RADIO

ALL READY

STATION: RADYO SINGKO

ANCHOR: ORLY MERCADO

ORLY MERCADO (OM):  Kausapin natin ang isang magaling na senador, Senator Francis ‘Chiz’ Escudero.  Hi Senator Chiz, good morning!

SENATOR CHIZ ESCUDERO (CHIZ): Ka Orly, magandang umaga sa iyo at sa ating mga listeners, magandang umaga!

OM:  OK. Akala ko tapos na itong PDAF, it’s coming back like an old song, sabi nga nila.  Ito ba’y bubuksan niyo nga ba raw uli ang imbestigasyon nito.

CHIZ:  Ang sabi ko kahapon, Ka Orly ay ito: mula’t mula nuong pumasok ako sa Kongreso noong 1998 na kakaunti lamang ang (inaudible) ang finile.  Nais ko bigyan na muna ng pagkakataon ang mga ahensiya ng gobyernong gawin ang trabaho nila.

OM:  Yes.

CHIZ:  At kapagka hindi nila ginagawa ang trabaho nila, dun lamang dapat pasukan na ng Kongreso para hindi doble-dobleng trabaho at hindi masabing pasikat o nagpapasikat lamang.  Kaya ang sabi ko kahapon, muling bubuksan ng Department of Justice (DOJ) ang imbestigasyon, titingnan muna namin kung talagang gagawin at buong-buo ang trabaho nila.  Marahil hindi tulad ng nagdaang administrasyon na tila may pinili lamang sila.  At kung gagawin naman nila iyun, hindi na kailangan pang pasukan ng Kongreso.  Pero kung sa pagbubukas ng Kongreso itong darating na Hulyo, makikita namin na tila may pinupuntirya din lang tulad nung nagdaan.  Hindi namin bubuksan ang imbestigasyon na ‘yan dahil Ka Orly, ako ang kauna-unahang naghain ng resolusyon para imbestigahan ‘yang PDAF Scam nuong nakaraang Kongreso.  Pangalawa, ayon sa aming pagsasaliksik umaabot sa humigit-kumulang na Php14-B ang nawala sa PDAF Scam.  Ang napunta kay Napoles, sa mga NGOs ni Gng. Napoles ay humigit-kumulang Php6-B lamang.  Mas malaking halaga na hindi pa nga nasisisilip, ni hindi pa natitingnan. San nga ba napunta ‘yan?  Mababawi ba?  At sino ba ang managot sa pondong ‘yan?

OM:  Tsaka para magkaroon ng deterrence, ‘yung bang magkaroon ng takot itong ibang pumapasok sa gobyerno na walang layunin kundi mandarambong ‘yun bang gumamit ng pondong…talagang you know to put their hands into the cookie jar, ika nga.

CHIZ:  Alam niyo nagkaroon na maraming lehislasyon tungkol diyan, panahon ni Moses meron na pong batas nakaukit pa nga sa bato, thou shall not kill. Maski na anong batas anong gawin pa nung mula pa sa taong sumulat sa papel; kung gusto talagang gumawa ng kalokohan ay gagawa talaga ng kalokohan ‘yan.  Dapat lamang sa parte natin, ‘wag natin payagang makawala para magsilbing aral at tanda.

OM:  Hay naku at saka you know maraming mga magagaling na abogado, nadi-dribble nang nadi-dribble ang kaso kapag ang tao ay medyo nakalimutan itong isyu na itong saka unti-unting nakakaalpas.  Talagang what can we do, tama ang sinasabi niyo.  It’s not a matter getting another law passed or a bill made into law kundi implementing properly itong mga kasalukuyang mga nasa batas na.

CHIZ:  Paliwanag ko po ang kaso ni Gng. Napoles dahil maraming nangangamba na baka palayain siya.  Iyong kaso kung saan siya na-acquit dun sa serious illegal detention na finile ni Benhur Luy laban sa kaniya.  Iyan ang kauna-unahang naging basehan kung bakit siya hinuli at kinulong.  Pangalawa, marami din siyang nakabinbin na kaso kung ilang counts iyun kaugnay ng plunder na kadamay niya ang ilang senador na sinampahan din po ng kaso.  Iyon ay non-bailable din at dineny na ng Korte ‘yung bail maliban kay Senator Enrile na sinabi for humanitarian reasons ay pina-house arrest o pinalaya o binigyang ng bail.  Hindi pala house arrest, binigyan ng bail for humanitarian reasons. Pero iyong mga kaso laban sa mga iyon ay pinakamalakas dahil dineny na iyong bail sa karamihan.

OM: I see.

CHIZ: Nagdesisyon din ang Korte na ituloy na iyong mga kaso sa kabila noong motion to dismiss na inihain noong mga dati naming kasamahan. So ibig sabihin Ka Orly, malakas iyong kaso doon. Hindi na kailangan noong state witness doon ika nga. Ngayon kung may ikakantang panibago si Gng. Napoles, iyon ay panibagong kaso na naman. At kung saka-sakali, baka doon siya i-qualify ng DOJ maging state witness sa pamamagitan nang hindi na pagsama sa kaniya doon sa mga kasong iyon. Hindi man siya masama doon sa mga kasong iyon, mayroon pa ring mga pending na kaso na non-bailable laban po sa kaniya.

OM: Oh I see. At kapag talagang inurirat natin ito, ano eh, what the cases could have been filed. At saka malalaman ng tao, it is really iyong the tip of proverbial, iceberg, hindi ba? Talagang ano, dapat talaga, iyon ang ma-dismantle, iyong mekanismo. Pero hindi ba tapos na rin iyan? Iyong, mayroong mga naniniwala nga, nandiyan pa iyan pero iba naman ang form. Ano ba ang, can you say with confidence na, we have executed enough mechanisms na para mapigilan iyong pagka ulit ng PDAF-PDAF na iyan?

CHIZ: Ako naniniwala, Ka Orly, na kulang pa rin, kasi habang gumagawa tayo ng reform, iyong gustong gumawa ng kalokohan, palagay ko siya rin ang gagawa ng reform. So nag-aadvance ika nga, sabi nga nila Pinoy ang isa sa mga pinaka-resilient at pinaka magaling gumawa ng remedyo ika nga. Tawag diyan ay remedyo. So palaging gagawa ng remedyo iyong gustong gumawa ng kalokohan. Kaya dapat ipagpatuloy ang pag gawa pag innovate, patuloy ang paggawa ng reform. Para hindi man tayo mauna ay mahabol natin iyong mga ginagawa nilang panibagong kabalastugan.

OM: So mahaba haba pa ito but this is going to come back hanggang hindi tayo nagkakaroon ng wastong resolusyon sa mga kaso. Pero mayroon ba kayong magagawa para mabilis naman. Saan ba nang gagaling iyong mga delay delay na iyan?

CHIZ: Madalas nanggagaling iyung delay sa Korte o husgado na dahil wala pa rin tayo hanggang ngayon na continuous trial system. Alam mo kagaya sa Amerika, kapag nanonood tayo ng sine, Ka Orly, hindi ba? Magsasampa ng demanda, tapos ise-set iyong hearing, let’s just say one year from now or six months from now. Pero tuloy-tuloy iyon hanggang sa matapos. Walang distance, walang palusutan, bibigyan ka ng limang araw o sampung araw; one year from now to present your case. Wala nang palusutan ito. Tayo nangyayari, nire-reset iyong kaso next month, tapos kapag reset next month dahil wala iyong abogado ngayon, kapag dating ng next month wala na naman iyong kabilang abogado naman. Magigising iyong Korte minsan ay iyung mga abogado aba ay dalawa o tatlong taon na iyong lumipas hindi pa umuusad at hindi pa gumagalaw. Iyun ang madalas na ibigay na rason o dahilan, kada hearing, Ka Orly, may dahilan kung bakit ito ipo-postpone na justified naman. Pero kung balik-tanawan mo, ay napakahabang panahon na pala iyong lumipas na justified reason kung bakit hindi matutuloy iyong pagdinig.

OM: Iyon pala ang isa sa sinasabing justice delayed is justice denied, ano.

CHIZ: Doon sa parte, Ka Orly, noong publiko na let’s say na taxpaying public o ng publikong pinagnakawan o kapag nakalaya iyong tao. Pero kapag nakakulong iyong tao iyong justice delayed, justice denied naman. Lalo na sa isang inosenteng abogado ay mag-aapply naman sa kaniya, sa kaniya tatama iyon.

OM: Salamat Chiz. Maraming salamat, Senator Chiz Escudero. Thank you.

CHIZ: Thank you Ka Orly, sa mga listeners, hanggang sa muli. Good morning!