SPEECH

6TH HINIRANG CLASS INVITATIONAL SHOOTFEST

To our chaplain, Lt. Col Bislon. GM officers and staff of the Philippine Military Academy headed by our superintendent, Lt. Gen. Donato San Juan II. The former PMA superintendent, Lt. Gen. Oscar Lopez. To the members of PMA Hinirang Class of ‘87 headed by our president, Commodore Albert Mogun. Sa iba pang bisitang andito ngayon, isa pong maganda at pinagpalang umaga.

Sir, maraming salamat sa generous introduction. Hindi na po ako sanay na pinapakilala ng ganyan kahaba dahil ang madalas na pakilala lamang sa akin, “ang asawa ni Heart Evangelista”. Wala ho akong magagawa dahil mas sikat ‘yung asawa ko kaysa sa akin.

Karangalan ko na maging miyembro ng PMA Hinirang Class of ‘87 at marahil ito ang initiation nila sa akin dahil hindi ko naman pinagdaanan ‘yung hirap nila sa PMA. ‘Di ako na lang ‘yung taga-pondo bilang miyembro ng Senado.

Early this morning, Lt. Gen. San Juan was discussing with me the masterplan of the Philippine Military Academy. Actually, kung ang pinag-uusapan ay Php1.4-B, ang prayoridad ni Pangulong Duterte ngayon ay infrastructure, naka-focus din siya sa Sandatahang Lakas kaya’t walang dahilan kung bakit sa loob ng susunod na limang taon, hindi mapondohan ang humigit-kumulang isa at kalahating bilyon na kabuuang pondo para magawa lahat ng pinapangarap ninyong magawa dito sa Philippine Military Academy.

Dagdag pa doon, sobrang dami ng pondo ng gobyerno ngayon dagdagan pa nila ‘yung buwis, mas dadami pa. Ang bilang halimbawa nung 2016, sa kabuuang budget na Php3.6-T, humigit kumulang Php1-T ang hindi nagastos kalahati ng administrasyon ni Pangulong Aquino, kalahati ng administrasyon ni Pangulong Duterte. Carryover ‘yung pondong ‘yun para sa taong kasalukuyan na hindi rin naman nila nagagastos o nauubos kaya carry over na naman ‘yun. Ang ibig sabihin ko, maraming paghuhugutan ng pondo at pera kung pagkakagastusan lang ang kinakailangan.

Sa totoo lang, ang nagiging problema nabibilaukan ang mga ahensya ng gobyerno dahil napakababa ng absorptive capacity nila. Nagulat sila sa laki at dami ng pondo, hindi tuloy malaman kung paano, saan at kailan gagastusin. Nagkakaproblema rin siyempre sa bidding,marahil alam yun ng mga opisyal ng Armed Forces of the Philippines na aktibo pa hanggang sa ngayon. Kapag may binidding na Kevlar helmet o bullet-proofed na kagamitan, may matalong bidder at kinwestyon, tumatagal na ng dalawa o tatlong taon nasa Korte ‘yung pera at babalik na sa National Treasury. Sa dulo, wala pa rin ‘yung Kevlar helmet at bullet-proofed na mga kagamitan. Pero ang translation nun mababang absorptive capacity. Ibig sabihin, marami na tayong pagkukunan ng pondo basta handa kayo sa plano tulad ng pinakita sa kaninang master plan. Walang dahilan para hindi yan magawa sa loob ng susunod na limang taon ni Pangulong Duterte.

Kung mapapasa ‘yung panibagong tax measure nila, na hindi ako boboto pabor – pero mukhang papasa pa rin – may karagdagang pang Php380-B na papasok pa sa gobyerno na kung iyong dati ng Php3.6-T hindi pa nagagastos. Gagawin pa nating Php3.6-T. Bale four point, kulang kulang Php4-T. Mas lalong maghahanap sila ng pagkakagastusan. Karamihan naman ng ninanais nila dito ay infrastructure na siyang prayoridad din naman ni Pangulong Duterte.

Bago ako magwakas, nais kong pasalamatan, sangalan ng sambayanan, lahat po kayo na naninilbihan sa Sandatahang Lakas, gayundin sa Philippine National Police, para po sa inyong serbisyo alang-alang sa ating Inang Bayan at para panatiliihin ang kaligtasan at seguridad. Gayundin, ang kasarinlan ng ating bansa at ng ating mga kababayan. Madalas pulutan kayo ng paninira at kung anumang pambabatikos at tsismis, radyo, telebisyon at dyaryo man. Subalit sa pagkakataong ito ang papel man na inyong ginagampanan ay nasa field o dito man sa paghubog ng mga susunod pang mga opisyal ng Armed Forces of the Philippines. Bawat isa sa atin, mahalaga ang papel na ginagampanan tungo sa pagtiyak ng kaligtasan ng ating mga kababayan gayundin pananatili ng seguridad ng ating bansa.

Tatapusin ko ang aking maikling talumpati sa pagsegundo sa sinabi ni Lt. Col. Buslon, ang ating chaplain. Friendly competition ito, ha. Hindi ito pagalingan, ha. At bago ako magsimula sa ceremonial na shoot natin, gusto ko lang pabulaanan iyong sinabi ni Lt. Gen. San Juan, hindi po totoo iyon. Hindi ako sharp shooter, ang pinanghahawakan ko po sa anumang conviction, simpleng kasabihan at prinsipyo. Marahil aplikado din ito sa ilan sa aking mga kaklase sa Hinirang Class of ‘87, “If you cannot perform, japorm. If you cannot play, display”. Maraming salamat po at magandang umaga sa inyong lahat. Thank you and good morning.