INTERVIEW

AMBUSH INTERVIEW KAPIHAN SA KLUB

LOCATION: CLUB FILIPINO

QUESTION (Q): Tungkol doon sa suggestion mo doon sa Presidential 603.

SENATOR CHIZ ESCUDERO (CHIZ): Pabor ako na tignan muli iyong ating lumang batas na Child and Youth Welfare Code juxtaposed sa kasalukuyang batas para makita ano ba iyong pinakamagandang pamamaraan para hindi lamang mabigyan ng katarungan pero mabigyan rin ng pagkakataon ma-rehabilitate ang sinumang nagkamali sa murang edad.

Q: Sir, ano po ba, bilang head ng Senate Committee on Education ano po ang plano natin doon sa rising cases ng rape doon?

CHIZ: Actually, nabasa ko sa dyaryo iyon. Inaalam namin ang bagay na iyan, kung gaano talaga kalaganap kung saka-sakali at kung paano ito maiiwasan dahil nagaganap at nangyayari iyan madalas sa labas naman ng paaralan at hindi habang may klase. Sinusuri namin kung anong kapangyarihan o papel ang pwedeng gampanan ng DepEd o kung hindi man ng pamahalaan kaugnay sa bagay na ito. DepEd problem pa ba ito o security problem o security issue na ito na dapat na ang mangasiwa ay ang ating pulis o security forces.

Q: So are we going to call for a Senate committee hearing?

CHIZ: Not necessarily but I’ll just inquire from them kung ano ang tunay na sitwasyon saan ba madalas nagaganap ito? Sa loob ba o sa labas ng eskwelahan. Ang notion ng rape sa mura o batang edad, hindi naman automatically DepEd problem depende kung saan madalas nagaganap at sino ang gumagawa ng karumadumal na mga krimen na ito. Kahit mag-file pa kami ng Senate resolution, recess din naman hindi rin naman mare-refer sa committee; so sa Mayo pa rin iyan. Sa huli, pagkukunan naming ng datos mula sa DepEd at mula sa PNP.

Q: Iyong criminal liability po, tingin ninyo po merong criminal liability ang mga school officials kung sa loob man nangyari kung sakali?

CHIZ: Kung sa loob ng eskuwelahan nangyari, meron tayong liability para sa school officials kaugnay ng kanilang civil liability sa pangyayaring nagaganap sa kanilang paaralan. Pero para sa akin, again kung tapos na ang school hours – let’s say gabi na doon dinala or doon nagpunta – hindi ko masasabi agaran na may liability iyong school officials kung ganyang klase ng pangyayari. At dahil lamang bata sila at nagkataon na naka-enrol hindi naman siguro agad kasalanan ng mga teacher.

Q: Hindi ho ba alam ninyo iyong basic issue?

CHIZ: Titignan muna namin ang data, mahirap humusga ng alarming agad dahil lamang sa isang artikulo. Nais naming makita iyong aktuwal na data. Ilan, gaano kadalas, saan nangyayari sa loob ba o sa labas, anong oras madalas nagaganap. Sa loob din ba o sa labas ng nasasakupan ng paaralan.

Q: Sir, update sa Amnesty International iyong plano ninyo na inquiry?

CHIZ: Actually, ibinigay na nila sa amin iyong report magpupulong kami kung hindi ako nagkakamali before Holy Week. We’re trying to have a meeting with Amnesty International for them to present their data to us, with respect to their findings. Dahil base sa unang pagkakabasa ko ng finding nila iilan lamang at mangilan ngilan lamang naman iyong interview nila at iyong kaso na tinignan nila. Gineniralize na agad nila sa lahat so nais naming makita iyong raw data ng kanilang survey. Hindi naman talaga siya study kundi survey kaugnay sa EJKs dito sa ating bansa. Nais ko rin naman kasing malaman iyong katotohanan at puno’t dulo ng bagay na iyon.

Q: Thank you sir.

CHIZ: Salamat.