng klase sa iba’t ibang lugar. Isang pag-aaral ho ang ginawa dito sa Metro Manila.

Marahil magamit ninyo na rin kung saan man kayo naroon kung traffic, walang gastos para ma-resolbahan ‘yung traffic, isa-stagger yung pagpasok ng mga empleyado kada sector, kada quadrant, kada distrito dito sa metro Manila. May magsisimula ng alas-sais at matatapos ng alas-tres. May magsisimula ng alas-siyete na matatapos ng alas-kwatro. Para ‘yung oras ng uwian at pagpasok hindi sabay-sabay. Walang gastos. Nabawasan pa ‘yung volume at ang traffic. Makakatulong siya kaugnay ng bagay na iyan.  Pero isang aspeto lamang ‘yun. Another factor to consider would be weather. Mainit ba talaga mag-aral sa classroom na walang kisame? Lalo na sa mga elementary at high schools natin sa mga barangay at sa probinsiya? So hindi ho talaga makakapag-aral ang mga bata nang husto pag summer sila pumasok. Ang maganda naman kapag summer pumasok, walang suspensiyon ng klase dahil sa bagyo. Hindi ba? Malulungkot nga lang ‘yung mga estudyante. So maraming konsiderasyon, maraming factors na nais kong suriin at tignan. At gusto ko rin maipaunawa sana at gusto ko ring maintindihan bakit ng ba August?

Ang dahilan lang ba sumasabay lang sa eskwelahan sa ibang mundo, ibang parte ng mundo. Para ‘pag nag-graduate dito, sabaky kayong nag-graduate doon? Kapag nag-enroll dito, sabay din ng pag-enroll doon? Ganoon lang ba ‘yun? Marahil may mga iba pang konsiderasyon na dapat tignan, suriin at pag-aralan. Dun sa mga SUC na lumipat na sa August at January, imbes na June at October, may mga personal din kayong konsiderasyon, na applicable lang siguro given the (inaudible) of your schools, but I would want it to be studied, actually.

OK lang siguro within six months magsimula. Magsabi kung saang buwan sila magsisimula para ma-stagger din natin para hindi ganun nakakagulat pagpasok bigla ng mga estudyante pagdating ng Hunyo o pagdating ng August. Ngayon pa lamang grabe na ang traffic dito sa Metro Manila. Pagdating ng August lalala pa ho ‘yun dahil by August lahat may pasok na talaga. Kaya sa totoo lang kapag bakasyaon mas maganda dito sa Metro Manila.Walang katao-tao dito at maluwag ang traffic. Mas ma-traffic sa mga probinsiya kung saan kayo nanggaling kapaka may bakasyon o long holiday. At yun po sana ang nais naming suriin, tignan at pag-aralan.

So personally, June or August, I really don’t care. But as long as there are some reason or rationale behind it – and we will look into it from all angles – not simply from the angle of one particular school who happened to have certain interest and needs that they want to adjust to with respect to the opening of their school year.

Tapos na po ang oras ko. Sa muli, sa inyo at sa ating lahat, mga kapwa ko nasa sektor ng edukasyon, sinasabi ko po ‘yun dahil matapos ang termino ko ng 2019. Marahil ay babalik din ako sa pagtuturo, so magiging magkakapareho na tayo. Hiling at dalangin ko na sana sa pagpasok ng ikalawang semester, sa pagpasok ng school year na ito, sa pagpapatupad ng Free Tertiary Education, sana  pirmahan ni Pangulong Duterte. At wala naman akong nakikitang dahilan para hindi niya pipirmahan ‘yan dahil ipinangako niya ‘yan noong siya ay tumatakbo. Sana magtulungan tayo at sabay-sabay nating hanapan ng solusyon at ilagay sa sentro at gitna palagi ang interes at kapakanan ng estudyante. Anumang adjustment dapat manggaling po sa atin, hindi sa estudyante, dahil nilikha po namin ang batas na ito para sa kanila. Hindi ho para talaga sa inyo, para sa amin – sara sa kanila. So anuman pong mga paghihirap, anuman pong mga adjustment, anuman pong mga pagbabago na kailangang gawin, mas tayo po ang dapat na mag-adjust at hindi po sila. Sa muli, maraming salamat po at karangalan kong makapiling kayo sa hapong ito. Thank you and good afternoon.