SPEECH

CASIGURAN BOAT DISTRIBUTION

LOCATION: CASIGURAN, SORSOGON

Sa mga opisyales ng Department of Agriculture, sa BFAR, sa gabos na mga taga-Casiguran sa probinsiya ng Sorsogon. Diyos marhay na hapon sa inyo gabos.

Magtatagalog ako, Bisaya ang secretary natin. Una sa lahat, nais kong magbigay ng taus-pusong pasasalamat kay Sec. Manny Piñol para sa 200 bangka na iti-turnover natin sa hapong ito. Alam mo si Sec. Piñol sa mga naunang panahon, (speaks in local dialect).

Mahaba na ang pinagsamahan naming ni Sec. Manny Piñol at binabati ko siya sa posisyong ibinigay sa kanya ni President Duterte dahil tunay na marami siyang magagawa para sa sektor ng agrikultura. Matagal na niyang hilig ang agrikultura nung siya ay governor pa lamang ng North Cotabato. At ngayon ang mga ginawa at nagawa niya sa kanyang lalawigan, may pagkakataon siyang gawin sa buong Pilipinas. At isa na nga ang Sorsogon sa naging beneficiary ng programa ni Sec. Manny Piñol sa ilalim ng amdinistrasyon ni Pangulong Duterte.

Hindi ko rin papahabain ito dahil alam ko mas maraming sabihin, ipaliwanag at ipangako pa sa atin si Secretary Manny Piñol. Bigyan natin siya ng mahabang panahon para malitanya niya ang kanyang mga plano pa para sa atin dito sa Sorsogon maliban sa 200 bangka.

Hindi ko sasabihin na gagawin niyang 1,000 daw ‘yung 200, siya ang magsasabi noon (crowd applauds). Hindi ko rin babanggitin ang ibang mga programa niya kaugany sa agrikultura dahil marapat at mas dapat manggaling, magmutawi sa kanyang mga labi ang mga programang iyan.

Pansamantala, hayaan ninyo na lang iparating ko, sa ngalan ni Secretary, ng lahat ng aming mga kababayan sa Lalawigan ng Sorsogon, ang amin pong taos-pusong pasasalamat. At dahil mas madalas kayong magkita ni Digong, kayo na rin ho ang magpaabot n gaming pasasalamat kay Pangulong Digong sa proyektong ito.

Sa muli, sa inyong lahat at sa lahat ng beneficiaries at recipients, sana alagaan ninyo ang bangkang ito. Sinubukan kong pukpukin ng maso ito, hindi kaya. Gustuhin ninyo man sirain, hindi kayang sirain ito. Pero kailangan pa din ng kaunting pag-aalaga. Kung ‘yung manok nga nahihimas ninyo araw-araw, to baka pewde maski minsan sa isang linggo, mahimas man lang, maalagaan at makatikim ng kaunting pagtingin.

Aasahan namin na tunay nga na mabibigyan naming (inaudible), sa pamamagitan ng programang ito, ang lahat ng mangingisda sa buong lalawigan ng Sorsogon. Bakit? Kada isang bangka kailangang pumutol ng isang malaking puno. Tama na ‘yun at hindi na dapat ginagawa ‘yon. Lifetime na ito at hindi na kailangang i-repair kada taon o kada dalawang taon.

Pangarap namin, bawat mangingisda fiberglass na bangka na ang gamit para hindi lamang pangmatagalan, panghabambuhay na serbisyo. Sa muli Secretary Piñol, maraming salamat. (speaks in local dialect).