PRESS CONFERENCE

KAPIHAN SA KLUB

LOCATION: CLUB FILIPINO

SENATOR CHIZ ESCUDERO (CHIZ): Please sit down please. Nais ko sanang sagutin sana iyong napakalalim na hugot kanina kaugnay sa hindi ko pagpunta dito. Hindi naman ho sa ayaw ko, hindi naman sa hindi ako pwede pero wala naman kasi ako talagang sasabihin. Nabubuhay ako ng tahimik at payapa sa kabila ng aking tungkulin o pwesto at posisyon sa Senado. At maganda pong gumising at matulog ng walang kaaway at walang umaaway.

Kaugnay naman ng ating mga birthday celebrants, may natutunan ako. Just this morning, kapag ikaw ay sisenta anyos na at mula sa pagkabata ay sinunod mo ang payo ng doktor na matulog ka ng walong oras kada gabi. Kapag dating mo ng sisenta anyos, tulog ka na ng dalawampung taon.  Kung pwede mo lang sanang balikan na lang iyong panahong iyon at gising ka man lang sana, malamang marami ka sigurong nagawa nakilala o marahil natulungan. Iyan ang paniniwala ni Abraham Lincoln noon kaya natutulog siya tatlo, apat na oras lamang sa isang araw. Hindi natin malalaman kung mahusay nga bang practice iyon dahil, binaril po siya.

Sa ating lahat, sa lahat ng bumubuo ng Kapihan sa Klub, magandang umaga po sa inyong lahat. Karangalan kong makapiling kayo. Subalit wala po akong inihandang talumpati dahil mas gusto ko magkaroon po tayo ng malusog na palitan na pananaw. We are amidst distinguished people, ayaw ko ho magmarunong sa pamamagitan ng pagbibigay ng anumang talumpati kaugnay ng anumang paksa. Pero sa abot ng aking makakaya tutugunan, bibigyang linaw at sasagutin ko anumang katanungan po kung meron man kayo.

Ako ngayon ang Committee Chairman ng Committee on Education, Committee on Banks and Financial Institutions. Dati po akong chairman ng Finance, Justice at Environment. At base po sa pangalan ko, Chiz, pwede ninyo po akong tanungin maski na anong chiz-mis dahil ako po ay chiz-moso. Kaya kung mamarapatin po ninyo, imbes na magbigay ako ng mahabang talumpati, magpalitan na lamang po tayo ng pananaw and I look forward to learning a lot of our distinguished panel and distinguished guests here present members of Kapihan sa Klub. Magandang umaga po sa inyong lahat at maraming salamat sa inyong pakikinig.

QUESTION (Q): Thank you Senator Chiz, kung kayo po ang tatanungin, kayo po ba ay pabor sa death penalty?

CHIZ: Isa ako sa mga bumoto para alisin ang death penalty noong unang termino ko sa Kongreso. Nananatiling ganoon pa rin ang posisyon ko. Kapag umakyat sa Kamara ang death penalty, nasabi ko na rin noon boboto ako laban dito. Walang mahabang debate, hindi ko haharangin, boboto lamang ako laban dito.

Sa simpleng dahilan, tignan na lamang natin ang nangyayari ngayon. 7,000 na ang pinapatay, EJK man o legitimate police operations pero 7,000. Walang due process. Hindi pa rin natatakot ang gumagawa ng mga krimen kaugnay sa droga, ano pa kaya kung pasukan natin ng due process. Paano pa sila matatakot e kaya nilang gumawa ng mga magagaling at ng mga mamahaling abogado. Kung hindi sila natatakot sa death ngayon na walang due process. Matatakot ba sila sa death penalty na may due process?

Kausap ko ang ilang ambassador ng European Union at nasabi ko ito sa kanila; sabi ko tiyak kapag napasa ang death penalty may magkukwestiyon nito sa Korte Suprema. Kaya ko ito nasabi sa kanila dahil papatawan na naman tayo ng mas mataas na taripa ng European Union sa lahat ng exports natin sa kanila. Dahil binigyan nila tayo ng preferential treatment dahil tinanggal natin ang death penalty mula sa ating mga batas. Papatawan tayo kaya pinaliwanagan ko sila. Matapos mapasa ang batas tiyak may magkukwestyon. Iyong RH Bill nga hanggang ngayon hindi pa napagpapasyahan. Ano pa kaya ito?

Pangalawa, matuloy man at payagan man ng Korte Suprema, aabutin ng lima hanggang sampung taon bago may ma-convict ng death penalty dito sa ating bansa. Kasabay na ang automatic appeal sa Korte Suprema. Kapag tapos noon tapos na rin naman ang termino ni Pangulong Duterte. Baka iba na rin ang polisiya ng sinumang susunod na pangulo, baka pareho din. Hindi natin nalalaman. Subalit sana ipagpaliban nila anumang parusa at penalty at hindi lamang iyon ang magiging dahilan ng ipapataw dahil hindi pa naman tayo sigurado kung ano talaga ang mangyayari kaugnay sa pagpapatupad ng batas na ito.

Sinabi ko rin sa kanila, wala kayong karapatang pigilan kami kung anumang batas ang nais naming ipasa desisyon namin iyon. Ibalik man namin iyan o hindi, desisyon namin iyon. Hindi kami pwede magpasa ng itinatawag na irrefillable law at dahil lamang sa may ipinasa kaming ganoong batas, at dahil lamang may pinasukang trabaho ang Pilipinas noon. Hindi dahilan iyon para hindi na kami makapagpasa ng aming panukalang batas na tingin naming dapat at kailangang ipasa sa kasong ito, tutol ako sa pagpapanumbalik at pagbabalik ng death penalty sa kadahilanan na hindi naman po talaga magbibigay ng takot sa mga criminal.

Ayon mismo sa PNP napakarami na raw, napakarami na raw nalinis na barangay. Ayon mismo kay Pangulong Duterte, napakarami na nilang nahuli, nirerehabilitate at na-clear na barangay. Wala pa ring deat penalty iyan. So bakit natin kailangan pang ilagay iyan sa ating mga batas. Iyon po ang aking desisyon. At ang payo ko sa aking mga kasamahana sa Senado magdesisyon na sila agad. Iannounce na nila kaagad, dahil kapag sila ang naipit sa gitna, galit sa kanila ang magkabilang panig. Iyong pabor at kontra dahil pakiramdam nila nawalan sila ng kapanalig o posibleng maging kapanalig kaugnay sa isyu at posisyon na ipinaglalaban.

Q: Nabasa ko po Mr. Senator sa pahayagan na ang department of education ay nababahala sa tumataas na rape cases sa ating bansa. At ang isang insidente po ay, isang 12 year-old na estudyante ay ni-rape gangbang style ng mga 13 year-old mga lima po sila. Ano po ang gagawin natin dahil ito pong mga nang-rape ay mga minor? At according to law, hindi sila pwedeng ikulong or i-detain. Ano sapagkat if we allow the condition to proceed to its natural consequence ay mangrarape ho lahat ng 13, wala naman silang liability. What can you say about this?

CHIZ: Pabor po ako na bumalik na lamang tayo sa mas naunang batas. Ang Child and Youth Welfare Code, kung hindi ako nagkakamali PD No. 603, PD No. 603 ibig sabihin: anumang batas, kapag ikaw ay mataas sa edad na 11 hanggang 18 magpapatuloy ang pagdinig at trial pero suspended ang sentence laban sa iyo. Titingnan kung naging mabuti ka bang tao sa pagitan ng panahong iyon. At kapag dating ho ng 18 years old, ikaw ay pagpapasyahan ng Korte kung dapat ka na nga bang sintensiyahan o dapat bang i-abswelto dahil sa ginawa mo matapos kang patawan ng kaparusahan o conviction, at doon lamang ipapataw kung saka-sakali ang kaparusahang nararapat sa’yo. Kung ikaw ay naging mabait, i-eexpand sa records mo ang anumang kasulatan o ebidensiya kaugnay sa naunang isinampang kaso laban sa iyo. Kung ako, sana at marapat na bumalik na lamang tayo doon.

Q: Huling katanungan po Senator, madalas ko pong marinig ‘yung federalism. Ano po ba ‘yung federalism sa Tagalog? Kayo po ba pabor dito?

CHIZ: Pwede kong tingnan sa dictionary. Actually, hindi ko rin alam. Mahirap sumagot kung pabor o hindi dahil ano ba ‘yung federalismong isinusulong nila. Hanggang ngayon wala pa akong nakikitang detalye ng federalismong gusto nilang isulong. Ito ba ay katulad ng sa Europa? Ito ba ay katulad ng sa Amerika? Ito ba ay katulad ng sa Malaysia? Magiging regional ba ang mga senador? Babawasan ba natin ang bilang ng probinsiya, babawasan ba natin ang bilang ng rehiyon? Tila papunta roon dahil hindi na nila nirenew o ni-reaffirm ‘yung pag-create ng NIR o Negros Island Region. Sa totoo lang, lahat ng tinatanong ko sa administrasyon kaugnay sa klase at uri ng federalismo, wala pong makasagot sa akin.

Pero ilang katanungan, una, kung babawasan nila ang rehiyon. Narinig ko balak nilang gawing sampu na lamang o dose muli. Tiyak ko hindi nila pwedeng bawasan o tanggalin ang Cordillera at Autonomous Region in Muslim Mindanao dahil nasa Saligang-Batas ‘yon, maliban na lamang kung babaguhin nila ‘yon. So, kung sampu minus six, kung labindalawa minus four, hindi ko alam kung aling rehiyon ang tatanggalin nila. Sobrang dami din daw ng probinsiya, walumpu at isa. Hindi ko alam kung sino ang papayag na tanggalin ang pangalan ng probinsiya nila. Papayag ba ang kabitenyo na batangenyo na ang tawag sa kanya? Papayag ba ang batangenyo na kabintenyo na ang itatawag sa kanya?

Pangalawa, kung magpe-federalismo tayo, sino na ang magbabayad ng national debt? Kung lahat ng pera ibibigay mo na sa kanila, sa kada regional government. Sino na ngayon ang magbabayad ng National Debt? At kung hindi sila ang magbabayad? Kailangan magpasa ng panibagong mga buwis ang national government para mabayaran ito. Kung ipapasa mo naman sa kanila, saan sila kukuha ng pera para gastusin pambayad ng mga utang ng naunang mga pamahalaan?

Pangatlo, bilang halimbawa tingnan natin ang ARMM. ‘Yan na ang pinakamalapit nating ehemplo sa federalismo. That is the closest attempt of federalism so far. Ang CAR, natatalo palagi sa plebesito. Ang ARMM, biruin niyo mahigit tatlumpu’t taon na hanggang ngayon inaamyedahan parin namin ang batas. Hanggang ngayon hindi pa rin natin napeperpekto. Hanggang ngayon hindi parin natin napapatakbo ng maayos. Kung hindi nga natin magawa sa isang rehiyon ng ating bansa, bakit pa natin aambisyunan gawin sa buong Pilipinas? Bilang halimbawa na rin, gagamitin ko ang ARMM. Ang total revenue ng ARMM kada taon ay nasa Php1.8-B lamang. Ang pondo ng ARMM para sa taong ito, Php58-B. So kung magiging federal tayo, sige ‘yung inyo inyo na. ‘Di Php1.8-B lang pera nila. ‘Di ‘yung mahirap sa ARMM, mas lalo pang naghirap? Alangan naman may subsidiya parin galing sa National Government, saan ko kukunin ‘yon, ipinamahagi mo na ang resources sa kada rehiyon dito sa ating bansa. Hindi ko ho maunawaan kung anong uri, klase, kulay, at hugis ng federalismo ang nais nila. Siguro, ilang katanungan lamang ito na nais kong masagot kaugnay ng balakin nilang gawin ‘yan. Pero hindi ko rin naman po hahadlangan. May panukala din naman ako para tugunan ang nais nilang ma-address na problema. Imbes na mag-federalism tayo, imbes na baguhin pa natin ang Saligang-Batas na halos lahat ‘yon ay bubuksan pa. Simple na lamang, amyendahan natin ang Local Government Code. Imbes na 60-40 in favor of the National Government, in the next ten years, gawin nating 40-60 in favor of the local government unit. Ang kailangan lang naman ng local government unit ay pera, mas alam nila kung ano ang pamamalakad na gagawin nila. ‘Yun na lamang muna, at kapag kulang pa at hindi uubra, ‘di doon natin pag-usapan ang federalismo. Marahil mas napag-aralan na natin, marahil mas may alam na tayong solusyon, marahil mula sa karanasan sa ARMM napatunayan na natin na pwede palang umubra ito sa isang lugar ng ating bansa.

Q: Senator, nakikisuyo po si Attorney Lorna Kapunan sa katanungan.

Q: Sapagkat Women’s Month ngayon, Senator, at sabi niyo naman ay mahilig din kayo sa tsismis. Tsismisan mo naman kami.

CHIZ: Tungkol saan?

Q: Tungkol sa ‘yo. How does it feel being married to a Heart? And how is your work life balance?

CHIZ: I feel inferior actually. My wife is at her prime; maganda ang career niya sa showbiz, nagpe-painting siya at gumagawa siya ng mga obra niya. Hindi lamang sa canvass, pati sa mga bags. Marahil mas malaki ang kita niya. Kapapatayo pa lamang niya ng bagong bahay, kaya ngayon pwede kong ipagmalaki, binabahay ako ni Heart Evangelista. Paano ko binabalanse? Actually, matagal na akong hindi lumalabas. Pagkatapos ng trabaho, wala ka naman gimik, napakarami mong oras para sa pamilya, para sa asawa, at para sa sarili mo. Sa totoo lang, medyo tumanda na rin ako sa paglalabas-labas ng wala namang pinupuntuhan o pupuntahan. Mas masarap uminom sa bahay. Kapag nalasing ka, walang makakakita sa ‘yo at kung inantok ka, diretso matutulog ka narin. But I’m actually happy where I am right now. Matapos ang nagdaang halalan, mas kaunting atensiyon mas kaunting away, sila ang napapalaban at napapaaway ngayon. Matapos ang nakaraang halalan din, may tatlong taon pa ako sa Senado na tinatapos ko na lamang sa pagganap ng aking tungkulin labas sa gitna ng awayan at bangayan, at mas malaya kong nasasabi kung anuman ang nasa isip ko hanggang matapos ang termino ko. Hindi tulad sa mga nagdaang panahon na marahil may pumipigil pa ng mga ambisyon, may pumipigil pa ng mga pagkakataon, pero ngayon mas malaya kong masabi at sabihin ang mga nasa isip at nasa puso ko kaugnay ng aking pagiging miyembro ng Senado.

Q: One last question, if you were a justice of the Supreme Court, how would you decide the petition filed by Senator (Leila) De Lima?

CHIZ: Hindi ko nabasa.

Q: On jurisdiction.

CHIZ: Actually, hindi ko nabasa. Pinagaralan ko nang bahagya, pero hindi ko nabasa. Marahil magandang pagkakataon ito sa parte ng Korte Suprema na bigyan ng linaw ang isyung ‘yan dahil natanong din ako ng European Union ambassadors nung nakausap ko sila. Concerned daw sila sa pagpapakulong kay Senator De Lima. Concerned daw sila na tila kakasuhan din si Pangulong Aquino. Sabi ko, how long have you been in the Philippines? She goes eight months. In that case let me give you a brief narration of our history. Good that there’s only one senator who was sent to jail, because the previous administration sent three incumbent senators in jail – that any case or investigation has being done against the incumbent or against the previous president; the previous administration did exactly the same thing. And the previous administration before him did exactly the same too.  I’m not saying I agree with it. In fact, I disagree with it. However, it is really nothing new like to what this administration is doing.  Ika nga nila, what goes around, comes around.

I do not know if Senator De Lima is innocent or guilty. I will leave that to the courts. Wala ako doon at hindi ako partisipante sa kung anuman ang kanyang ginawa at hindi niya ginawa bilang kalihim at kung totoo man o hindi ang mga kasong isinampa laban sa kanya.  Maari ay marami na niyang patunayan iyan sa Korte at sa husgado.  Kaugnay sa hurisdiksyon ng Sandigang Bayan o ng regular courts. Actually, itinanong ko rin noon iyan. Pero, kumg maaalala ninyo, ang kaso laban kay Pangulong (Gloria) Arroyo ay isinampa rin sa regular court at hindi rin naman sa Sandigang Bayan na may kaugnayan sa eleksyon sabotage. Iyon iyong korte sa Mandaluyong. So pare-pareho lang din naman ang ginawa nila noong sila ay nakaupo. Again, what goes around comes around. At ang ika nga nila, hindi magandang kalaban ng karma.  Pagdating ng panahon ay ikaw naman  ang tatanggap niyan.

Q:  OK, I’ll give way to my senior classmate.

Q:  Napagandang pagkakataon naming lahat, senator. Unang-una ikaw lang ang senador na may Heart. Anyway, iyong kabuuan po ng Kapihan, kanina ay na-introduce ni Justice Victorino. Naparaming professions pero most of us, I think, are retired. Pero, ganoon pa man mas keener an gaming pag-asa sa bansa natin. Palagay koi tong mga status namin ngayon ay mas brighter ang pag-asa namin na ang bansa ay magiging matatag na pinapangarap ng lahat. Ngunit itong mga pangyayari ngayon, ang tanong ko po ay makikita kaya natin ang tunay na liwanag sa darating na mga taon? Sa inyong pananaw.

I agree with Attorney Kapunan na you’re a very bright senator. Inicidentally, kasama ko sa cabinet iyong Tatay ninyo noong panahon ni President Ramos. I was (inaudible) at that time. He was the Secretary of Agriculture at that time. We went all over the country and held our cabinet meetings there at that time. Binibiro nga naming si Senator Cayetano na si Sonny mismo ng naguukod ng mani, ng peanut kay Senator Cayetano. Bakit? Ang sabi ng mga cabinet members. Kailangang kailangan niya ito kasi food for the brain. Iyon iyong mga biro.

Anyway ang pakay ko po, ang aking tanong, makikita pa kaya natin ang tunay na liwanag ngayon given na si President Duterte has a six years term? Given the fact na iyong kanyang mga kasalukuyang polcies ngayon, which is all a public knowledge. Iyong po ang tanong ko sa inyo?

CHIZ: Ang hirap naman noon. Susubukan kong sundan ang Kastila ni Congressman Co kanina. Isinulat ng ating Pambansang Bayani. Sa unang talata ng kanyang pinakahuling tula na kanyang ginawa bago siya binaril at pinatay sa Luneta. Sabi niya hindi ba? ‘Adios, Patria adorada, region del sol querida, Perla del Mar de Oriente, nuestro perdido Eden! A darte voy alegre la triste mustia vida, Y fuera más brillante más fresca, más florida, Tambien por tí la diera, la diera por tu bien.’

Ang mahalagang parte doon, Justice Pamaran, ‘nuestro perdido Eden!’  Mahigit isandaang taon na ang lumulipas simula ng isulat niya iyon at tila totoo pa rin hanggang ngayon.  Paraisong pinabayaan pa rin tila ang Pilipinas . Mayaman naman ang ating bansa. Masipag naman ang ating bansa. Masipag naman ang ating mga kababayan lalo na kung nasa ibang bansa. Pero bakit laganap pa rin ang kahirapan? Bakit lugmok pa rin tayo sa kahirapan?  Bakit marami pa rin ang mahirap at nagugutom?  Palaging may liwanag pa rin sa dulo para sa akin dahil ang Pilipino ay kayang magbago sa isang iglap lamang.

Bilang patunay, hindi ba’t noong ang Subi at Clark ay hawak pa ng mga Amerikano, bakit pagpasok natin doon ang babait natin? Bakit paglabas natin ng Subic at Clark sira ulo na naman tayo sa simpleng bagay na lamang ng pagmamaneho?  Bakti pagpunta natin sa ibang bansa, pag-landing pa lamang ng eroplano sa Singapore, sa Amerika kung saan man ang babait natin. Tumatawid tayo sa tamang tawiran. Nagmamaneho tayo ng matino at maayos. Kumg may basura tayo ay ilalagay pa nga natin sa ating bulsa.  Pero pagdating natin sa NAIA, pagadating natin sa sarili nating bansa, balik na naman tayo sa dating ugali.

Hindi negatibo iyon para sa akin, positibo! Dahil ibig sabihin noon, angkin at kaya ng Pilipino na magbago sa isang iglap lamang.  Kailangang nga lamang na may nagpapasunod din at siya mismo ang nangunguna sa pagsunod. Nitong mga nagdaang mga taon hindi pa tayo marahil pinagpapala na mabigyan ng lider katulad niya sa lahat ng aspeto either matalino ‘yung lider pero kulang naman sa pagiging malumanay at mabait o malumanay at mabait ang lider pero kulang naman sa talino’t galing.  Hindi pa tayo nabibiyayaan ng lider na hawak at angkin ang dalawang bagay na ‘yan.  Ngayon sa ilalim ng termino ni Pangulong Duterte, siya ang pinili ng ating mga kababayan; nagpasya at nagdesisyon ang mayorya sang-ayon man kayo o hindi; whether you like it or else; siya po ang presidenteng nakaupo.

But I still see a silver lining his policies and his speeches that outstanding.  Ang core competence ni Pangulong Duterte tila ay patungkol peace and order; laban sa drugs at security.  In fairness to President Duterte, he has not been interfering economic policies.  And that’s our economy continue to grow as expected to grow in fact even bigger than last year.  Last year was a bit bloated because of the elections spending.  Pero ngayong taon natin makikita talaga; lalago nga ba ekonomiya sa ilalim ng kaniyang termino.  But for the past eight months or so nine months, he has not interfered with any economic policy thus far and his economic managers run the show.  Hindi niya pinapasukan ang agriculture; hindi niya pinapasukan ang public works; ang transportation and communication; he lets them do it.  But when it comes with peace and order and war against drugs, well that’s what his proposing on.  Kung saan siya magaling at kung ano ang kabisado niya; iyon lang din naman ang pinapasukan niya.  I like that in a leader kaysa naman yung lider na papakialaman lahat, papasukan lahat kahit hindi niya kabisado’t alam, ang dulo ho nun magkanda leche-leche talaga iyun.

Dagdag pa po doon, our economy is very strong and resilient.  Bulletproofed po tayo, bulletproofed tayo dahil sa BPO industry, bulletproof tayo dahil sa Overseas Filipino Workers na nagpapadala ng pera, humigit kumulang $50-B kada taon ang pinapadala nila.  Kaya anumang mangyari bagsak sa world market; anumang mangyaring problema sa pangdaigdigang ekonomiya, tila hindi tayo gaano kaapektado dahil sa bagay na iyan.  Bumagsak man ang piso kontra dolyar; ‘di ibig sabihin mas marami pang pambili ‘yung kamag-anak ng mga OFW; mas maraming pambili yung mga nagtatrabaho sa BPO Industry.  Lulutang at lulutang pa rin ang ating ekonomiya kailangan lang natin panatilihing iyong ating competitiveness sa dalawang sektor na iyan.

Halimbawa po, bilang chairman ng Education pinag uusapan namin at kasama sa committee ko ang pagpasa kaugnay ng mga holiday.  Do you know how many holidays we have?  We have about twenty-four holidays right now.  For the BPO industry translated that’s an average of ang sweldo ng mga nagtatrabaho sa BPO industry ay Php2,000.  So, ‘pag holiday double pay.  So at twenty-four holidays per year at walang pakialam sa holiday ng ibang bansa; iba ‘yung araw nila; iba ‘yung holiday nila.  That’s one million roughly BPO industry employees, actually it’s already at 1.3 pero mahirap pong i-compute iyun.  At one million na lang, one million times Php2,000 times twenty-four.  That’s approximately, Php48-B that were burdening the BPO industry every year.  Hindi ko naman sinasabing wala tayong holiday.  Pero ang kalahating iyon, then you can be more competitive at less ‘yung magiging cost at baka hindi sila umalis na mas marami pang magpunta dito.  Not to mention the low internet speed, not to mention the high electricity cost siguro pwedeng panlaban ‘to.  Kaya nga sa America meron silang tinatawag na Presidents Day. Wala silang Lincoln Day, wala silang Washington Day, lahat ng presidente pinagsama-sama nila sa isang holiday, Presidents Day.  Tayo, may Araw ng Kagitingan, ‘di ba? April 9, may National Heroes Day pa ng August 30.  Meron pa tayong Rizal Day, meron pa tayong Bonifacio Day.  Merong panukala ang senador, ideklara rin daw na holiday ang Lapu-Lapu Day.  Sabi ko ang, uubusin ba natin ‘yung mga bayani, gusto nilang ideklarang holiday din ang pagkakapaslang sa SAF 44.  Sabi ko, hindi ba pwedeng saklaw na iyon sa Araw ng Kagitingan o sa National Heroes Day.  We cannot be competitive if we keep on doing this.  Merong nagtanong na akala third day holiday daw.  Bible Day, holiday daw.  I mean I am not against these things but I don’t think it should be declared a non-working holiday.  It can always be declared as a working holiday to commemorate it.

But I am regressing but to answer your question directly Sir, yes there is hope while holding on to that hope and hopefully in my lifetime I would see it improve further.  To be fair, all administrations got it.  Ang naabutan ko lang ho si Marcos.  Noong pinanganak ako noong ’69 so Marcos, Cory, Ramos, Erap, Gloria, Noynoy, Pangulong Duterte.  Pito, malayo naman ang narrating narating natin maski tumingin kayo sa ating kapaligiran.  Marami na rin namang nag improve at ang naging trabaho natin n gating mga magulang sa ating mga anak: isa lang naman diba, kung ang naibigay natin sa simula sa ating mga anak mas mabuti’t maganda. Kaysa sa sarili nating simula na binigay sa atin ng ating mga magulang.  Hindi ba nagawa na natin lahat ng trabaho natin. Hindi ba nagampanan lahat yung tungkulin natin para sa kanila. At hindi makakaila, mas malawak at malaki ang pagkakataon ng ating mga anak natin kumpara sa atin noon, kumpara sa inyo nuon.  So sa bagay na ‘yan, tingin ko nagtagumpay din tayo kahit papaano.  Kung anuman ang gagawin sa kapalaran na binigay natin sa kanila, mahigit sa pinagdaanan at pinanggalingan natin.  Siguro sapat na itong trabaho natin bilang magulang para sabihin natin: nag tagumpay ako at nagawa ko ang aking tungkulin bilang magulang sa aking mga anak gayundin sa ating bansa.  Basta’t ang simula ng salin-lahi at susunod na henerasyon ay mas maganda kaysa sa atin.  Siguro naman may ambag din tayo para gumanda ang buhay natin ng tinatamasa ngayon.  Sorry po kung mahaba.

Q:  (inaudible)

CHIZ:  Ano po ‘yung April second?

Q:  Revolutionary government.

CHIZ:  May date pa talaga?  Buti hindi April 1, April Fool’s po iyon.

Q:  (inaudible)

CHIZ:  Let me take that one-by-one.

Q:  (inaudible)

CHIZ:  I don’t think, I don’t see it personally, I don’t see it coming into resolution then they will attack Metro Manila.  When we say attack, lulusubin.  Sa pagkakaalam ko, dalawa ang uri ng mga kumakaratig sa mga naniniwalang kaliwa na tinatawag: rejectionist at reaffirmist.  The NPA’s are reaffirmists, they believe in teachings with Mao.  They don’t believe in attacking the city centers, they still believe in controlling the provinces and starving the city centers before they come in.  Iyon ang pinagkaiba ng rejectionists among others.  In fact, ‘yung isang uri ng kaliwa sila ‘yung pumapasok sa mga city centers.  How?  By going into companies, by entering into companies and by doing their strikes within the heart of the city itself.  Nakita kasi nila iyung sa EDSA.  Kung sinuman ang may hawak ng Maynila, ‘di ba EDSA 1, EDSA 2, kung sino ang may hawak ng Maynila; siya ang may hawak ng buong bansa.  So tingin ko po, hindi mangyayari pa iyun.  Kaugnay ng Pearl Harbor scenario sa Benham Rise, alam niyo wala sa interest ng China sa aking pananaw, ang magsimula ng giyero o kahit sinumang bansa.  Lalo na dito sa parting ito ng Asya, I may be ignorant with respect to what’s really going on but either I’m simply positive person or someone that’s also look at history.  Ayaw naman ng China ng gulo and if they are still following (inaudible) believe in that’s if you agree now, elective side what we disagree on, for future generations to settle it.  Hindi naman natin kailangan magkaaway dahil lamang sa isang hindi pagkakaunawaan kaugnay ng teritoryo.  Pwede pa rin tayo magkaroon ng ugnayan kaugnay ng culture, education, economics at iba pang bagay.

Halimbawa po, Taiwan at China wala na sigurong hihigit pa sa away ng dalawang iyon.  It’s not so much that Taiwan wants to be independent from China diba?  It was Taiwan believes that the mainland is part of Taiwan.  And the mainland believes that Taiwan is part of mainland.  Seriously, remember because historically komintang iyan, tumakbo lang naman sila galing China dahil nag rebelyon.  Pero ang tingin nila kasama ng Taiwan ang China ganoon ka calls apart ang kanilang paniniwala.  But how was Taiwan able to participate in Beijing Olympics. A simple rule ang pinapataw ng China sa kanila.  We want to be champions of the world not only part of the world.  You can participate in Beijing Olympics on two conditions: one, come up with an Olympic theme.  Even gold medal you cannot play your national anthem. You have to play your Olympic anthem different from your national anthem.  And secondly, come up with your own Olympic flag.  You cannot use your own flag whenever your athlete wins the gold medal.  You can only fly your Olympic flag.  Leaders of the two countries visited each other and in fact there are over 300 flights a day between Taipei and different parts of the Mainland. And yet they still hold on to the belief that Taiwan is part of the Mainland and Mainland is part of Taiwan. They have still not come to blows.  ‘Yun mas malalang away ho ‘yun.

Pero kaugnay ng Benham Rise, kaugnay ng West Philippine Sea, may tanong po ako. Nung panahon ni Dating Pangulong Arroyo, may pinasukan siyang kontrata, ‘di ba, using private companies. She said, a Filipino company will organize in the Philippines and a Chinese company will organize in China. Then let them come into an agreement on joint exploration. Sans any decision on sovereignty on who owns it, let’s set that aside. Let’s first find out what’s in there, 50/50 ang sharing. As soon as the previous administrations they cancelled it. Tinanong ko sila bakit? Sagot sa akin, atin ‘yan. Sabi ko oo nga, bakit pa rin? Anong bakit? Atin nga ‘yan, bat natin sila hahatian? Sabi ko kasi 80%-90% ng mining companies sa Pilipinas are based in China. And they’re paying us 5% para bungkalin ‘yung lupa na atin, walang kwestyon na atin, hindi nila inaangkin na kanila. Pumapayag tayong bungkalin ‘yun sa halagang 5%? Tapos sa lupain o sa dagat pa nga, na inaangkin din nilang kanila at inaangkin din natin, ayaw natin pumayag na 50%? ‘Di iangat na muna natin ‘yung share natin ng 51% tapos tanggihan natin ‘yun. Pero huwag naman natin tatanggihan ‘yun at makikipag away ka pa dahil lamang may hindi kayo pagkakaunawaan tapos lulunukin mo ang 5%? Tapos ‘yung lupa mo yung minerals mo lahat dadalhin doon? Hindi ko ma-gets ‘yon. Para sa akin tingin ko hindi naman siguro dadating sa puntong ‘yun.

Last point, revolutionary government, I’ve known President Duterte  for about 20 years. Although we were not that close but I know him. It’s only been 8-9 months, marahil hindi pa tayo nasasanay din, marahil mabubulaga din tayo. Pero sa nagdaang siyam na buwan, hindi ba din ba tayo sanay sa mga salitang binibitiwan niya? Naubusan na nga ng lusot at dahilan ‘yung tagapagsalita niya para tawagin – syllogism, hyperbole, it was a joke, dapat masanay na rin siguro tayo. At buti na lang nanalo si Trump, at least hindi tayo nag-iisa. Isipin niyo kung nag-iisa lang tayo sa mundo, buti nalang nandyan si Trump who speaks his mind as well. Sans rules of diplomacy. Sans rules on speeches that we got used to with respect to politicians. I don’t think the president will do that. He doesn’t even need to do that. Unless nga lang mabulaga at magulat na lamang tayong lahat. But you can only do that with the full support of the Armed Forces of the Philippines. But I don’t think the Armed Forces of the Philippines or any sector of society would support such a thing because there is no need. There’s no need for it, he can do whatever he wants, and he’s been doing whatever he wants. There’s no need to declare revolutionary government. He’s been talking about the Martial Law for the longest time. But it will go through Congress and it will not pass through congressional scrutiny to the frank about it.  Right now as we speak, it will not pass congressional scrutiny; since we have to give our imprimatur or any declaration of Martial Law, much more a revolutionary government which will throw out the window of our constitution. I don’t think it will receive that much support and why does he need that headache? I don’t think he will go for that at any point in time. At least in the future, binibigyan ko pa ng kaunting panahon para marahil mas maintindihan at maunawaan niya ang lawak ng kanyang kapangyarihan. Ika nga, for him to grow into office and for the office to grow into him. Hopefully, after year, we will see that happen and come.

Q: May I know the status of the proposal to bring down personal and corpotae income taxes and can be afford it? Number two, I have always wondered about this for such a long time, I would like to know why two groups of Filipinos talking peace preferred to talk about it abroad and not here? Where it cost less and after all I have not seen any result at all for such a very long time.

CHIZ: On the exemption, on the lowering of personal and corporate income taxes, ang problema po ito, gusto ng Department of Finance kaliwaan, sabay ipapasa ang lowering of personal and corporate income taxes at pagbabawas ng VAT exemptions at pagtaas ng Excise Tax including VAT on fuel.  Ayon sa pag-aaral nila, mayaman lang naman daw ang nagkokonsumo ng gasolina at diesel which is not accurate at all. So ano po ang status, wala pa pong napapasa sa Kamara, sa Senado ni wala pa pong bill dahil appropriation at revenue measure ‘yan hindi po namin pwedeng talakayin hangga’t hindi pa abrubado sa Kamara de Representantes. So sa Senado sa ngayon, wala pa pong tinatalakay; whether increase or decrease in taxes, wala pa pong bill sa Senado man lang. At ‘yung chairman ng Committee on Ways and Means ay re-electionist sa darating na elekyson. So hindi ko alam ang magiging desisyon niya kaugnay sa bagay na ‘yan. Can we afford it? Yes. But do we want it? Yes and no. Can we afford it? Last year, the government was not able to spend nearly a third of its budget. The Php3.2-T na budget lumago ang ating ekonomiya ng 7.7%. Our economy grew by 7.7% and yet the Php3.2-T budget, government was not able to spend nearly Php1-T. So ang unang tanong dapat sa gobyerno, bago kayo humiling ng mas mataas na buwis, pwede ba patunayan niyo muna sa amin na kaya niyong gastusin ang pera na binibigay namin sa inyo. Kung hindi mo naman nauubos at nagagastos, bakit pa tayo magpapataw ng panibagong  buwis.

Kaugnay ng excise taxes, gusto nila patawan halimbawa ang kotse ng 200-300% increase. Halimbawa, ‘yung Fortuner na Php1.3-M magiging kulang-kulang Php3-M. So ewan ko kung hyperbole rin ‘yun o ngayon ang dami tuloy nagbibilihan. (laughs) Ngayon lumakas ‘yung car sales, hindi na daw makakakbili pag pinataw ‘yan so lumakas ang bentahan. But I don’t think it will pass that way in the Senate. If it will pass and increase would have to be staggered. So that you can plan, the companies can plan, the suppliers can plan, and everyone can plan. It cannot be done and should not be done overnight from the point of view of our credited agencies, pag nakita naman nila na yung 300% ipapataw across 10 years, from their point it’s the same revenue. So maganda pa rin ‘yung rating natin without burdening the Filipino people overnight with respect to such heavy taxes.

On peace talks, hindi ko rin po alam kung bakit. Pati ‘yung sa MILF sa Malaysia ginagawa at hindi lang independent third party pa ang Malaysia na hindi naman sila independent sa isyung ito. Ang usapin pangkapayapaan ginagawa doon dahil hindi pa sila nagkakasundo kaugnay sa security at kaugnay sa illegalities ng pag-uwi ni Ka Joma Sison dito. At ang malaking magiging problema ng gobyerno, sinoman ang ayaw matuloy ang usaping pangkapayapaan at may ginawa o nangyari sa kanya, lalong magkakagulo at lalong lalaki ang gulo, any government don’y want to risk that for the past so many years. Naalala niyo noong umuwi si Senator Ninoy Aquino na naging mitsa di umano ng pag bagsak ng administrasyon ni Pangulong Marcos.  Kung nanatili siya sa Amreirka, malusog at kung saka sakali tumanda nalang doon at doon pumanaw ng taimtim. Wala naman sigurong ganong problema. ‘Yun din marahil ang iniisip o nasa likod ng isipan ng ating, ng anumang gobyerno. ‘Pag pinauwi si Ka Joma Sison at may nangyari dyan, hindi nila nabigyan ng sapat na seguridad o may talaga lang gustong magsabotahe sa peace talks, mas lalaki at lalala ang gulo. So sa dulo mas magandang mag-usap sa labas at least hindi nila kargo ang kanyang seguridad hanggang matapos ang kanilang pag-uusap kaugnay sa pagkakaroon ng truce at finally withdrawal ng kanilang tropa o pagbaba ng armas ng kanilang tropa.

Q:  (inaudible)

CHIZ:  Sisikapin ko po ibigay ang pananaw ko sa bagay na ‘yan.  May isang financial crisis, dumapa ang maraming bansa sa Asya.  Pero tayo nung panahong iyun hindi gaano.  Kumpara sa Korea, kumpara sa Japan, kumpara sa Thailand, kumpara sa Malaysia.  Ang rasong binigay po noon, hindi naman daw ganung kataas ang lipad natin.  Bumagsak man tayo, hindi gaano kasakitan.  Kumbaga, nahulog lamang tayo sa pangatlong palapag buhay tayo may baling buto lang siguro.  Di tulad ng South Korea, di tulad ng Japan, di tulad ng ibang bansa sa Asya nasa 40th Floor na sila.  Nung nahulog ho sila, aba’y masakit talaga.  At maingay ‘yung narining mong tunog nung bumagsak sila sa lupa matapos ang Asian financial crisis.

As I said earlier, our advantage is the influx of US dollars in the country, again in a rate of Php50-B a year.  So tumaas man ang palitan ng piso kontra dolyar, dami nating supply.  In fact, we have the highest reserve in our history right now at merely $9-B.  Sa kasaysayan ng bansa, hindi pa ho nangyayari na ganyang kalaki ang reserve, dollar reserve ng Pilipinas.

Bakit nga ba dollar ang ginagamit? Well, naging super power po sila at sila’y pinakamalaking ekonomiya, lalo na pagkatapos ng World War II dahil ‘yung bansa lamang nila ang hindi pinasabog, hindi sinakop, ni hindi pinasukan ng anumang barilan o bombahan kaya sila ang pinakamalaki’t pinakamalakas na ekonomiya matapos ang World War II.  ‘Di tulad ng ibang bansa sa Europa. ‘Di tulad ng mga bansa sa Asya, sila pagkatapos ng giyera ng nakapagbenta kaagad ng kung anu-ano kaya sila ay nagkaroon ng pinakamalaking ekonomiya.

When various countries in the world entered into different agreements wherein they left the gold standard then the only standard left was the dollar as the strongest and most prevalent to use currency at that time.  If I remember correctly, Bretton Woods was already done into 1978 when they left the gold standard.  Hindi ho ba dati sila kung may pera ka, pwede niyo pong ipalit sa bangko na may katumbas na ginto iyon.  Ganoon ‘yung limitation para sa kada bansa sa pag print ng currency nila.  The problem is, they had it stay enough dollars for the currency they have thus to plans to issue. So they spearheaded with the World Bank that agreement to leave the gold standard kaya naging tanging batayan at basehan na lang ng money supply ay kakayahan ng bansa magprint taking to account inflation, taking to account the law of supply and demand. Nothing more.

Nang tinuro ho sa akin ‘yun ni Professor (Solita) Monsod, hindi ko naintindihan masyado kung bakit at ano ang pipigil sa bansa mag-print ng pera. Apparently, inflation does and will. Ano nga ba ang pipigil sa bansa natin magprint ng mag-print ng pera? Bayaran lahat ng utang natin, ‘di ba ipalit sa dolyar, inflation. ‘Pag sobrang daming piso, bababa ang presyo, ‘pag kulang ang piso mas mamamamantina ang presyo. And that’s what preventing the United Sates from printing too many dollars – it’s inflation in their own country. And will cause widespread poverty if they do that.

May kinalaman ba si (inaudible) sa wala, hindi ko po alam. Pero duda ako kung may hawak siyang Php3-T in cash, in investments probably. But if these are investments, it’s only the availability of the cash that cause the dollar rate to go up. It’s not necessarily investments; unless he decides to sell and there’s not enough money to pay him or but it from him.  But in his case, hindi nila bibilhin. Mangyari man uli yan, again, our resiliency will be proven once again, given two factor: BPO and OFW. Next time, in the next forum when you’re with any finance expert ask him or her in fact what will tell you most likely is this, kahit sino pa ang presidente natin kahit saan pa nanggaling ang presidente natin, kahit ano man siya, kahit alam niya o hindi mananatiling maganda ang ekonomiya natin dahil sa dalawang bagay na ‘yan. And it will take a lot before he can cause the Philippine economy to actually go down and not grow. Simply because this two industries are growing and expanding and I hope we get to maintain that in the next couple of decades and years.

Yes, Justice?

Q: (inaudible)

CHIZ: Doo ho dapat pumasok ang pamahalaan. Dapat i-bridge niya ‘yung gap sa pagitan ng kumikita ng mayaman at ng mahirap at nangangailangan. But if you say hindi po marami, there approximately ten million Filipinos working abroad. If you compute the average Filipino size as 5 to a family meaning, I’m being very conservative, husband, wife and three children/ So kung may asawa, may anak o may kapatid na nagtatrabaho sa ibang bansa, ang 10 million Filipino apektado ang buhay ng humigit kumulang 40 million Pilipino na nandito sa Pilipinas. BPO industry nandito na mismo sa Pilipinas ‘yun hindi na nila kailangan umalis. So it affects a lot more lives than we think or would like to think.

Pagdating naman po sa exports, tama naman po kayo doon, konti lang naman ang exports natin. Kaunti lang ‘yung makikinabang kung bumaba man ‘yung presyo. Sana kung marami tayong exports, agree ako sa kanila. Pag tumaas ang dolyar mas kikita tayo, mas mumura exports natin. Pero konti lang po yung exports natin. At hindi naman ganoon kalaking benepisyo talaga ang magkakaroon tayo kaugnay ng pagbaba ng piso. Mas malaking epekto pa rin ang BPO at OFWs kaugnay sa palitan ng piso kontra dolyar. Pansinin niyo nung tumaas ng 50, ang daming nagpapalit, naghihintay talagang tumaas. So nagkaroon ng purchasing power, maraming nabiling produkto. At dahil maraming bumibili, tumaas ng bahagya pero ‘pag bumaba uli yung dolyar, kakaunti ang bibili, bababa na naman ng bahagya ang presyo. ‘Yan po ang turo sa akin ni Professor Monsod. Kaya lang po minsan hindi ko nakikita ‘yun sa ating ekonomiya.

Q: As the chairman of the Committee on Banks, sino sa palagay mo ang dapat na sumunod kay Governor Tetangco? Outsider o Insider? Meron ka bang napupusuan sa mga pangalan na lumutang na?

CHIZActually, isa lang naman ang napapansin ko, parang ang daming nagpe-press release bigla. Ang dami kong nakikitang mukha bigla, sa loob man o sa labas ng Bangko Sentral, ‘di ba? Biglang ang daming nangangampanya ngayon. Para sa akin, maganda ang trabaho ang ginawa ni Tetangco pero maging ganoon pa man, all things must come to an end, hindi ka mag-stay there for life. Somebody has to replace him and we cannot look at him as someone indispensable. Hindi naman ganoon kahina yung ating bansa na walang pwedeng pumalit sa kanya na kasing galing.

Personally, I will always choose someone from the inside. I will always prefer someone from the inside. ‘Yung hindi na mago-OJT sa trabaho. But when it comes to other positions in the monetary board, dapat may mix siya.

Allow me to share, napakaraming justice natin dito, napakaraming abogado. Sinabi ko po ito noon kay Pangulong Aquino, nabigyan ako ng pagkakataon masabi kay Pangulong Arroyo, nabanggit ko rin ito kay Pangulong Duterte. For example, the president will appoint nine justices in the Supreme Court possibly even ten. Sabihin mo ng sa nine, and we have fifteen justices. Noong nag-JBC ako, sinubukan kong ipaglaban ito pero hindi kinaya. Baka naman po pwede pag-aralan ng husto ang bawat isa. Sa papaanong paraan? Siyudad, probinsiya, o rehiyon na pinanggalingan, eskwelahang pinag-aralan, kasarian, at field of expertise sa law. Bakit? Hindi po dapat lumampas sa paniniwala ko ng tatlo ang ia-appoint na maski na sinong pangulo na miyembro ng Korte Suprema. Hindi tama at unfair na majority isa lang ang maga-aapoint? Dapat tingnan natin yung future na hindi dapat lalampas sa tatlo ang magreretiro na justice ng Supreme Court kaugnay sa ia-appoint ng pangulo sa loob ng kanyang termino.

Pangalawa, i-take into account na natin relihiyon, region, probinsiya para balansiyado yung korte. Hindi puro tiga-UP kapag ang presidente ang tiga-UP. Hindi rin puro tiga-San Beda kapag ang presidente San Beda. Dapat tingnan yung pinanggalingang rehiyon. Tingnan din ‘yung mga eskwelahan. Para maging patas at parehas sa lahat, na may pantay na pagkakataon. At higit sa lahat, tingnan yung field of expertise dahil minsan may korte na ni walang tax expert. Sinong mangunguna sa pagtalakay o pagdeliberate ng isang isyu na may kinalaman sa tax na hindi ganoon kasimpleng pag-aralan maski sinumang abogado. Dapat may Consititutional Law expert palagi, may criminal law expert, may international expert. Sana makita ng JBC at ng pangulo ‘yon kaugnay sa pag-appoint ng kung sinuman ang ilalagay nila sa Korte Suprema.

Gayon din sa pagiging insider o outsider. Dapat din mayoriya ng Korte, insider. Dapat hindi outsider dahil nakakawalang gana. Alam mo ‘yon? Itataya mo ‘yung career mo sa judiciary tapos nandoon ka na, hindi ka makapasok-pasok dahil kung sinu-sino sa labas ang kinukuha? Dapat parang foreign service, may kasunduan at agreement na ganitong porsiyente na miyembro galing sa loob, meaning rise from the ranks kumbaga. In fact, if you ask me, I would prefer a stricter rule. Ang pagkukunan lamang ng mga RTC judges, 70-80% should be from the MTC and NCTC judges. Ang pagkukunan lamang ng CA, same, a higher percentage in fact, 80% from RTC judges. Para mas marami ang tumaya at pumasok sa hudikatura. Para maencourage silang pumasok sa hudikatura at manilbihan at itaya ‘yung sarili nila sa isang karera kaugnay sa pagiging Korte Suprema o maging miyembro ng Korte Suprema pagdating ng tama at angkop na panahon.

The same is to the Bangko Sentral, I would like to see a career person seat there, because this is one of the departments that should not be political. I will go a step further. In fact, I know that secretaries are coterminus with the president but some departments have to man by a career person like health. Hindi naman na sigurong kailangang political appointee pa yun, in fact hirap na hirap na maghanap ang presidente ng health secretary. ‘Yung doctor ba na magaling na administrador na kayang magpatakbo ng mga kalakaran sa gobyerno? Health, trade, budget and management, anything not related to politics should be a career person. should be appointed, meaning from the ranks. Sige ang political appointee, DILG (Department of Interior and Local Government), DA (Department of Agriculture) kasi pulitika ang kanin palagi, DFA (Department of Foreign Affairs), DND (Department of National Defense). ‘Yan ang political appointee but the rest would be career persons. The same is true for our Foreign Affairs, ang political na dapat appointee lamang would be China, ASEAN member countries and United States. Probably, EU but the rest should have  already be careered. Dahil sensitive ang mga bansa na iyon kaugnay ng foreign policy na dapat president lamang ang nagpapasya.

Sorry if I degress but to answer your questions briefly, I think it should be a career person but it’s totally up to the president. I’m not diminishing the capacity of those outside of the monetary board or the Bangko Sentral right now, it’s just that for continuity sake I prefer that it should be from the inside.

Q: Definitely last question, Justice Rosiña

Q: Acutally, this is not a question, it is something that everybody should know what Senator Escudero has done for the members of the judiciary. The cause of Republic Act of 1996 all benefits of retired judges when benefits have been upgraded.  It is because of the work of the Senate especially senator who helped us tremendously. Now, to all the members of the judiciary, the retired members are having upgraded such pensions and most importantly have survivor’s benefit.  Never did this shall come into passed until we have somebody in the senate who helped us.

So, thank you very much for all the brilliant answers to the very current questions which were asked this morning. I think they were all intelligent questions but they were equally answered with much intelligence and something that we will want to remember when we shall have left this room. To all the retired judges who are here, these are that receiving pension benefits especially the survivor benefits because when a judge die today his wife immediately get a survivor’s benefit which is equal to the salary. And thanks to the Senator who has helped tremendously.  Maraming salamat po.